Jane Story

13 1 0
                                    

"pandak, pandak, pandak!"
"Liit ! HAHAHAHA"
"pader ka ba? diretso kasi e!! HAHAHAHA"

1st year high school ako nung makilala ko si Ren at sa araw-araw na binubuhay ako ng Diyos ay lagi niya naman akong iniinis o inaasar.
Para kaming aso't pusa.
Aasarin niya akong pandak, pader paulit ulit lang palagi pero napipikon din ako sa kanya kahit na sabihin nating sanay na ako sa pambubully neto sakin.
mag-aasaran lang kami buong maghapon hanggang sa mapagod nalang ako at hindi na siya pansinin.
ganun palagi ang senaryo. papasok ako sa school na masaya tapos bibwisitin niya hanggang sa mawala ako sa mood.

Hanggang sa mag college kami.
Dito pa rin ako sa school na pinapasukan ko nung high school since may college din sila katulad ng ibang paaralan pero naiiba to at mas gusto ko dito bukod sa kilala ang school na to maganda din ang pocilities dito at masasabi kong maayos ang kanilang patakaran.

Naglalakad ako sa hallway ng marinig ko ang bulong bulobgan na may tranferee "daw" tskk .. Mga babae nga naman --narining ko din na  Terrence ang pangalan nito at gwapo, matalino, suplado, tipikal na gusto ng mga kababaihan gaya ko.

Nakisiksik na din ako sa mga babae dito para makita ko din yung mukha at totoo nga ang sinasabi nila---- In short makalag lag panty sya bessy .

Nagsimula akong magkagusto sa kanya nung una ko syang maencounter sa likod ng school umiiyak ako noon kase binully nanaman ako ni Ren di ko namalayan na nakalapit na pala sya at inabot nya sakin ang kanyang panyo na kulay asul .

At mag simula non dun ko na sya hingaan kase mabait din sya.

Nagbabake ako ng cupcakes for him tapos aagahan ko ang pasok para mailagay sa table niya nang walang nakakaalam.
Kinikilig ako sa twing ginagawa ko yon
Naging routine ko yun sa loob ng isang buwan. Exciting, nakakakaba pero natutuwa rin ako kapag nakikita kong iniikot niya ang tingin sa buong klase, nagbabakasakaling malaman kung sinong nagbibigay sa kanya non.

Nakalimutan ko si Ren.
Nakalimutan ko ang alitan namin. Nakalimutan kong nag-aasaran pala kami. umikot ang mundo ko kay Terrence simula nung naging gusto ko siya.

Pero natapos din ang pagiging 'secret admirer' ko kuno noong isang araw,
Habang pinapatong ko ang box na ginawa kong cupcakes for Terrence, may nagbukas bigla ng pinto na nagbigay sa akin ng sobra-sobrang kaba!

" baka si terrence?!"
Tarantang sigaw ko sa aking isipan pero
nung tumingin ako sa pinto, nandun si Ren na natatawang pinagmamasdan ako!  muntik ko nang mahulog ang box sa sobrang gulat!
imposible nga namang si terrence ang makakita sa akin e di naman siya maaga pumapasok.
nilapag ko ang cupcakes sa desk ni terrence habang di pinapansin si Ren.

umupo ako sa upuan ko nang hindi siya tinatapunan ng tingin. kala niya ba nakakalimutan ko pa pang-aasar niya sakin? Hmmp porke pandak ako? o pader?tssk  atleast matalino! and i have the looks, too! beauty and brains!

Bigla niyang binasag ang katahimikan at biglang nagsalita ng natatawa.

"so ikaw pala ang admirer ni terrence ?"
"SHUT UP!!"

tinawanan niya ako ng tinawanan at di pa nakuntento ang kumag lumapit siya sa upuan ko habang dumadami na ang nagsisidatingan sa mga kaklase ko.

"paano kaya kapag nalaman niyang ikaw yun? ano kayang magiging reaksyon niya no?"
tumawa siya na parang baliw! sa sobrang inis ay nasigawan ko siya. napatingin ang karamihan sa amin.

"PWEDE BA! WAG MO NGA AKONG PAKIALAMAN! PALIBHASA, WALA KANG KAPATID O KAIBIGAN NA MALAPITAN KAYA AKO LAGI ANG PINAGDIDISKITAHAN MO! MASAYA KA NA? OO NA, AKO ANG NAGBIBIGAY NG CUPCAKES KAY JC OKAY? AKO NA! PERO PWEDE BANG TIGILAN MO NA KO? STOP BEING A PEST IN MY LIFE. AYOKO NG ISTORBO SA BUHAY KO AT MAS LALONG AYOKO SAYO KAYA LAYUAN MO NA KO!!!"

My Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon