#2 Hwang Eun Bi

131 10 0
                                    

Naglalakad si Eunbi sa isang daan na walang katao-tao. Nakokonsensya siya dahil kung mas napadali at naagahan niya ang pagpunta sa kwarto ni Eunha, e'di sana buhay pa siya ngayon. Pero, huli na ang lahat.

Wala na siya.

Napayuko na lang si Eunbi at naghintay na lang ng pwedeng masasakyan sa gilid ng daan. Sinipa niya ang isang bato sa gilid, "Ako ang may kasalanan ng lahat..."

Kung... Kung pwede lang makasama namin siya kahit... kahit sa panaginip man lang.

Umupo si Eunbi dahil sa pagod. Kanina pa kasi siya nakatayo at nangangalay na siya. Nang makaupo, inub-ob niya ang kaniyang ulo sa kaniyang mga braso at ipinikit niya ang kaniyang mga mata...

Moon Night Dream || GFRIEND (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon