Chapter 8

1.2K 46 8
                                    

* King's PoV

"It's time for you to forget me King." nakangiti siya sa akin habang sinasabi ang mga salitang iyon. "You deserve to be happy. In the right time, makikilala mo din yung babaeng hindi ka iiwan. I'm sorry King, sorry kung kailangan kitang iwan. Sorry kung kailangan mong maiwan pansamantala pero may darating naman. Yung babaeng mas mamahalin ka at hindi ka na iiwan." I closed my eyes when she kissed me. "Be happy King. I love you baby loves."

Bigla akong nagising at agad na napatingin kay Queenie. What's that dream? Bakit ganoon? Bakit nagpapaalam siya?

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Wake up baby loves. I want to see you in my dreams but not like that. I want us happy and not you saying your goodbye." hinaplos ko ang kaniyang pisngi at hinalikan siya sa noo. "I can't be happy without you."

"King." napalingon ako ng may tumawag sa akin.

Kapapasok lang nila Ara at Yuki dito sa hospital room ni Queenie. Nilapag ni Yuki ang basket ng mga prutas na dala nila.

"Kami na muna ang magbabantay kay bakla." malungkot akong nginitian ni Yuki. "Umuwi ka muna at magpahinga."

"I'm okay." sagot ko at ibinalik ang tingin sa babaeng pinakamamahal ko. "I want to stay here. Baka magising na siya."

"Yun na nga King. Kailangan mo ng magpapogi kasi gigising na si bakla. Sige ka, baka maturn off yan sa iyo kasi hindi ka pa naliligo." sabi ni Ara bago hinalikan si Queenie sa pisngi. "Gising na girl."

"Tatawagan ka namin agad kapag nagising siya." pagkukumbinsi ni Yuki.

Napabuntong hininga ako.

"Fine. Babalik din ako agad. Please call me if anything happens."

"Makakaasa ka Papi King." nakangiting sabi ni Yuki.

"I'll be back baby loves. Wait for me okay? I love you."

Hinalikan ko muna siya bago ako tuluyang umalis.

Palabas na ako ng elevator ng makita ko si Sean na mukhang papasok.

"King." tumango lang ako sa kaniya. "I just want to visit Queenie. Okay lang ba?" nag aalangan niyang tanong.

"It's okay." sagot ko. "Uuwi lang ako saglit."

Matagal ko ng kinalimutan ang nakaraan. May karapatan din naman siyang dumalaw dahil naging magkaibigan sila.

And Queenie always make sure na ako lang talaga ang mahal niya kaya hindi na din ako nagseselos pa kay Sean.

They're friends. At hanggang doon lang yun.

"What the hell is happening Ara? Bakit hindi niya ako makilala?" nasasaktang tanong ko.

Pagbalik ko ay nagsisi ako kung bakit umuwi pa ako. Pagpasok ko sa hospital room ni Queenie ay hindi niya kami maalala.

Yes. She's awake pero hindi niya ako maalala.

"Nagulat din kami. Paggising niya bigla na lang niyang tinanong kung sino kami, kung nasaan siya at kung anong nangyari sa kanya." nakuyom ko ang aking kamao dahil sa aking narinig.

"Ang sabi ng doctor ay nagkaamnesia siya." dugtong ni Yuki.

Napapikit ako ng mariin. I wanted to punch someone right now! Kasalanan ito ng kung sinumang kumuha sa kanya. Mapapatay ko talaga siya kapag nahanap na siya ng mga pulis.

"Anak, ako ito ang Mama mo. Hindi mo ba talaga kami natatandaan?" naluluhang tanong ng Mama ni Queenie.

"I'm sorry pero hindi ko po kayo matandaan." naguguluhang sagot ni Queenie habang tinitignan kami isa isa.

Tuluyan ng naiyak si Mama na agad namang inalo ni Papa. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Gustong gusto ko na siyang yakapin pero hindi ko magawa dahil baka matakot siya. I want to hug and kiss her. I want to tell her that I'm his fiance and that I love her so much. I want to tell her everything. Lahat ng mga nakalimutan niya.

Nang mapatingin siya sa akin ay napaayos ako ng tayo. I was about to talk to her pero iniwas niya agad ang kaniyang tingin. Nasaktan ako dahil doon. Dinaanan lang niya ako ng tingin. Hindi kilala. Wala na yung dating pagmamahal at kislap sa kaniyang mga mata kapag titignan ako.

It hurts.

So bad.

Like hell.

Bad Boy In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon