T-1

24.3K 432 10
                                    

Isang magandang umaga ang bumungad sakin ngayong lunes. Nag unat unat ako at nagsimulang kapain ang aking muka na baka ay may amos o muta pa. Saka kinapa ang bandang labi kung may panis na laway. Nung wala naman ay dahan dahan na kong bumangon at naglakad papunta sa may bandang bintana at binuksan ito.

Nasilaw pa ako sa sikat ng araw na tumama sa aking mata. Pumasok din ang sariwang hangin sa loob ng aking kwarto. Dinungaw ko ang labas at kahit na matagal na kong nakatira dito sa palasyo ay namamangha parin ako sa siyudad na makikita sa malayo. Kitang kita kasi dito ang buong siyudad ng London at ang ilang burol at probinsya. Hindi ko parin maiwasang di matuwa sa mga ibong malayang lumilipad. Meron ding jet na dumaan.

Natigil ang aking pagpapantasya sa paligid sa sunod sunod na katok sa pintuan ng aking silid.

"Mahal na Prinsesa, pinapatawag ho kayo ng inyong inang Reyna, para kumain ng umagahan sa hapag."sigaw ng tagapagsilbi mula sa labas ng pintuan.

"Susunod na."sambit ko. Saka kumilos para magpalit ng bestida.

Mabilis akong naghilamos at naglakad na palabas pababa ng hagdan diretso sa holoseyo.

Naabutan ko doon si Ina at Ama na naghihintay sa akin. Nginitian ko silang dalwa at hinalikan sa pisngi. Bago naupo sa nakalaang upuan para sa akin.

"Mabuti at bumaba kana, anak. Halika na at kumain na tayo. Aalis nga pala kami ng iyong ama mamaya."ani Inang Reyna na nginitian at tinanguan ko na lang. Sanay na sanay na rin naman ako sa lagian nilang pag alis ng palasyo para gampanan ang kanilang tungkulin sa bansa.

Kumain lang ako ng mabuti. Nagpaalam na din ako na pupunta akong national bookstore pagkatapos ng klase namin sa London Royalty University. Kung saan nag aaral ang mga mayayamang mamamayan ng bansa at mula pa sa ibang bansa.

Maaga nga pala ang aming pasok ngayon. Dahil maaga din kaming pauuwiin mamaya.

Mabilis kong tinapos ang pagkain at bumalik sa aking silid. Para maligo at mag handa na sa pagpasok. Sinuot ko ang Royal uniform ng University.

Bumaba na ko para magpaalam. Saka dumiretso sa harap ng palasyo kung saan naghihintay ang valet.

Mabilis lang ang naging biyahe papuntang school. Hindi ko na nga namalayang nakatulog na pala ko. Nagising lang ako sa boses ng Royal driver ng palasyo.

"Mahal na Prinsesa, nandito na po tayo."aniya. Nagmulat ako ng mata at inayos ang aking sarili saka nagpasyang lumabas ng kotse.

Mabuti nalang kapag nandito sa University ay hanggang labas lamang ang mga bodyguard. Dahil medyo hassle at nakakailang kung palagi ka nalang may buntot na bantay.

Nginingitian at binabati naman ako ng mga estudyanteng nadadaanan at nakakasalubong ko.

"Good morning, your highness!"masiglang bati nila sakin. Ngumingiti lang ako at naganti ng pagbati sakanila.

Ang ganda niya talaga

Sana naging Prinsesa nalang din ako!

Nakakainlove ang Prinsesa

Nakakaiinggit ang kutis niya

Gosh! Ang ganda ganda talaga ni Princess Carma Shea Vantress!

Sinabi mo pa! Hindi lang siya basta Prinsesa maihahalintulad siya sa isang Dyosa!

Kaya nga! Shems!

Panay ang ngiti ko sakanila kaya nangawit na talaga ang labi ko sa kakangiti. Geesh! Pero worth it dahil mahal ko ang lahat ng taong nakatuntong sa bansang aking kinalakihan at minahal ng todo.

"Good morning, your highness."bati sakin ng mga kaklase ko nang makapasok nako sa classroom. Made of fiber glass lahat ng gamit namin sa loob. At high-tech lahat ng gamit. Tablet ang ginagamit namin for discussion kaya hindi na namin kailangang gumamit ng notebook. Pero syempre kailangan namin ng ilang school supplies kapag gagawa na kami ng activity kaya dadaan ako sa national bookstore mamaya.

Naupo na ko sa pinaka unahang row kung saan ako nakaassigned. Ngumiti ako sa mga kaklase kong nabati ng magandang umaga.

Nagsimula ang klase ng sobrang attentive ako. Hindi ko alam pero hilig ko na talaga ang mag aral. Simula palang pagkabata. Mas gusto kong kasama ang mga libro kesa magliwaliw. Siguro ganoon talaga kapag Prinsesa ka na nakatakdang mamuno sa susunod na henerasyon ng pamamahala sa bansa.

Pero siguro din mas nag eenjoy ako sa pagbabasa at pagsusulat.

Ang saya ng talakayan ng professor namin ukol sa History. Kaya naman nag enjoy ako sa pakikinig. One more thing about me, mabilis akong makatanda ng mga nilelesson dahil sa photographic memory.

Naging ayos din ang mga sumunod na subject. Tipong nag eenjoy talaga ako. Confident din ako kapag ako ang tinatanong ng prof namin about sa tinalakay niya.

Maagang natapos ang klase namin ng araw na ito. Kaya naman dumiretso nako sa National Book Store. Para bilhin ang ilang school supplies at syempre bumili ng novel book. Gusto ko talagang magbasa mamaya ng panibagong kuwento.

Nakapagbasa nanaman ako ng mga libro tungkol sa mga subject ko kaya it is the time to relax.

Magbabayad na sana ko sa counter ng may matangkad na lalaking humarang. I mean sumingit. Imbes na mainis ay ngumiti nalang ako sa sarili ko.

Hindi ko alam kung bakit kailangan pang nakamaskara siya. Mygosh! Kakaiba talaga ang trip mga tao dito sa London kung minsan.

Mabilis naman siyang natapos at umalis na agad. I was dumbfounded ng sundan ko siya ng tingin. Lumabas siya ng national book store at sinalubong ng halos benteng bodyguard. Pinahawak niya sa pinaka leader yung pinamili niya.

Another Elite e? Bakit ba nababano ako? Ako nga Prinsesa! Hay nako! Nakakaloka!

"Yes Ma'a---your highness.."aniya. Napangiti ako doon. Bakas na bakas ang gulat sakanyang muka na kinangiti ko lang. Hindi parin sila makapaniwala na para akong ewan na pakalat kalat. Parang di ako Prinsesa na kapag nakidnap ay walang malaking patong sa ulo. Hindi naman sa di ako natatakot. I know self defense naman saka marami akong bantay bukod pa yung sa sampong bodyguard ha. Kalat kalat lang sila nakikihalubilo sa mga tao para di naman hassle na laging may kabuntot no.

"$150 lang po, your Highness."aniya sa nakangiting labi. Tumango ako at inabot sakanya ang pera. Inayos niya naman agad at binigay sakin ang resibo. Lumabas na rin ako agad ng National Book Store at nagpunta sa Cafè na madalas kong puntahan. Umorder ako ng Lasagna at Frappes. I feel so hungry. Nakakapagod. Kahit na yun lang ang ginawa ko. Pinakain ko na rin yung mga bantay ko. I don't want them to be hungry. I love my country so as the people.

Then napansin ko nanaman yung lalaking ang daming bantay. He's handsome kahit na nakatalikod siya. Lagi ko nalang siyang nakikita pero lagi siyang nakatalikod o kaya naka side view kapag nakikita ko. Hay nako! Napasok din kaya siya sa LRU? Kung saan ako nag aaral? Di ko siya nakikita sa sobrang laki ng school. Hmm.

Mabilis siyang tumayo ng matapos na siya. Ang tauhan niya naman ang nagbayad sa kinain niya. Such a rich kid, huh. Ilang taon na kaya siya? Wait nga? Bakit ko ba siya iniisip at inuusisa? Kelan paba ko naging usisera at interesado sa personal na buhay ng iba? C'mon. That's absurd.

Kumain nalang ako. Saktong tapos na kong kumain ng tumawag si Nyx ng Seven Horizon. Isa siyang celebrity na matalik kong kaibigan. Magkaibigan ang pamilya namin kaya ganoon. Isa din siyang Royalty from Seoul, South Korea.

The Heirs ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon