IKASAMPUNG
KABANATALuciana
Isang batang bampira-sirena lamang si Luciana. Buong buhay niya ay ang pamumuno sa Serra ang pinagtuunan niya ng pansin. Sa murang edad pa lamang ay iminulat na siya ng kanyang amang si Lord Amell na siya ang mamumuno sa karagatan kung saan ipinanganak ang kanyang ina.
"Bakit po ako ang mamumuno?" Sampung taong gulang siya nang itanong niya iyon sa kanyang ina na si Mildred.
"Anak, si Lord Amell ay ang pinuno ng lupain dapat ng Lamia," marahang wika ng kanyang ina habang sinusuklay ang mahaba niyang buhok. "Pero wala na ang dating lupain. Napalitan na ito lupain ng Versipellis. May bago nang namumuno doon, si Haring Artaxiad."
"Kung ganoon ay inagaw niya ang trono ni Ama?"
"Hindi. Ibinigay ng iyong Ama ang trono sa isang bampira pero hindi iyon kay Haring Artaxiad," nakangiting wika ni Mildred sa anak. "Dahil nga doon ay wala nang pamumunuan ang iyong Ama. Dapat ay wala ka na ring pamumunuan. Ang kaso nga lamang ay binitawan naman ni Madame Mirana ang trono niya, siya ang anak ni Madame Merlin na dating pinuno ng karagatan ng Serra at ni Duke Zenith na dati namang pinuno ng lupain ng Amoveo. Dahil nga sa ginawa niya ay kailangang pumili ng isang mamumuno at ikaw 'yun, anak."
"Bakit po? Wala po akong buntot."
"Pero nananalaytay sa dugo mo ang pagiging sirena at pinuno. Hindi kailangan ng buntot para mamuno sa isang karagatan. Iyan ang lagi mong tatandaan."
Hindi pa ganoong naintindihan ni Luciana ang mga bagay na sinabi sa kanya ng kanyang ina hanggang siya nga ay magdalaga na. Nakilala niya ang iba pa niyang pinsan. Si Lumi ang pinakamalapit niyang pinsan. Bukod kasi sa sobrang bait nito ay natutuwa si Luciana sa pagiging inosente nito.
Si Lumi ang nagpakita sa kanya na hindi lang tungkol sa pamumuno iikot dapat ang lahat. Dapat ay may respeto, paninindigan at pagmamahal.
Noong nakilala ni Lumi si Tyrell. Naging saksi siya kung ano ba ang pagmamahal bukod sa pagmamahal na mayroon ang kanyang ama at ina. Ang pagmamahal na mayroon si Lord Amell at Mildred ay puro. Walang halong pag-iimbot. Hindi naging hadlang ang pagiging bampira at sirena ng isa't isa. They learned to love their strengths and improve their weaknesses. They learned to fight for each other. But the love of Lumi and Tyrell was selfless. It was beyond strengths and weaknesses. It was about how they embraced each other's whole being, but at the end extended their hands to let go of the one they loved. Luciana witnessed their fights. How they cried but still kissed when eveything was already falling apart.
They were the heroes. But heroes who should fight seperately. They were the little sacrifices in this world full of hatred and war.
Ngayon, hindi na makakapayag pa si Luciana na walang gawin. Alam niyang maraming magagalit sa kanya sa gagawin niya pero ito ang pinipili niya. Kung sakripisyo lang din naman ang pag-uusapan, nawala na ang buhay niya dahil sa pamumuno sa Serra. Ano pa bang mawawala para sa kanyang pinsan?
"Lucy, nasaan ngayon si Ate Lumi?" Tanong niya sa kanyang kapatid nang puntahan niya ito sa kwarto kung saan ito nagpapahinga. "Madadala mo ba ako sa kanya?"
"Hindi na," umiling ang bata kaya't bumagsak ang balikat niya sa nadinig. "Wala na siya kina Tita. Nasa malayong kabundukan siya sa kanyang tirahan."
"Kung ganoon ay maiiwan ka muna dito. Babalikan kita kapag nakausap ko na si Lumi. Kapag dumating sina Ama o Lola, sumama ka na sa kanila," bilin niya sa kapatid. "Kung mainip ka naman, magpahatid ka na lang sa kahit na sinong pwede. Pwede ring mag-teleport ka. Okay ba 'yun?"
BINABASA MO ANG
Lumi
WerewolfNaamoy niya ito. Tila kauulan lamang, ang paborito niyang amoy sa umaga matapos ang isang malakas na bagyo ang pumuno sa kanyang sistema, ang amoy ng tsokolate at ng mga pahina ng mga libro. Naramdaman niya ang pagbasak ng kanyang sikmura. Bumilis a...