#1 Jung Eun Ha

245 12 1
                                    

Nakatayo lamang si Eunha sa harapan ng kaniyang bintana habang tinatanaw ang maaliwalas na panahon.

Napaisip siya kung bakit umabot siya sa puntong isa na lang siyang pagala-galang kaluluwa dahil sa panaginip niya nang gabing iyun.

FLASHBACK

Humiga si Eunha sa kaniyang kama habang hawak-hawak niya ang laylayan ng kaniyang kumot. Ikinumot niya iyun sa kaniyang maliit na katawan at napapikit.

Mga ilang minuto 'rin ang nakalipas, nakatulog na si Eunha. Ang inaakala niyang makakatulog sya ng mahimbing sa gabing iyun, hindi pala ganoon ang mangyayari.

Sa kaniyang panaginip, may mga pigura't larawan siyang nakita. Larawan ng limang babae habang nakangiti sa kaniya.

Yuna, Yerin, Eunbi, Sojung, at Yewon.

Napatulala si Eunha sa nakita. Bakit sila nandito? Bakit nandito ang mga kaibigan ko?

Napasigaw si Eunha nang unti-unting nawala sa kaniyang pananaw ang limang babaeng kaibigan. Pakiramdam niya kasi ay pag nawala sila, mag-iisa na lang siya. Napapikit siya at tumulo na ang kaniyang mga luha.

Nang inimulat niya ang kaniyang mga mata, bumungad sa kaniya ang sobrang liwanag na bilog na buwan.

Dahil sa ganda ng nakikita, 'di maiwasang tumunganga't mapanganga si Eunha. "Gusto. Gusto kong maging isang buwan. Gusto kong maging maganda katulad ng buwan." Bigla na lang niyang nasabi. Tumakbo siya papalapit sa buwan at sa 'di inaasahang pangyayari, nahulog si Eunha...

Napabalikwas siya ng bangon sa kaniyang kama. Napabuntong-hininga si Eunha at napahawak sa kaniyang dibdib dahil sa sobrang kaba, "Panaginip... panaginip lang pala."

Napagdesisyonan niyang bumaba para kumain ng umagahan pero bago pa man siya makababa, may naaamoy siyang parang amoy bulaklak.

Nagtaka si Eunha kung bakit nangangamoy bulaklak ang kanilang bahay. Hindi naman sila medyo hilig sa mga ito.

Muntik na syang madulas nang makita niya ang maraming taong nagtataimtim ng dasal habang dinadasalan ang isang kabaong na nasa harap nila.

Hindi man alam ni Eunha kung anong nangyayari, lumapit parin siya sa kabaong. Bawat hakbang papalapit sa kabaong ay mas kumakabog ang kaniyang dibdib sa 'di maipaliwanag na dahilan. Nagtaka 'rin siya kung bakit parang hindi siya nakikita ng mga tao na kaniyang nadadaanan.

Napatakip siya sa kaniyang bibig nang makita ang taong nasa loob ng kabaong.

"Ako?!"

END OF FLASHBACK

Moon Night Dream || GFRIEND (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon