Chapter 3.

1 0 0
                                    

"Gutom na ako." sabi ni Mia
"Yes really. I'm starving." Lianna added. Nakakagutom nga. Kanina pa kaming umaga kumain and it's almost 2pm.

"May karinderya naman siguro dito." Clara said.
"Karinderya? Hindi ba tayo mapopoison nyan? Eh you know naman. Baka madumi o di kaya may lason." Sabi ni Lianna.
"Sir Art, may karinderya po. Hihinto po ba tayo?" Manong Ernie asked Arturo.
"Opo manong. Pakihinto nalang. Kakain muna tayo." Sagot naman ni Art.

Huminto ang sasakyan sa harap ng isang karinderya. Hindi masyadong malaki at hindi masyadong matao ang lugar na ito. Pumasok na kami. Pinagtitinginan kami ng mga tao dito. Ang tahimik. Hindi parehas ng mga karinderya sa city, matao at maingay. Dito, iilan na nga lang ang mga tao, tahimik pa tapos pinagtitinginan ka pa.

"I'm concious. Punagtitinginan tayo." bulong ni Arturo sa akin.

"Ma'am, sir, nakaorder na po ako ng mga pagkain niyo." Sabi ni Manong Ernie sa amin.

"Okay manong." Sagot naman ni Adie.

Dinuguan at adobo ang nakita kong nakalapag sa lamesa namin. Habang kumakain kami, panay ang tingin ng matanda sa akin. Hindi ko naman kayang tumingin sa kanya. I don't know but there is really something in this place.

"AAAHHHHH!" Mia shouted.
Nagulat kami sa sigaw ni Mia. Isang bata ang lumabas galing sa ilalim ng aming lamesa.

"Tf! Get off me!" Sigaw naman ni Mia. Lumapit ang bata sa kanya at may inabot. Kinuha ni Frank ang papel at isinilid sa kanyang bulsa. Dali-dali namang hinablot ng matandang tindera ang bata.

"Benben! Pumasok ka sa loob! Leche kang bata ka!" sigaw ng matanda sa batang si Benben.

"Are you okay Mia?" Clara asked. Sinundan ko ng tingin ang bata. Hindi niya tinanggal ang tingin sa amin at parang may gustong sabihin. Pinapasok siya ng matanda sa isang silid.

"Nawalan na ako ng gana. Dun lang ako sa van." Sambit naman ni Mia. Tinapos namin ang tanghalian at binayaran ang mga kinain. Nauna na sila sa sasakyan. Ako at si Adrian nalang ang nagbayad.

"Eto na po yung bayad manang." sambit ni Adie sa matanda. Tumingin sa amin ng mataman ang matanda. "Sa Donya Cara kayo pupunta?" tanong ng matanda sa amin.

"Opo. Paano nyo po nalaman? That's my great grandmother's house kasi manang. Magbabakasyon lang." Sambit ko naman.

Kumunot ang noo ng matanda sa amin. "Mag-ingat! Mag-ingat!" sabi ng matanda.

Hinablot ko ang braso ni Adrian. "L-let's go Adie."
Hindi ko matanggal ang ekspresyong ipinakita ng matanda sa akin hanggang sa napahimbing ang tulog ko.

"Sir, ma'am. Nandito na po tayo."

Naalimpungatan ako sa anunsyo ni Manong Ernie sa amin. Gabi na nang nakarating kami sa Donya Cara. Nagtext ako kay mommy na nakarating na kami.

"DONYA CARA"

Iyan ang nakasulat sa kinakalawang na gate. Ang tayog ng mga puno. Sa gilid ng puno, may isang round table, sa gilid naman ay may duyan. Sabi ni mommy, sa likod daw ng bahay, may ilog. Pupuntahan namin yun bukas.

"Magandang gabi po. Ako si Pedring. Ang caretaker ng Donya Cara." isang matandang lalaki ang nagpakilala sa amin.

"Magandang gabi din po. Ako po si Danny. At eto po yung mga kaibigan ko. Lianna, Art, Adrian, Clara, Carl, Mia and Frank po. Magbabakasyon po sana kami."

"Magandang gabi po Mang Pedring."
"Hello po."
"Magandang gabi po." Bati ng mga kaibigan ko sa matanda.

"Naku! Siguradong gutom na po kayo! Pasado alas-otso na po ng gabi. Kumain na po kayo at baka maputulan po kayo ng kuryente!" sabi ni Mang Pedring sa amin.

"Maputulan?" naguguluhan na sagot ni Frank.

"Saktong alas nuwebe po, ay wala na pong kuryente dito sa baranggay. At kasama din po ang Donya Cara sa mga napuputulan. Bumabalik po ang kuryente pasado alas-siyete po ng umaga." paliwanag ni Mang Pedring sa amin.

"Oh I see. So kumain na tayo? Para na rin makapagpahinga tayo dahil pagod rin tayo sa byahe." Lianna suggested.

Dinala kami ni Mang Pedring sa dining room. May maliit na pasilyo doon patungo sa dining table. Ang pasilyong nilalakaran namin ay may malalaking bintana at puting kurtina.

"I really want to sleep." sambit ni Carl.

"Kumain na muna tayo, Carl." Sagot ni Adrian sa kanya.

Kumain na kami. Pagtingin ko sa wall clock, it's 8:45. 15 minutes left bago maputulan ng kuryente.

"Eto po yung kwarto ng mga lalaki, dito sa may kanang bahagi. At dito sa kaliwang bahagi, nandito naman po ang kwarto ng mga babae." Paliwanag ni Mang Pedring sa amin.

"Matulog na tayo." Frank announced.

"I want to sleep in the left wing." Arturo said.
"Ikaw Arturo ha. Para-paraan ka rin." tukso ni Carl sa kanya. Inirapan lamang ni Art si Carl.

"Okay. Frank, Carl and Adie, kasama kayong matulog." I said. "ako, Clara, Lianna, Mia and Art will sleep here." Sabay turo ko sa kaliwang bahagi ng pasilyo.

"Goodnight." Sabi ni Adrian sa amin. "Goodnight Danny." at tumingin sa akin. Ngumiti ako ng matamis sa kanya. At pumasok sa kwarto upang makatulog na.

Friends For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon