T-3

17.6K 410 4
                                    

Akala ko gising na siya hindi pa pala kaya naman naisipan kong umalis na baka hinahanap na rin ako sa palasyo. Kaya naman kahit na alas singko palang ng madaling araw nagpasya nakong umalis.

Dahan dahan kong inalis ang kamay niya at binti na nakapulupot sakin. Luckily, hindi naman siya nagigising. Dahan dahan akong umalis ng silid na iyon.

Bago yun, pinagmasdan ko muna ang kabuoan nito. Naghalong gray at black ang kulay ng pader at may red carpet din sa sahig. Hindi lang yun, lahat ng gamit doon ay ganoon ang kulay at halatang mamahalin. Wala akong nakitang bookshelves sa loob pero may napansin ako. Katulad ng secret passage. May kamay na ukit sa pader na kasing laki at lapad ng kamay niya. Siguro nandoon sa loob ang bookshelves.

Saka ako lumabas at sandaling pinagmasdan ang buong sala. Ganoon din ang kulay noon, malinis at organisado ang lahat ng gamit. Ni wala nga kong nakitang kahit alikabok man lang ng hawakan ko ang mga muwebles.

Nagpasya nakong umalis. At mabilis na sumakay ng elevator palabas. Konti nalang ang taong gising. Halos mga empleyado nalang ang makikita. Umiwas akong makita nila. Buti nalang wala sa gate ng condo ang security guard nandoon ito sa may reception. Nakikipagkuwentuhan sa mga receptionist. Kaya matiwasay akong nakalabas. Pumara agad ako ng taxi at nagpahatid sa forest na malapit sa palasyo.

Gosh! Hindi ko na nadala yung mga pinamili ko. Di bale na nga. Nang makarating kami ay mabilis akong bumaba para makapunta sa forest kung saan papasok ako ng palasyo.

Saktong 6:30 am nang makapasok ako sa kwarto ng walang nakakahalata. 7 am kumatok ang mayordoma ng palasyo para gisingin ako. I feel so relax dahil safe akong nakauwi at matiwasay akong nakapasok sa loob ng walang nakakakita.

"Yes po! Babangon na po. Sandali lang. Maliligo lang din ako."dumiretso nako sa CR para maligo. Nagbabad ako sa malawak na jacuzzi to freshen up. Nalagyan ko na ito ng vanilla at petals ng red roses. Nilaro ko ang shampoo at sabon saking kamay saka lumublob. Marahan kong pinikit ang aking mata pero tanging pangyayari lamang kagabi ang aking naalala.

Kung pano niya ko haplusin at sambahin ang aking katawan. Omygosh! Pakiramdam ko namumula na naman ako kahit na malamig ang tubig ay nag iinit ako. Nakakahiya ka! Isa ka pa namang Prinsesa kelan kapa naging pervert.

Pero that 7 inches tho, omygosh! Bakit kailangan ko pang sukatin?! Ugh! Ang laki laki nun na hindi ko man lang mahawakan ng buo dahil sa lusog.

Lalo kong nilublob ang sarili ko saka pilit iwinaksi ang iniisip.

Nahirapan pa ako. Omygosh!

Ano ba yan! Simula nung makilala ko siya lagi akong napapa-Omygosh.

Tinapos ko na ang paliligo saka lumabas para sabayan sila inang Reyna. Sinalubong nila ko ng may ngiti sa labi. I feel guilty dahil doon.

"Anak, isasama ka namin ng iyong ama sa pagtitipon mamaya sa Canada. Sinabi ko na saiyong tagapagsilbi na ayusin ang iyong gamit. Kaya huwag kanang mag abala pa."nakangiting saad ni Ina. Tumango lamang ako at tinuloy tuloy ang pagkain.

Bandang alas diyez kami ng umaga umalis pasakay ng private plane patungong Canada..

Maraming tao doon na sumalubong samin na nginitian naman ni Ina at Ama. Maraming bumati na ginantihan naman ni Ama at Ina ng magandang pagbati. We received a lot of praised from them. Tanging ngiti lang ang aking ginaganti. Nagpahinga lang kami sa Royal House para sa amin.

Doon na rin kami kumain ng tanghalian. At nagpahinga. Hinintay ang alas siete ng gabi para sa gaganaping pagtitipon.

I meet a lot of men and women na nakipagsocialize sakin. Tinanggap ko naman ng buong puso ang kanilang pakikipagkilala at pakikisama.

"you're so beautiful, my deity."nakangiting saad ni Crucifer. Isa ding elite na nakatira dito sa Canada, he's so handsome. Pero para sakin mas gwapo parin ang lalaking nakamaskara.

"Thank you."nakangiti kong saad.

"C'mon, lets dance."aniya na tinanguan ko lang. Everyone cheer for us. At wala akong magawa kundi ngumiti lang.

Crucifer Vaughn, is tall and masculine. Maputi siya at may magandang ngiti, pantay pantay kasi ang ngipin niyang kasing puti ng mga ngipin ng mga nagmomodel ng toothpaste. Kulay itim ang buhok niya, then may maamo siyang muka. Malalim din ang biloy niya sakanyang pisngi, perfect set of green eyes, perfect jaw, at higit sa lahat. Palangiti ito, kahit sinong babae maiinlove sakanya. Maliban sakin na, may nagugustuhan na.

Natigil ang sayawan nang magbukas ang malaking pintuan. Nasilaw kami sa liwanag na nagmumula sa labas.

Everyone went on silent the moment that person who's with their battalions of bodyguard and also with Mr. Keiron Vladimir Rotchilds-Rocketfellers and his wife Demonise Satander- Rocketfellers. Ilang taong naging matunog ang pangalan ng married couple sa industriya ng Business at showbiz dahil kaibigan ni Mrs. Demonise si Mrs. Angel ng FHM.

Halos lahat ng paparazzi ay nagkukumahog na pumunta sakanila. Maging kami ni Crucifer ay natigil sa pagsasayaw.

"They're here."seryosong sambit ni Crucifer.

Nanatili lang akong nakatitig doon ng matigilan ako. Nakaside view man ang lalaki ay alam kong pamilyar siya sakin.

Hindi siya nakasuot ng maskara ngayon. Kaya naman mas lalong nasilaw ang mga kababaihan sa kagwapuhan nito. Kahit ako na nakapatong ang kamay sa balikat ni Crucifer ay napabitaw dito.

Narinig ko nalang sa bulungan ng mga tao roon na siya ang isa sa anak ng sikat na business tycoon--Mr. Keiron Rotchilds-Rocketfellers.

Kamukang kamuka niya ang kanyang ama. Yun nga lang combination sila ng nanay at tatay niya.

Hindi ito ngumingiti bagkus nakangisi siya. Ibang iba ang ngiti sa ngisi kaya alam kong ngisi ang nakikita ng lahat ng pumupuri at kumakausap sakanya.

Inawat naman ng security team ang mga paparazzi para hindi na sila guluhin. Nakita ko kung pano protektahan ni Mr. Rocketfellers ang kanyang asawa. Nakakatuwa silang couple. Ang sweet nila kahit sa harap ng madla.

Pinakilala ni Mr. Rocketfellers sa lahat ng naroon ang kanyang anak. Tinawag din ako ni ina at ama para lumapit doon.

"Mr. And Mrs. Rocketfellers, this is my beloved daughter--Carma Shea Vantress."nakangiting saad ni Ama. Tumango lamang ang Misis nito. Saka nagsalita ang lalaki.

"It's a pleasure to meet you, your highness."anito. Kung kasing edad ko lamang siguro si Mr. Rocketfellers baka kinilig nako ng todo. Kaya lang mataas ang respeto ko sa married couple kaya tipid na ngiti lamang ang aking nagawa.

"nice to meet you din po."magalang kong sabi na ikinatuwa nito. Ganoon din ang kanyang asawa na nagpakilala at nakipagbeso beso sakin.

Samantalang ang kanilang anak naman ay nakatingin lang sakin ng blanko. Hinanap ko ang mata niya para ipaalala na ako ito. Pero wala itong reactions.

Nakaramdam ako ng pagkirot sa aking dibdib dahil tama ang hinala ko. Wala nga siyang balak seryosohin ang nangyari samin. I lost my virginity over him. Tapos wala lang yun.

Sabagay! Ang tanga ko din kasi. Kahit na matalino ako ang bobo ko! Para isuko ang virginity ko. Pinigilan kong maiyak. Baka kasi magtaka sila.

Pinakilala din siya sakin ng magulang niya.

"Your highness, this is our son---Leiron Vladimir Rocketfellers."nakangiting sambit ni Mrs. Demonise. Ngumiti ako at siya namang pag ngisi ng lalaki. Yumuko siya para abutin ang aking kamay at hinalikan ito. Napasinghap ang lahat dahil doon.

"Leiron Vladimir Rocketfellers at your service, my deity."aniya sa husky na boses. Pero nandoon parin ang blankong expression.

He's wearing a suit na bagay na bagay sakanya. A black tux.

Naging ayos naman ang gabing iyon pero wala akong maapuhap sakanya. Naging casual talk na ang mga nangyari. He's not clingy too.

Baka naman may girlfriend siya? Err. Sakit.

The Heirs ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon