Prologue

34.7K 613 37
                                    


"Kill him or I'll kill you?"malamig na saad ng lalaki.

"P-Pero Boss! May pamilya pa siyang kailangang balikan at sustentuhan! B-Buntis pa ang asawa niya!"nanginginig na saad ng tauhan nito.

Dalawang magkasunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid..

"Never waste my time.."malamig na sambit ng lalaki. Saka tinalikuran ang dalwang tauhang naliligo sa sarili nitong dugo na mulat ang dalwang mata.

"Let's go." malamig na turan nito sa benteng bantay na lagi niyang kasa-kasama.

Nagkakagulo ang lahat ng empleyado sa kompanyang 'yon dahil galit na galit nanaman ang kanilang boss. Ang boss na walang kasing gwapo at wala ring kasing bait sa kabaligtaran.

"Fuck it! For how many hell times I told all of you to pass it to me as soon as fucking possible!"galit na galit na sambit nito habang nag iigting ang panga. Nanginginig naman sa takot ang lahat ng empleyadong naroon.

"Sorry sir!"paghingi ng paumanhin ng mga ito.

"Sorry? Is that what all of you can say? For how many times I told all of you that I don't wanna heard that damn word! Go back to your work and submit the files! Faster!"bulyaw nito sa lahat ng naroon.

Nang nasa condo na niya ito ay siyang pagtawag naman ng kanyang ina.

"Yes? Mom? Yeah. I will."aniya habang kausap ito sa cellphone.

"Kelan ka bibisita dito samin? Namimiss kana namin."malambing na turan ng kanyang ina.

"C'mon. Last monday I'm with you."masungit nitong turan sa ina. Pag talaga nasobrahan na sa pagiging malambing ang kanyang ina at panay ang pangbebaby nito ay nagsusungit na siya.

"Kahit na. Miss na kita agad kaya umuwi kana dito. Your dad want us to be complete."anito sa nagtatampong tono. Napangiti nalang siya ng wala sa oras sa narinig. Bihira lamang siyang ngumiti pero kapag ang mommy at daddy na niya ang kanyang kausap ay ganoon nalang ang kanyang galak.

"Where's Vlad?"tanong niya sa ina. Hinahanap ang kakambal.

"He's with your dad."saad ng mommy niya. Pagkatapos noon ay nagkuwentuhan lang sila ng ilang minuto at pinatay niya na ang tawag.

Ito ang araw na sobrang saya ni Shea dahil natakasan niya ang bodyguard na binigay ng daddy niya para bantayan siya. Si Shea yung tipo ng babaeng sobrang bait at masunuring anak pero siya din yung tipo ng anak na nakakaramdam ng boring sa buhay. Parang gusto niyang magliwaliw kahit papano. Labing walong taong gulang na siya. Nasa wastong edad na para magdesisyon para sa sarili. Pero heto siya at sunod sunuran parin sa magulang niya.

"Hay! Salamat! Nakatakas din ako. Ang hirap tumakas sa palasyo! Nakakainis."inis niyang turan sa kawalan. Sakto namang bumuhos ang malakas na ulan dahilan kung bakit siya basang basa sa ulan.

"Ano ba naman yan? Ugh! Umulan pa!"inis niyang sambit habang natakbo papunta sa sikretong lagusan palabas ng palasyo. 

Madilim sa parteng iyon dahil sa ilalim ito ng lupa kung saan nandoon ang lagusan. Sinindihan niya ang mga sulo na nandoon para magbigay liwanag sa daan.

Nang makalabas na siya doon ay siya namang pagsikat ng araw sa labas. Kaya napangiti siya ng masaksihan ang bahaghari. Kay ganda nitong pagmasdan dahil sa makulay ito. Mabini rin ang simoy ng hangin.

Napapaligiran ng pine trees ang nilabasan niya at makalipas ang ilang minutong paglalakad ay makikita na ang kalsada.

Kinapa niya ang bulsa niya kung saan nakalagay ang ilang alahas gaya ng hikaw at ponseras at ang ilang salaping hiningi niya sakanyang ina noong isang araw.

"Kasya na siguro ito!"nakangiti niyang sabi. At naglakad na. Pumara siya ng taxi.

"Manong sa Euro Mall po."aniya na sinunod naman ng driver. Pinagmasdan niya ang magandang tanawin sa London hanggang sa makarating sa siyudad na may mga modernong gusali na nakatayo. Maraming tao ang palakad-lakad roon. Karamihan ay nagmamadali. Ang ilan naman ay abala sakani-kanilang gawain.

Sobrang ganda ng London dahil sa pagpapanatili ng Hari at Reyna sa kaayusan nito. Maging ang mga tao ay organisado. At may prinsipyo.

Mabuti nalang ang suot niyang bestida ay hindi halatang pang prinsesa. Kung kaya't malaya siyang nakapamasyal at nakapamili. Bumili muna siya ng cocktail dress at sinuot yun saka binayaran dahil nangangati na siya.

Matapos ay bumili na rin siya ng cellphone. Saka sinangla ang alahas niyang nagkakahalaga ng 5.8 Billion. Kahit na gulat na gulat ang bantay ng sanglaan ay hindi na ito nagtaka nang mamukaan ang Prinsesa.

"Shhh. Ayokong may makaalam na nasa labas ako. Tumakas lamang ako sa palasyo."aniya sa nakangiting tono. Tumango naman ang bantay at nginitian siya. Walang kahit sino ang makakatanggi sa Prinsesang katulad niya. Bukod sa kilala siyang mabait, masunurin at mapagmahal sa bansa, marami ring humahanga sa angking ganda at katalinuhan ng dalaga.

Umalis na siya agad doon at nagtungo sa Quantum ng Mall. Para subukan ang mga larong tanging sa palasyo niya lang nagagawa. Kahit na may class siya bilang Prinsesa ay di niya parin maiwasang maging isip bata. Pero kapag usapang tungkulin at pang eskwelahan ay seryoso siya.

Sinubukan niya ang lahat ng laro doon. At nang makaramdam ng gutom ay kumain sa isang sikat na French Cuisine na paborito niya.

Pinili niya ang mga paborito niyang pagkain na higit na mas masarap kumpara sa pagkain sa palasyo.

Nagustuhan niya iyon kaya naman nakadami rin siya ng kain. Di alintana ang tinginan ng mga tao. Hindi naman siya namukaan ng mga ito dahil sa suot niyang short hair wig.

Pumunta na siya sa isang Night Bar nung gabi para subukang magliwaliw. Agad niyang tinanggal ang wig dahil hindi naman siya mapapansin sa dami ng tao sa Euro Oblivion Bar.

Puno ng tugtugan at sayawan ang paligid. Maraming kabataan at mid 30s ang nagkalat roon. Mga sikat na bachelor at ilang sikat na modelo at artista.

Dumiretso siya sa bar counter para umorder ng Margarita na madalas niyang inumin. Nagandahan sakanya ang bartender doon pero kahit dinadaldal siya nito ay tanging ngiti lang ang sinusukli niya. Nag iingat lamang siya na baka mapano siya lalo na at isa siyang Prinsesa.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon naparami ang inom niya. Sinubukan niyang pumunta sa dance floor para sumayaw. Para matanggal ang espirito ng alak sakanyang katawan. Gumiling at sinabayan niya ng pagsayaw ang lahat ng naroon.

Marami ang nagandahan at nasexy-han sakanya. May ilan ding nagtangkang manyakin siya pero lagi siyang nakakailag maliban sa isa. Isang malaki at malapad na kamay ng lalaki ang pumulupot sakanyang bewang at bahagya siyang kinabig padikit sa matipuno nitong dibdib. Nakasuot ito ng half mask habang nasabay sa pag indayog ng kanyang katawan.

His palm travel around her body na nakapagpainit ng husto sakanyang pakiramdam. Hindi niya alam kung pano at bakit hinahayaan niya ang lalaking itong haplusin ang bawat parte ng kanyang katawan.

Napakagat labi ang lalaki na lalong nakadagdag sa kagwapuhan nito. Bagama't madilim tanging neon lights at may bahagi ng muka nitong natatakpan ng maskara ay alam niyang sobrang gwapo nito. Napakalalim ng titig ng mala abo nitong mata. May mapulang labi, matangos na ilong, makapal na pantay na kilay at perpekto ang hulma ng jaw nito. Napakagat labi siya sa kanyang napapagmasdan. Hinawakan niya ang balikat ng lalaki habang nagiling.

"Who are you?"tanong niya rito.

"I am the Heir and you're my Obsession.."anito sa husky na boses. Napakagwapo ng boses nito na kahit sinong babae ay maiinlove. Napangiti siya sa sinabi ng lalaki.

At hindi niya alam kung panong nangyaring nadala siya nito sa isang kwarto na sa tingin niya ay Condo.

Sabay nilang pinagsaluhan ang mainit na gabing 'yon. Kung saan she lost her virginity over a heir..

The Heirs ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon