Tin
Ipinaalam nga ako ni Zac kay Tita Nelly and luckily! Pumayag si Tita ^o^
Ang lakas talaga ni Zac kay Tita.
Sumakay kami sa kotse nya.Unlike me, mayaman at popular yang si Zac. Kung hindi nga yata dahil kay Tita Nelly, na bestfriend ng mommy nya, hindi ko yata sya makikilala. Business Management din ang tinetake nya.
Sa totoo lang, sobrang gwapo ni Zac at sa sobrang gwapo nya, minsan napapaaway ako sa iba kong kablockmate. Kesyo malandi daw ako dahil lagi akong nakalingkis sa kanya eh si Zac naman talaga ang clingy.
Gaano ba sya kagwapo? Ano kasi sya.. Half-spanish kaya mestizo. Matangkad sya na nasa 5'11 ang height, maputi sya, meron syang brown eyes na mapupungay at nakakapang-akit naman talaga.
Sa totoo lang, noong una palang, may gusto na talaga ako kay Zac pero ayaw ko namang i-risk yung friendship namin para lang sa feelings ko.
At saGuijio
Nakadating na din kami! Wow. Ang ganda pala sa loob tapos full house na agad wala pang 8 ng gabi... Nakaka amaze!
Sinenyasan ako ni Zac na humawak ako dun sa braso nya. Pakipot pa ba? Syempre gora na! HAHAHA ^^
Umupo kami sa isang table na malapit sa stage. Medyo malabo kasi yung mata ko kaya kailangan dun ako malapit sa stage.
Maraming beses na akong nakapunta dito sa saGuijo, kaso lagi naman akong TEAM LABAS T^T. Last ko ngang punta dito, nakatulog ako dun sa sidewalk ng parking lot. Oh diba? Ang ganda ng fangirling life ko. Pero may nakuha naman ako nung naghintay ako dun sa sidewalk, isang sunflower, isang bracelet tapos isang note.
➖FLASHBACK➖
Mag-aalas diyes na, wala pa din akong naaaninag na IV OF SPADES. Hays! Paano na'to? Inaatok na ako tapos may tatapusin pa akong homework. Dapat talaga kasi sumabay na ako kina Dale kanina eh. Huhuhu. Uupo na nga lang muna ako dito sa sidewalk.
➖BLASTER➖
Tapos na din.
"We are IV OF SPADES. Thank you everyone." At agad naghiyawan ang mga tao sa loob ng saGuijo. Nakakaoverwhelm talaga kapag may nakaka-appreciate sa ginagawa mo, yung passion mo talaga?
Bumababa na kami sa stage at agad nang nag-ayos ang susunod na bandang tutugtog para sa gabing ito. Pagkababa, uminom kaagad ako ng tubig. Nakakapagod pero masaya naman.
"Kamusta?" Bungad sakin ni Gelo. Tapos na syang mag live sa Instagram. Buti naman.
"Okay lang. Medyo pagod pero kaya pa naman." Sumandal ako sa upuan.
"Sige, dun muna ako. Tutulungan ko na silang mag-impake." Iniwanan na ako ni Gelo at tumungo dun sa mga taong nag-aayos ng mga gamit namin."Tara na sa van?" Anyaya ni Zild sakin.
"Sige. Sila Unique at Badjao?" Naglakad na kami palabas.
"Nandun na sa van, nauna na." Medyo malayo din pala yung pinag-park-ingan ng van."Dali! Akin na yung sunflower!" Sabi ni Unique kay Badjao. Anong ginagawa nila?
"Anong meron?" Tanong ni Zild na dapat itatanong ko din sa kanila.
"May babae kasing natulog na dito. Fan yata natin kasi may tinted na glasses tapos naka shirt pa siya ng 'I BLEED ORANGE' soooo!" Kinuha ni Unique ang sunflower na binili ni Ate Bel kanina at nilagay sa lap nung babae.Mukha nga syang nakatulog na lang dito sa sidewalk. Mestiza siya, pareho sila ni Crystal ng hugis ng mukha pero mahaba ang buhok nya. Siguro nga kami ang hinihintay nya.
Inalis ko yung bracelet ko na bigay ni Unique sakin. Si Unique mismo ang gumawa nito pero dahil nag-effort ang babaeng ito na hintayin kami, ibibigay ko na lang sa kanya ito.
"Uy, Blaster! 'Bat mo binigay yung bracelet na gawa ko?"
"Para sa effort nya. Kawawa naman eh." Pumasok na ako sa loob. Pagod na talaga ako.
"Aww. Ang sweet naman ng honeybunch ko!" Sabi ni Zild sa akin. Napangisi na lang ako.
"Wait! Bigyan natin sya ng note." Kumuha si Unique ng sticky note sa mga gamit ni Ate Bel. Dumungaw ako para tignan kung ano yung gagawin ni Unique."Thanks.. For.. Waiting.. For.. Us.. We.. Love.. You.. See.. You.. Soon.. Ayan!" Dinikit ni Unique yung note sa sunflowers. Ang sweet naman ng bunso namin.
"Pasok na tayo? Tanong ni Zild kay Unique. Nag-isip muna si Unique.
"Teka..." Kinuha nya yung cellphone nya tapos binigay kay Zild.
"Picturan mo kami." Aba! Nako naman.
"Sige. One, two, three, smile!" Pasaway. Tsk
"Isa pa!" Hinawakan ni Unique sa ulo yung babae tapos umarte na parang hahalikan yung babae. Tsk. Babaero.
"Sige, tara na. Bye, miss beautiful!"➖TIN➖
WAAAHHH! NAKATULOG AKO! NAKO ANONG ORAS NA?! ALAS DOSE NA! LAGOT AKO KAY TITA!!! TEKA... May sunflowers dito, tapos may bracelet na ako.. Ang ganda! Kulay black tapos orange!! Hihi tapos may note dun sa sunflower
'THANKS FOR WAITING FOR US. WE LOVE YOU. SEE YOU SOON.-IVOS♠'
Totoo ba 'to? OWEMGEE!!!
➖END OF FLASHBACK➖
Up until now, hindi ko alam kung sa Spades ba talaga yun o pinagtitripan lang ako..
"Masaya ka ba?" Nakangiti si Zac sa'kin.
Kahit hindi mo naman ako dalhin dito, masaya ako eh... Basta ikaw lang kasama ko.
WAAAHHH! HAHAHAHA
"Oo naman! Salamat ah? Dream come true 'to." Pakiramdam ko namumula na ang buong mukha ko.
Pero kanino kaya galing itong bracelet?
[A/N: HI GUYS! THANK YOU FOR READING💕 OKAY LANG BA? FEEL FREE TO SUGGEST AH? LOVELOTS✨]
YOU ARE READING
Rollercoaster Life
Teen FictionKirstin is just an ordinary, 19-year-old fangirl that wants to get the attention of her idols. Sobrang iniidolo nya ang IV OF SPADES at sa lahat ng gigs nila, lagi syang nandun... Yun nga lang, lagi syang nasa labas. Makukuha na kaya nya ang pinakak...