2

9 1 0
                                    

-

"Hello Nancy?! Nakakainis ka! Bakit hindi mo ko ginising?!" Tarantang sabi ko. Ngayon kase yung interview namin at itong gaga hindi man lang ako ginising.

"Anong hindi ginising?! Ginising kita! Sinabunutan pa nga kita kaso tulog mantika ka." Sabi niya. Tingini. Dali dali ako lumabas ng elevator at dumerercho na papalabas ng condo.

"Omg! Ano nalang sasabihin ng mga boss natin?! Nakakainis! Sige mamaya na tatawag ako ng taxi." Sabi ko jusko natatataranta na ako. Hindi na nga ako nakapagsuklay ng maayos.

"Kalma bff. Wala pa yung mga boss dito. Actually ako pa nga lang tao dito." Sabi niya kaya naman. Napahinga ako ng maluwag. Binaba ko na yung tawa at nag para na ng taxi.

Sumakay ako don at sa loob nako nag ayos. Nagsuklay ako at nag lagay ng liptint. Ayoko kase ng lipstick. Nag babakbak yung labi ko.

Nang makita ko na yung sarili ko na maayos ay pak. Ang ganda ng lola mo. Nagselfie muna ako at iupload ko ito sa instagram. Hihi

"Maam nandito napo tayo." Sabi ng driver kaya nag bayad na ako at bumaba na.

Tiningala ko naman yung building na nasa harapan ko. Aba ang laki nga.

Dumeretcho na ako sa lobby at sinabing nag aapply ako for secretary. Kita ko naman yung pag tataka ng babaeng nasa harapan ko. Hindi ko na yon pinansin at dumeretcho na sa elevator matapos biyang ibigay yung ID ko na may nakalagay na applicant at yung floor number.

Pumasok ako don at nagulat ako ng may humabol na isang lalaki. Hindi ko na siya pinansin kase kinakabahan na ako. Ano kaya magandang sabihin.

"Ehem. Ehem. Goodmorning sir Im Cassandra Mazarriega. Single and aish wait mali." Sabi ko at narinig ko naman tumawa yung lalaki sa tabi ko. Luh.

"Goodmorning This is me. This is real. Im Cassandra Mazarriega." Omg okay na siguro yun!

"Bakit ka tumatawa? May problema ba?" Mataray kong tanong. Tumatawa kasi.

"Applicant ka?" Tanong niya.

Napataas naman ako ng kilay. "Paano mo nalaman?" Tanong ko.

"Your ID" napapikit naman ako ng maalala ko na may suot nga pala akong ID.

"K." Sabi ko. Hindi porket gwapo siya matangkad at may pagka moreno ang balat at manipis at mapupulang labi ay ma aattract nako ano. Medyo lang.

"Your applying for what possition?" Tanong niya. Aba at may pag kachismoso pala to.

"Im applying for muse e. Hindi kase ako nakasali sa Sta cruzan don samin kase dinatnan ako. Kabuwanan ko pala yon." Sabi ko at sakto namang bumukas yung elevator nakita kong napakunot ang noo niya. Totoo naman kase yung sinabi ko ano.

Nauna siyang lumabas at nakasunod ako sa kanya. Saan ba si Nancy dito?!

"Goodmorning sir Lourde Francisco. May mga applicants napo tayo." Pitingini. Napapintig naman yung tenga ko sa narinig ko.

"Thanks. Just tell them that Im already here and prepare theirselves." Sabi niya at lumingon siya sakin "Sorry Miss but we're not looking for muse." Tingini talaga Cassandra!!

-

"Hahaha! Tapos anong nangyari? Napaka gaga mo talaga. Hindi mo ba natandaan itsura niya? Siraulo to." Patuloy na tawa ni Nancy tingini. Nung mga oras na yon para gusto ko nalang magpalamon sa lupa.

"Hindi nga! Nagsorry naman ako no. Tsaka malay ko ba. Hindi ko naman kasi alam." Sabi ko at napanguso nalang. Jusko talaga.

Nandito na kami sa reception area. Nakakapagtaka nga lang dahil lima lang kaming applicants dito. Yung dalawa ay umuwi na. Siguro hindi ito nakapasa sa interview.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just One BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon