IKADALAWAMPUNG
KABANATAAkala
Nagising si Lumi na masakit ang buong katawan niya. Kahit yata daliri niya sa kuko ay hindi nakaligtas o ang mga hibla ng kanyang buhok. Halos hindi rin niya maimulat ang kanyang mga mata pero sinikap niyang gawin iyon. Nang magtagumpay siya ay bumungad naman sa kanya ang puting kisame na pamilyar sa kanya. Kahit ang amoy at pakiramdam ng lugar ay alam niya. Nasa pack house siya.
Anong ginagawa ko dito? Sinubukan niyang alalahanin pero bigo siya. Sinubukan niya ring makabangon pero masyadong mabigat ang katawan niya at hindi niya makayanan. Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga.
"Lumi?" Relief flooded her system when she heard that familiar voice. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa kanyang kamay.
It was Tyrell.
"Anong nararamdaman mo?" Tanong nito pero hindi siya makasagot. Sobrang tuyo ng lalamunan niya na pagbuka niya ng kanyang bibig ay napaubo siya.
Agad namang umalis si Tyrell sa tabi niya at pagbalik ay may dala ng isang baso ng tubig. Salamat na lang at tinulungan siya nitong makaupo para makainom. Nalapatan pa lang ng tubig ang labi ni Lumi ay saka siya inatake nang matinding uhaw. Nadinig niya pa ang mahinang tawa ni Tyrell nang nagawa niyang ubusin ang laman ng isang baso sa loob lang nang ilang segundo.
"Kukuha pa ako," paalam ni Tyrell sa kanya pero agad niyang hinawakan ang braso nito.
"Huwag na." Basag pa ang boses niya at medyo nawawala pero at least naiintindihan pa rin. Marahan siyang ngumiti at ganoon na lang ang sakit sa kanyang labi. Parang may mga natuklap na balat nang nabanat sa magkabilang direksyon ang kanyang mga labi. "Dito ka na lang."
Tumango naman kaagad si Tyrell at umupo muli sa upuan sa tabi ng kamang hinihigaan niya. Tiningnan niya lang ito pero hindi naman tumitingin sa kanya nang diretso ang binata.
"May problema ba?" Tanong niya matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan nila.
Bumuntong-hininga si Tyrell bago siya nilingon. Humapdi kaagad ang dibdib ni Lumi nang makita sa mga mata nito ang lungkot.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin?" May halong pagtatampong tanong nito sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo. Hindi niya maintindihan. "Ang alin?"
"Ang tungkol sa sakit mo." Nagulat siya sa sinabi nito. Natigilan talaga siya at hindi nakapagsalita nang ilang segundo bago siya napakurap-kurap. Umiling siya.
"Hindi naman 'yun sakit."
"Lumi, alam ko na kung ano 'yun. Sakit o hindi, ipinaliwanag na sa'kin ni Luna Neviah."
"Ganoon pala, eh."
"Lumi, mamamatay ka."
"Ano bang pinagsasabi mo?" Tumawa siya kahit pagak. "Alam mo, Tyrell, kung ano man ang sinabi sa'yo ni Ina, huwag mong masyadong alalahanin."
"Pero Lumi.."
"Hindi ako mamamatay." Inabot niya ang kamay ni Tyrell saka marahang ngumiti. "Basta't nandito ka sa tabi ko, hindi ako kailanman mamamatay."
Ilang beses pinagbantaan ni Lord Amell sina Luciana na huwag nang tumuloy sa lupain ng Adam. Hindi pa rin nila makausap si Lumi nang matino hanggang ngayon pero buo na ang loob ni Luciana at Keres na bawiin si Tyrell. Alam nilang mahihirapan sila pero matagal na silang handa. Masyado nang matagal ang pagkakahiwalay nina Lumi at Tyrell. Hindi na sila makakapayag na magpatuloy pa ito.
BINABASA MO ANG
Lumi
Hombres LoboNaamoy niya ito. Tila kauulan lamang, ang paborito niyang amoy sa umaga matapos ang isang malakas na bagyo ang pumuno sa kanyang sistema, ang amoy ng tsokolate at ng mga pahina ng mga libro. Naramdaman niya ang pagbasak ng kanyang sikmura. Bumilis a...