Kabanata 1

5 2 0
                                    

'Hi. Good morning! My name is Hiwaga Trinidad. I'm 22 years old. I am a fresh graduate of Bachelor of Arts Major in Advertising at St. Louis University in Baguio. It's my first time here in Manila and I'm very much excited to find a job here.'

'So tell me about your family.'

'They passed away even before I was born. They got into a car accident on the way to the hospital. The doctors found out that the baby inside was still alive, and here I am in front of you. I grew up with my grandmother  but she died a month ago after my graduation. I decided to move here in Manila and will be staying at my Uncle's house.'

'I'm sorry about that. When and how did you learn art?'

'I guess with lots of dramas in my life and few people to talk to about it, I practiced to let it out in papers and canvasses.'

*Beep beep*
Tumunog yung cellphone nya.

'Interesting! So, I have meeting with some clients after this. This interview is over. You can now leave. Thank you.'

Nagulat ako sa sinabi ni Mr. Santos. Akala ko natutuwa siya sa 'kin pero tinapos na agad yung interview. 'Di bale na nga mag-aapply na lang ulit ako sa iba.

'Ah.. E.. Thank you din po.'

Hindi ko alam kung anong sasabihin.
Inabot ko na lang yung kamay niya na kanina pa handang makipag-shake hands na para bang gusto na 'kong paalisin.

'Ask my secretary for the blue gate pass so the guard will let you out.'

Tapos umalis na siya ng dali-dali. Pang-walong interview ko na 'to pero ito ang pinakamaikli sa lahat.

'Hay! Ang hirap namang maghanap ng trabaho dito sa Maynila.'

Naglakad na ako patungo sa secretary niya sa labas ng pinto. Maingay niyang nginunguya yung bubble gum na mukhang kanina pa rin wala ng lasa. Kadiri!

'Excuse me, Miss. Mr. Santos told me to get the blue gate pass here.'

Nanlaki yung mga mata niya. Tapos bigla siyang ngumiti. Tinapon na niya yung bubble gum para makapagsalita ng maayos.

'Ay bongga naman pala! Teka nasaan ba 'yon?'

Ang hyper naman pala ni Ate Girl. Parang walang buhay yung mga mata niya kanina habang nagtatype sa computer.

'O, ganda! Ang mahiwagang blue form ni Mr. Santos.' sabay palakpak at hagikgik.

'Ay, Ate. Gate pass po na blue.'

'Hindi... Form talaga yon. Echos nya lang yung gate pass para pakabahin ka. Congratulations for being part of Nocturnal Arts and Design Studio!'

Kinuha ko yung form pero halata sa mukha ko na naguguluhan pa rin ako.

'Tanggap ka na, girl! Ayan list yan ng requirements you have one week to comply. Nandyan na rin number ng HR kung may tanong ka.' Sabay kindat niya sakin.

'E di pa nga ako gano nakausap. Kaya akala ko hindi na sya interesado.'

'Ganyan talaga si Mr. John kapag na-impress na sya sa portfolio mo' di na ganong nagtatanong yon.'

Sa wakas naliwanagan din ako, 'Thank you thank you po talaga!' Napapatalon ako sa tuwa ng may kasama pang paghalik sa blue form.

'Hiwaga 'di ba? Kasing ganda mo yung pangalan mo. Ako nga pala si Luningning Ah!'

Tumayo siya. Inabot niya yung kamay niya ng may kasamang pagsayaw.

'Ah po yung apelyido niyo?'

'Hindi Ah. Ang lungkot naman niyan e. AH! May kasamang feelings. AH! gasi. Luningning Agasi.'

Natawa ako sa kanya.

'O 'di ba pak na pak ang intro. Wala akong nickname ha? Kailangan buong-buo. LUNINGNING.'

'Sige salamat, Luningning,' sabi ko sa kanya.

'See you next Monday, Hiwaga!'

At naglakad na ko papaalis. Lumingon ulit ako at bumalik na siya sa pag nguya ng bagong bubble gum at nakatitig sa monitor habang nagtatype na akala mo walang buhay.

'Kakaibang babae. Ang sarap niyang iguhit.'

Paglabas ko ng building, dali-dali kong kinuha yung sketchpad ko at pencil.

Sa unang guhit ko ay kasabay ang unang patak ng ulan. Sa pagmamadali ko nahulog yung colored pencil case at kumalat sa sahig.

'Shit! Mababasa na ko.'

Biglang may payong sa ulo ko. Una kong nakita ang Maroon Converse na high cut na madumi at maraming sulat.

'Pasensya ka na hindi kita matutulungan kasi mababasa yung kamay ko. Hindi na ko makakapaghanap-buhay.' Nakita ko ang lalaking kayumanggi, may bilugang mata at mahaba ang buhok pero naka-brush up. Nakangiti siya sakin. 'Kaya papayungan na lang kita. Lumalakas na yung ulan.'

Parang may kahawig siya. Pero hindi ko maisip kung sino. 'Oh, sorry. Wait wait.' Nailigpit ko na yung gamit ko. Nilagay ko sa bag at kinuha ko naman yung payong at binuksan. 'Thanks for helping me.'

'Hindi naman kita tinulungan ah.' Sinabi niya ng nakangiti pa rin.

'Thanks for the umbrella.' Inabot ko yung kamay ko sa kanya. 'I'm Hiwaga.'

Tumawa siya, 'Ayoko ngang mabasa yung kamay ko.' Tapos naglakad na papalayo.

Habang naglalakad ako papunta sa LRT, hindi mawala sa isip ko si Kuyang ayaw mabasa ang kamay. May kamukha talaga siya e.

Alam ko na! Dali-dali akong bumaba ng train sa Central Station. Pag dating ko sa condo ni Tito Anton, binuksan ko yung kahon ko ng dati kong mga artwork.

'Kamukha niya to.' Hawak ko ang oil painting ng isang binatilyong nakaupo sa likod ng trak ng gulay na may pamagat na PANINDA.

Project 'to non sa Humanities. Tapos ang topic namin child exploitation. Nakita ko kasi yung batang 'to dun sa palengke, na nasa likod ng trak kasama ang mga gulay na iluluwas sa Maynila para ibenta. Pero five years old pa 'ko non. Naisip ko lang gawing subject ng painting ko sa Humanities.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MIDNIGHT MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon