Unedited Chapter
Chapter 11: Start Of The Competition
"Maraming salamat, hija. Sige, umuwi ka na muna sa inyo. May bisita ka yata." tatawa-tawang bulong ni Aling Nenita, ang aking kapitbahay. Kumunot ang noo ko. "Mayroon po? Ah, salamat po." tugon ko at nginitian siya. Kinawayan ko na ito bilang pamamaalam.
Tinulungan ko kasi siyang mag-ayos ng kaniyang tindahan. Nagtayo siya ng sari-sari store at nagpatulong siya sa akin kanina.
Bumalik ako sa bahay ko at pagkapasok na pagkapasok ko ay naroon na kaagad ang isang hindi ko inaasahan na bisita. Agad kong sinara ng malakas ang pintuan at bumalik sa sari-sari store ni Aling Nenita. Tulala akong napaupo. "Bakit, hija? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin. "P-pasensya na po. Balik na po ako, salamat." awkward kong sambit at umalis sa kaniyang sari-sari store.
Huminga ako ng malalim at binuksan ang aking pintuan. Kumunot ang noo ko nang wala akong nakitang tao. But, he's there! I saw him. We both know that he's here.
"Gosh, I think I'm hallucinating.." bulong ko sa sarili. Nagulat ako at nanigas sa kinatatayuan nang nakarinig ako ng pagkalock ng pintuan ko. Napalunok ako kaagad sa narinig. I heard a faint chuckle. A chuckle I would like to hear everytime.
He really is here.
"Did I scare you?"
Napapikit ako ng mariin at napakagat sa aking labi. Pinigilan ko ang aking sarili na mapangiti.
"Have you lost your tongue?" puna pa niya na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Humarap ako sa kaniya at nagsalita. "Bakit ka nandito? Akala ko talaga may sira na ang ulo ko at nakakakita ako ng kung ano-ano!" irita kong sigaw sa kaniya. Tumawa lamang siya.
"Sa susunod, hindi na ako papayag na may pumasok pa ritong kung sino-sino." mataray kong sambit at akmang bubuksan ko na ang lock, nang parang mas mabilis pa sa pagpikit ko ang reflexes niya. Tinabig niya ang kamay ko at idiniin ako sa pader. Nanlalaking mga mata ang ibinugad ko sa kaniya.
He pinned me at the wall with his both hands at my side. He locked me in his arms.
"What do you think you are doing, Ryder?" tanong ko sa kaniya. "Bulok na iyang style mo, tangi." Dagdag ko pa. Ngumisi siya sa akin at bumulong na nagpatayo ng mga balahibo ko sa batok. "I won't let you unlock that door, not until that Shone is outside of your house." seryoso niyang bulong sa akin na nagpalunok sa akin.
"Wait, what? He's there?" gulat kong tanong. Tumango siya sa akin bilang sagot. Inalis na niya ang kaniyang mga braso sa gilid ng ulo ko. Akmang bubuksan ko na ang pintuan nang umakbay siya sa akin at siya ang nagtuloy.
"Hey, Azi--." natulala sa amin si Shone at napangiti ng mapait. "What?" Ryder asked him arrogantly. Nanigas ako sa kinatatayuan ngunit agad bumalik ang aking isip sa katinuan at pilit na inaalis ang braso ni Ryder. Umiling ito. "Nevermind. I think I interrupted both of you. Gotta go, Azi." sabi niya at ngumiti ng pilit sa akin. I saw pain in his eyes. How insensitive, Ryder! Lintek ka!
"Good thing he left--" Pinigilan ko sa pagsasalita si Ryder at pinuntahan ko kaagad si Shone. Hinagip ko ang braso niya na nagpagulat sa kaniya. Hindi ko akalain na magugulat siya kaya ang nangyari, aksidente niya akong natulak papalapit sa kaniya.
Halos magkalapit na ang mga mukha namin.
Putcha.
"Oh, shit! S-sorry!" nahihiyang bulalas ni Shone. Nakatulala lamang ako sa kaniya at ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. "N-nagulat pala kita, sorry a-about that. Uhm, gusto ko lang sanang sabihin na walang namamagitan sa amin ni Ryder. Kung iyon ang iniisip mo." nahihiya kong sabi sa kaniya. Napakamot siya ng batok. "He just broke in my house." I added.
"Actually, alam ko nang nililigawan ka n'ung lalaking 'yun. So, I think we have our competition for your heart, then?" natatawa niyang saad. Dapat ang minahal ko, itong si Shone nalang. Mas mabait pa yata. Kumunot ang aking noo. "Paano mo nalaman?" tanong ko.
"I have my ways on knowing what I want to know, Azaleah." sagot niya at kumindat. "Mamaya nalang ulit, Azi." sabi niya at mistulang nagbow sa akin. Kinawayan ko na lamang siya. "S-sige. Daan ka nalang ulit mamaya! K-kung pwede, isama mo sana si Avalyn! Or pwedeng 'wag na r--"
"I'll try. Bye!" he cutted me off and laughed.
Bumalik ako sa bahay at nakita ko si Ryder na nakapalumbaba. Kumunot ang noo ko. Nakanguso ito at nakakunot ang noo. Nakatitig lamang ito sa sahig. What the hell happened to him?
"What's going on there? Iniwan mo ako, Azaleah. I can't believe you." sambit niya bigla. Tumayo siya at hinarap ako. Isinara niyang muli ang pinto at nilock ito. Napalunok ako. Sinamaan ko siya ng tingin na ginantihan din niya ng sama ng tingin. "Hoy, Ryder! Napakaarte mo! Mas maarte ka pa sa'kin!" Naiiritang saway ko sa kaniya.
Unti-unti siyang lumalapit sa akin hanggang sa wala na akong maatrasan. This scene is so cliché for me, Ryder!
"What do you think you are doing again, Ryder?" tanong ko habang nakataas ang kilay. "Why can't I get angry to you for running towards Shone, getting almost kissed by Shone, and being called as Azi by Shone? I want to get angry to both of you. I'm so jealous but why did those feelings suddenly disappeared when you looked at me?" he asked. Inilapit niya ang mukha sa akin at ramdam ko na ang mainit na hininga nito ngunit iniatras din niya ang mukha niya.
Kasi marupok ka, Ryder.
"Aalis lang ako, Azaleah." paalam niya. Akala ko ay hindi na siya lalapit pa ngunit hinagod niya ang likod ko at inilapit ito sa mukha niya.
Mabilis niyang hinalikan ako sa labi at binuksan ang pinto. Bago siya umalis ay sinigawan ko muna siya. "Ulol!" malakas na sigaw ko sa kaniya. He just smiled.
Nakakalintek!
Napahawak ako sa puso ko. Ayaw kong masaktan si Shone, but I know, na sa pagmamahal ay palaging may masasaktan.
Should I tell Shone? Or keep him in my life?
----------------
heartalicien
YOU ARE READING
Ephemeral|✓
Romance[𝗘𝗱𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴] Azaleah Shin Galvez is a college student, living life alone, struggling to finish her studies. Everything that happened to her life was normal, not until she was accidentally kidnapped during an important event. After that incident...