➖Tin➖
Masigla na ang mga tao. Palabas na kasi ang Spades pero bago sila, ang isa pang sikat na banda na Ben & Ben ang tumugtog. Sobrang nostalgic nung moment. Kasama ko yung crush, makikita ko na rin ang IV OF SPADES.. Ahhh, wala na yata akong mahihiling na iba pa.
"Sabihin mo..." Bulong ni Zac sa akin habang tumutugtog ng Kathang Isip ang Ben & Ben.
"Ano yun?" Nilapit ko yung tenga ko sa kanya. Medyo maingay din kasi ang mga tao.
"Umh... Wala wala. Hehehehe." He laughed nervously. Hmm.. What's wrong with him?
"Ah.. Okay." I smiled. Ano kaya yung gusto nya sabihin? Hayaan mo na nga."Thank you everyone!" Nagsigawan ang mga spaders sa likod ko. Nandyan na sila...
Ang IV OF SPADES!!!
Naiiyak ako na natutuwa na ewan. Sobrang mixed emotion. Parang gusto ko tuloy magwala dito pero dahil nandito si Zac, hindi pwede. Kailangan mahinhin tayo HAHAHAHA!
Naunang umakyat si Unique, na sinundan naman ni Zild, at Blaster at ng sobrang cute na si Badjao. Sobrang gwapo pala talaga nila!!!
Natutulala ako.
Dugdug.. Dugdug.. Dugdug..
Tinitigan ako ni Blaster.
Dugdug.. Dugdug.. Dugdug..
Tinitigan din ako ni Unique na agad naman nyang ibinababa.
Hmm... Ang weird?
"Hello everyone!" Agad naghiyawan ang mga tao sa loob ng saGuijo. Agh! Yung puso ko, lumulundag! Sumenyas si Badjao gamit ang kanyang drums.
Tinugtog nila ang 'Sentimental'. Sobrang saya. Lahat kami naghe-headbang at napapaindak sa bawat pagtipa ng gitara na ginagawa ni Blaster at Zild. Sobrang soothing ng boses ni Unique, parang kinukuha nya ang buong pagkatao ko. Sobrang sexy din ng bawat paghampas ng drums ni Badjao. Ugh,! Wala na akong mahihiling pa!!
Sumunod nilang tinugtog ang 'Hey Barbara' na sinundan naman ng 'Where Have You Been, My Disco?'
"Are you still alive people!!!" Sigaw ni Zild. Agad naman itong napalitan ng sigawan ng mga Spaders. Sigaw sila ng sigaw. Pati na rin ako napapasigaw sa sobrang tuwa at excitement.
'Mga ilaw sa daan!'
Shems. Para akong hihimatayin. Sobrang nagmimix yung emotions ko. Huhuhu di ko na alam gagawin ko. Umiiyak na ako.
"Hala! 'Bat ka umiiyak?" Tanong ni Zac sa akin.
"Sobrang masaya lang ako..." Di ko na kaya. Iiiyak ko na talaga 'to. Sobrang nakakaiyak na eh na mas lalo pang pinaigting nung pinatugtog nila ang 'Mundo'.Niyakap ako ni Zac. Sobrang...
Dugdug.. Dugdug.. Dugdug..
Idinikit ni Zac yung noo nya sa noo ko. Ang romantic nung ambience pero hindi ko parin nakakalimutan ang limitasyon ko. Pero parang ayaw ko na matapos ang gabi na 'to.
"Tin?" Bulong ni Zac sa'kin.
"Yes, Zac?" Tinitigan ako ni Zac. Parang kinukuha nya yung buong pagkatao ko.
"Are you happy? I mean, masaya ka ba kasi kasama mo ako?" Napaka sinsero ng mga mata nya.
"Oo. Sobrang saaayaaa!" Grabe ngiti nya. Nakakakilig.
"Kasi ako, masaya din kapag kasama kita eh..." Lumayo ako ng bahagya. Nakakapagtaka ah. Ang weird na nya talaga ngayon.
"I mean, sino ba namang hindi sasaya kapag kasama ang isang walang arte na babaeng tulad mo di'ba?" Tumawa sya kaya tumawa na lang din ako.Nagfocus ulit ako sa pagkanta ng IVoS.
Di ko pa din makalimutan 'yung mata n'ya. Napaka-sincere nito. Isipin mo na lang, nasa gig ka ng IVoS ta's kasama mo pa crush mo? Aba. Ikaw na! HAHA.[HELLO GUYS, GRABE NGAYON NA LANG ULIT AKO NAKABALIIIK. WILL UPDATE EVERY WEEK HEHEZ HEART YOU ALL!]
YOU ARE READING
Rollercoaster Life
Teen FictionKirstin is just an ordinary, 19-year-old fangirl that wants to get the attention of her idols. Sobrang iniidolo nya ang IV OF SPADES at sa lahat ng gigs nila, lagi syang nandun... Yun nga lang, lagi syang nasa labas. Makukuha na kaya nya ang pinakak...