Nagising ako sa malakas na hanginna tumatama sa pintuan ng terrace ko. Sumisipol na ang hangin kaya naman tumayo ako para isara ng maayos ang pintuan.
Nung isasara ko na may nakita ako don isang pigura ng lalaki?
Lumingon siya sakin at nagulat ako ng makita ang mga pula niyang mata.
"MAGNANAKAW!" Sigaw ko at patakbong pumunta sa table ko para kunin ang cellphone ko.
Dederetcho na sana ako ng makita ko yung lalaking nakatayo kanina. Nasaloob na siya ng kwarto ko agad?!
"Hoy! Sino ka!? Paano ka nakapasok sa kwarto ko?!" Tanong ko sa kanya. Nangingig na ang mga tuhod ko.
Nagulat ako ng tumayo siya at nag simulang mag lakad papunta sakin.
"Teka! Wag kang lalapit! Tingini sisigaw talaga ako! May hawak akong cellphone!" Omg panoko siya masasaktan gamit ag cellphone?!
Napakurap ako ng maglaho siya harapan ko at naramdaman ko nalang ang hininga niya sa batok ko.
"Ahhhh!!!!" Sigaw ko pero hinatak labg niya ako at sinandal sa pader.
"I can smell the sweet blood of yours." Luh. Nagshashabu ata ito eh.
"Anong sweet blood?! Adik kaba?! Lumay--" napatigil ako ng hindi ko na maigalaw yung kamay at paa ko. Tingini pano ito?!
"Can I bite you now? Just one bite." Sabi niya at sinimulan amuyin ang leeg ko. Kinikilabutan ako sa tuwing mararamdaman ko ang hininga siya sa batok ko.
"Ples lang kuya. Wag ako! Meron ako! Its my day. Hindi pwede! Itigil mo na ito!" Sabi ko naiiyak nako ikenat. Asan naba sila mama?!
Nakaramdam ako ng panghihina ng makita ko kung pano mag bago ang kanyang itsura. Lumabas ang mga pangil niya at nagsimulang maging pula ang mga mata niya lalo. Para na siyang halimaw.
Omg ikenat hindi ko na kaya!
"What the fuck was that?" I saw ridges form in his forehead. Tingini sabi na ngang hindi ko na kaya eh.
"Nautot nako! Huhu please weg eke!" Naiiyak na sabi ko. Nakakahiya! Pitingini.
Nagulat ako ng maigalaw ko ang mga kamay ko itinulak siya.
Naramdaman ko pang hinawakan niya ang braso ko pero bumukas na ang pintuan at niluwa non sila mama at papa na nag ala ninja turtles. Wtf.
"Asan ang magnanakaw anak?!" Sigaw ni papa. Pag lingon ko sa likod ko wala na siya.
"Vampire?" I said.