Chloe's POV:
“May iuutos ka pa ba? Babalik na ako sa condo ko.”
“Sige na. Umalis ka na.” tapos lumabas na ako ng condo nya. Hay! Nakakapagod po kaya -.- what a tiring day!
Sige ha, utusan ka daw ba na bumili ng strawberries sa SM tapos pagbalik ko sabi nya, apples daw pala gusto nya.
Isa pa, pinaglinis lang naman nya ako ng cr nya!!! Like, what the hell is wrong with that stupid boss of mine? Alam nya naman siguro na hindi ako marunong maglinis ng banyo! May yaya kaya kami dati. AND gross! Kadiri kaya!!! Ang dirty dirty ng cr tapos ipapalinis nya sakin? YUCK!!!
At ito pa ang nakakagulat, kaninang umaga, pag gising ko, nakasabay ko sya sa elevator. Galing kasi ako sa UP, you know, nag jogging ako dun. Ok, so ayun na nga, sumakay sya ng elevator hanggang sa floor ko! Tapos tinanong ko sya…
“Bakit ka nandito?”
“Bakit, masama ba?”
The hell, ganito ba talaga? Hindi sya marunong sumagot ng maayos? At ito pa, napansin kong may maleta syang dala! What does that mean??? Nauna pa nga syang lumabas sakin eh! Ano yun? Dito na din sya titira?
At ayun na nga, nalaman ko na kumuha din sya ng sarili nyang unit dito sa Povell Towers? Great, just reat. Ang boss ko, kapitbahay ko -.-
*ding dong ding dong*
Sino kaya toh? Oh! Probably yung twins nanaman? Palagi kasi silang pumupunta dito, inuutos ni Lolo na bantayan ako. ANO AKO, BATANG PASLIT? OH COME ON!
Pero enjoy naman ako na nandito yung kambal eh :)
Pagbukas ko nung pinto, napatunyan ko ang kasabihang, “Don’t expect too much.”
At ayun, dere-deretso syang pumasok sa condo ko. How great -.- Kilala nyo naman na kung sino di ba?
“Ipagluto mo ako ng dinner.”
“K.”
At dumeretso na ako sa kusina. In just 2 weeks, madami na akong natutunang Pinoy dishes. Like Adobo, Sinigang, Pininyahang Manok and… ano nga yung tawag dun sa kulay orange na may liver? Hmmm… I forgot.
And I decided to cook Adobo nalang.
Kinuha ko na yung mga kailangang ingredients like bawang, sibuyas, potato, chicken and such.
Kaso, san ko ba nilagay yung notebook ko na may sarili kong recipes?
Paikot-ikot ako sa kitchen when I saw something na nakausli dun sa pinakataas ng kitchen cabinet. Oh well, baka yun na nga yun. I tried to reach for it, pero hindi ko abot. Kaya ang ginawa ko eh tumungtong ako sa counter table para kunin yun.