1

6 2 0
                                    

-

"Omg!! Bff!! Finally! Finally ariel happened to me!" Tili ni Nancy.

"Yung boses mo! Jusko nagulat ako sa yo e. Ano ba yun?" Tanong ko habang nilalagay ang hotdog at itlog sa plato.

"May nahanap na akong work na pwede natin applyan!" Tili ni Nancy

"Talaga? Saan naman?" Tanong ko habang nilalagay yung sinangag sa mangkok bago ilagay sa mesa.

"Dito sa Scentist Incorporation!" Sabi niya at inilapag sa dining table yung loptop.

"O? Anong kumpanya naman yon?" Tanong ko at umupo na sa upuan.

"Duh? Hindi ba halata sa name? Mga scents yun. Perfumes colognes mga ganun." Sabi niya at iirap irap. Aba. Malay ko ba.

"Anong trabaho inaalok nila?" Tanong ko.

"Alam mo tumabi ka sakin dito. Tingini. Mamaya kana kumain." Sabi niya. Kaya tumayo ako at tumabi muna sa kanya.

"Ah. Secretary? Para sa CEO at COO?" sabi ko matapos basahin yung nasa loptop niya.

"Correct malaking check! Ano? Apply tayo ha? Sabi dito pwede daw ibigay yung resume through email e." sabi niya kaya tumango nalang ako at bumalik doon sa kinauupuan ko kanina.

"Omg! Ayan okay na! Im so excited na kinakabahan! Hihi first job natin ito if ever diba? Nako. Galingan natin!" Sabi niya at sinubo ang hotdog.

"Oo. Kaya umayos ka jan. Baka maloka magiging boss natin. May pag ka siraulo kapa naman." Sabi ko at medyo natawa.

"Excuse me?! Ikaw din kaya. Pabebe ka lang masyado. Kunyari matured. Hoy! Kilala na kita ano. Grabe. Eng leke neteng hotdog! Alam ko hindi jumbo binili natin." Sabi niya.

Well explain ko muna sa inyo lahat. Kami ni Nancy ay magkaibigan simula nung college kami. At dahil nga may pagkabaliw kami pareho naging close kami. So yon after ng graduation pumayag yung family na bumukod kami. Kaya ito nasa iisang condo kami. Ang layo naman kami sa Tinorta na kung saan kami nakatira dati. Kaya ito lumipat kami ni Nancy sa Binayo. Mas madami kaseng pwedeng applyan ng trabaho dito e.

"Oo na. Kumain nalang tayo at pupunta pa tayo sa mall. Nauubos na mga pag kain natin dito e." Sabi ko at nagsandok ulit ng kanin.

"Okay. Tapos daan na din tayo sa mga boutique doon ha. Hahanap tayo ng pangmalakasan na outfit pag nag apply tayo ng trabaho." Sabi niya kaya tumango naman ako.

Nang matapos kami kumain ako na naghugas ng plato at siya naman ay dumeretcho sa sala.

Pero narinig ko na naman siyang sumigaw. Jusko. Ikenat. Napailing nalang ako.

"Grabe bff! Nagtext na agad sa akin yung kanina! Hindi lang text! Naka email pa! Gusto daw niya na pumunta ako sa company nila bukas! Kyah! Ikaw tignan mo cellphone mo baka nagtext din sayo." Sabi niya pinunasan ko muna yung kamay ko at dumeretcho sa kwarto na kung saan iniwan ko yung cellphone ko.

Pumasok ako don at kinuha yung cellphone ko. Tama nga siya may text na galing doon sa Scentist Inc. Na iyon.

Lalabas na sana ako ng makaramdam ako ng hangin. Bigla tuloy ako kinalibutan.

Lumingon ako at nakita kong bukas yung pintuan ng terrace namin.

"Iniwan na naman bukas siguro ni Nancy ito. Yung babaeng yon talaga." Sabi ko at sinara yung pintuan.

Lumabas ako doon at sinabi kay Nancy na nagtext din sa akin yung company. Ito naman si gaga tuwang tuwa.

--------

Nasa Mall na kami ngayon ni Nancy. Walang masyadong tao ngayon dahil hindi naman weekends kaya madali lang mamili neto. Dumeretco na muna kami sa hypermarket para mamili ng mga kakailanganin namin sa condo.

Just One BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon