Chapter 22

1.9K 93 29
                                    

* Queenie's PoV

Nakita ko kung paano nagulat at natigilan si King sa biglaan kong pag amin. Kahit ako ay nagulat. Sa sobrang hiya ay tumakbo ako paalis. Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ng mga kaibigan ko.

Really Queenie? Ikaw pa talaga ang unang umamin?

Pero okay lang naman yun di ba? Sa panahon ngayon ay hindi na uso na ang lalaki ang unang aamin ng totoong nararamdaman.

Sana lang ay pareho kami ng nararamdaman pero ng maalala ko ang nakita ko kanina ay nawalan agad ako ng pag asa.

"Queenie." Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Sean na mukhang kadarating lang.

Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin pero hinila ko siya at inayang mag cutting.

"May problema ba? Wala bang teacher?" Nalilitong tanong niya.

"Basta. Pasyal tayo kahit sa mall or park. Basta lumayo tayo dito."

Kahit nalilito siya ay binigay niya sa akin ang extrang helmet niya. Nang makasakay kami ay agad niyang pinaandar ang kanyang motor. Nang makarating kami sa park ay nakaramdam ako agad ng kaginhawaan.

"Care to tell me what happened?" Tanong niya ng makaupo kami sa upuang gawa sa kahoy.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya dahil pinsan niya si Nancy. Napatingin ako sa kanya at nakatingin din siya sa akin na talagang naghihintay ng sagot ko.

"I saw King and Nancy kissed earlier." Malungkot kong sagot.

"What the hell?!" Gulat niyang tanong kaya natawa ako.

"Yeah. What the hell talaga." Natawa ulit ako pero nanlalabo na naman ang aking mga mata kaya nag iwas ako ng tingin. "I'm hurt Sean. Sobrang sakit." Tuluyan ng tumulo ang aking mga luha. "Bakit kung kailan sigurado na ako sa nararamdaman ko sa kanya ay nangyari naman ito? Bakit ganon?"

Nang maramdaman kong niyakap niya ako ay lalo akong naiyak. I never imagined myself to be weak like this. Tanging si King lang ang makakapanakit sa akin ng ganito. Tama nga yung sinabi ng mga babae kanina. There's no something special about me kaya siguro naghanap siya ng iba. Maybe I'm boring. Siguro hindi talaga ako yung tipo niya ng babae. Maybe he's challenged with me kaya ginawa niya akong girlfriend at ako naman itong si tanga na bumigay agad.

"Stop crying Queenie." Pagpapatahan sa akin ni Sean. "Kakausapin ko si Nancy tungkol dito. She's not like this kaya alam kong may explanation siya."

Maghapon kaming magkasama ni Sean. We just stayed at the park. Doon na din kami kumain ng lunch dahil may mga karinderia naman sa malapit. Kumain ng ice cream at kahit ayaw niya ay naaya ko siya sa swing. Parang gusto ko tuloy bumalik sa pagkabata yung walang problema. Yung walang ibang iniisip. Yung mga panahong pagkain lang ang iniisip at pinoproblema ko.

Inoff ko ang cellphone ko dahil paulit ulit na tumatawag sila King maging ang mga kaibigan namin kaya sa inis ko ay inoff ko ito.

"You want to go home?" Napatingin ako sa wrist watch ko.

"Maya maya na. Alas singko pa lang naman eh."

"Okay. Sabihin mo lang kung gusto mo ng umuwi."

"Thank you Sean." Sincere kong sabi. "Dahil sa akin nagcutting ka pa tuloy." Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya.

"It's okay, as long as I'm with you." Nakangiting sabi niya. "As long as it's about you i can cut my classes. Just to be with you."

Nailang ako sa seryoso niyang titig sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Napatingin ako sa mga batang naglalaro sa paligid. I suddenly miss Kuya Alex. Dalawang taon na siya sa Australia at minsan lang kami mag video call. Palagi kasi siyang busy lalo na at sikat ang restaurant na pinagtatrabahuan niya. Na feature nga din siya noon sa isang sikat na magazine because of his great cooking skills and of course his good looks. Naalala ko yung mga panahong nagpapasama pa ako sa kanya sa playground dahil gusto kong maglaro. Kahit gabi na at alam naming pagagalitan kami nila Daddy ay sinasamahan niya ako para lang tumigil ako sa pag iyak.

"Salamat sa paghatid Sean." Nakangiting sabi ko ng maiabot ko ang helmet niya. "Salamat sa pagsama sa akin."

"It's okay. Kakausapin ko si Nancy tungkol sa nangyari kanina. I'll go ahead."

Tumango lang ako at nagpaalam na. Naglakad na ako palapit sa gate namin pero napatigil ako ng makitang nakaupo si King at nakayuko sa gilid ng gate namin.

Kanina pa ba siya dyan? Ngayon ko lang din napansin ang motor niyang nakapark pala sa kabilang side. Lumapit ako sa kanya at bahagya siyang niyugyog.

"King, gising na."

Nang magtama ang aming mga mata ay nakita ko ang lungkot dito. Parang gusto ko tuloy siyang yakapin. He looks so lost.

"Baby loves." Umayos siya ng upo. "Saan ka galing? Gabi na ah. Kanina pa kita hinihintay. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko kaya naisipan kong pumunta dito pero patay pa ang mga ilaw so naghintay ako dito." Sunud sunod niyang sabi na para bang walang nangyari kanina. "I'm sorry. Nagulat din ako sa ginawa niya. I didn't expect that kiss. Tinulak ko siya agad. Please baby loves. Believe me. Kahit isang beses hindi sumagi sa isip ko na palitan ka. Hindi ko din gustong saktan ka. Seeing you cry makes me want to punch my self." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at seryoso akong tinitigan. "And i love you too."

-----------

Booommm! Bye! Sumabog na ang author! Hahahahaha 😂😂😂😂😂
Iloveyoumore King! Chos 😂😂😂

Bad Boy In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon