Unedited Chapter
Chapter 23: The Agent's Weakness
Dali-dali akong umalis sa malaki nilang tagong warehouse. Mahirap tumakbo ng nakaheels kaya't pinutol ko ito kanina. Bawat hakbang ko, tila ba gustong-gustong bumigay ng aking mga binti. Ang bigat sa pakiramdam na naiwan ko si Ryder sa loob n'un, habang ako ay nagpupumilit na lumaya sa kasalanang hindi ko naman ginawa.
Matinding pag-iingat ang ginagawa ko ngayon habang papaalis ng warehouse nila. Sigurado akong maraming bantay sa labas nito, o kaya ay mga trap na kaya akong mapatay. May mga CCTVs din akong nakikita sa mga dinadaanan ko kaya't ginagawa ko ang makakaya ko upang makablend sa paligid.
Nasa loob pa rin ako ng higante nilang warehouse. Narito na ako sa parte kung saan may mga sobrang malalaking kahon. Luminga ako sa paligid. May mga lalaki na may armas na naroon sa may labas. I need to distract them. Hinaharangan nila ang labasan.
Pagkatingin ko sa laman ng mga kahon, nakakita ako ng mga armas. Iba't ibang uri ng baril at patalim. Wala naman sigurong masama kung kukuha ako ng isa sa mga ito, diba? Mabuti nang handa. Kailangan may panlaban ako sa kanila.
Kumuha ako ng isang maliit na baril at isang patalim kahit matindi ang panginginig ng mga kamay ko. Kailangang makalabas na ako rito. My tiwala ako kay Ryder, he'll come back alive. I wish he will. He needs to.
Dahan-dahan ang bawat kilos ko upang hindi nila ako mapansin. Sa pagkakaalam ko'y may silencer ang baril na kinuha ko.
Agad kong pinaputukan ang isa sa mga kahon doon sa medyo malayo. Damn, it's my first time using a real gun. Tanging mga pelet gun lang ang nagagamit ko noon. Gosh, I'm so proud of you Azaleah.
Agad naalerto ang mga malalaking lalaki kaya't nagtago ako sa ilang kahon malapit sa labasan, sila naman ay tumakbo na sa pinaggalingan ng ingay. Saktong pagpasok nila, agad akong lumabas ng warehouse at pigil ang ngiting tumakas.
Pero hindi pa ako nakakalayo sa lumang warehouse at may humawak na kaagad ng beywang ko at ikinulong ang leeg ko sa bisig niya. Sinasakal niya ako! Agad kong itinago ang baril kong hawak sa loob ng bulsa ng palda ko. I'm still wearing my office attire.
"A-ano ba! Bitawan m-mo 'ko!" Impit kong sigaw. "Trying to escape, eh? You're a damn criminal that Snipe protects!" Galit na sigaw sa akin ni Harvey. "S-stop! Hindi ako k-kriminal!" Hirap kong wika. He just laughed at me.
"Only fools will believe you - one of them is Snipe." Nakangisi nitong bulong sa akin. Nagsimulang uminit ang sulok ng aking mga mata.
Inalis niya ang pagkakasakal niya sa akin, dahilan kung bakit ako naubo ng ilang ulit. Ngunit hindi pa ako nakakaayos ay binuhat niya ako. Nanlaki ang aking mga mata at agad sinuntok ang likod niya. Parang sako ng bigas ako ngayon sapagkat binuhat ako nito at ipinatong sa kaniyang mga balikat. "Ibaba mo 'ko! Please, stop!" Awat ko sa kaniya. Hindi ko maabot ang itinago ko sa palda kong patalim. Shit!
Ibinalik niya akong muli sa loob ng pinagkulungan ko kanina. My heart shattered into pieces and tears started to fall from my eyes when I saw Ryder tied in a post. Puno ito ng bugbog sa katawan, bruises and blood can be found on his body. Punit na rin ang ilang bahagi ng kaniyang itim na t-shirt. "Oh my God, Ryder!" Tawag ko rito. He just smiled at me.
I can't believe he can still manage to smile, despite his condition right now.
"Ikaw ang salarin, Ms. Taylor. Ipinakita sa amin ng seller ang lista ng mga bumili ng Centrique Jewel. You are the one that bought it, together with your mother. We will put you in jail, together with that jewel seller." Nakangising paliwanag ni Harvey. "Mulan, tie this lady down the basement. I'll contact the organization. We will put this lady to jail. And I'll make sure she won't get out of there." Ngising sabi ni Harvey sa babaeng may ngalang Mulan.
Tanging si Mulan, Harvey, Ryder at ako lamang ang narito. Ang alam ko'y umalis sina Shone at Levine.
"That's a copy." Tipid na saad ni Mulan. She started walking towards me until Ryder spoke.
"Gracie Arguelles killed Ms. Aganser, right? After killing Ms. Aganser, she stole the jewel and manipulated everything." He started. Huminto si Mulan at gulat na lumingon kay Ryder. Gayun din si Harvey. "Akala ko'y pinatay lang ni Gracie si Ms. Aganser? No one told us that she's the one who also stole the jewel!" Gulat na saad ni Harvey. "Continue talking, Snipe." Wika ni Mulan habang sinasamaan ng titig si Harvey.
"I have the real footage. Naglagay ako ng tracker kay Gracie, so I can see where she goes. Bago ang masquerade ball ni Azaleah, I saw that Gracie followed Azaleah's mother - so as Azaleah. Pinag-aralan niya ang mga mangyayari, at tama ang hinala niya. Imbes na siya ang maparusahan sa pagnanakaw ng diyamante, ibinenta niya ang Centrique Jewel sa jewelry shop na binilhan ng nanay ni Azaleah. Walang kaalam-alam ang shop na illegal ang ginawa ni Gracie, so they agreed with the agreement. Ibinenta ng shop ang jewel in a cheap price, na siya namang binili ng ina ni Azaleah." He paused.
"Bakit ngayon mo lang 'yan sinabi?" Harvey irritatedly asked. "Hindi parte ng misyon ko ang hanapin ang nagnakaw ng jewel. Ayokong mawala sa organisasyong ito noon." He told us. "Nasaan ang footage?" Harvey asked suspiciously. "Untie me first, and I'll show you." He calmly said. Tumalim ang titig ni Harvey sa kaniya. "How can I know that you aren't lying, Snipe?" Tanong muli ni Harvey.
"Oh, Havoc. Ten years na tayong magkasama sa organisasyong ito. Ngayon pa ba kita bibiguin?" He asked while faking a hurt expression. Umirap lamang si Harvey, dahilan kung bakit natawa ng bahagya si Ryder.
"Damn it. Fine. Oras na malaman naming nagsisinungaling ka, ang babaeng 'yan ang kapalit, Snipe."
--
Hindi pa rin nila ako pinapakawalan hangga't hindi pa natatapos ang footage. Nakaupo lamang ako sa sahig habang nakatali ang mga kamay ko sa poste.
Matagal ang inabot ng panonood nila sa video hanggang natapos na rin ito sa wakas. "Damn it, Snipe. Mas magaling ka pa sa mga nakaassign sa kasong ito." Bilib na puna ni Harvey kay Ryder. Tinapik niya ang balikat ni Ryder ng mahina.
"Tsh. Ako pa?" Mayabang na sagot ni Ryder at tumawa. Ngunit nauntol ang tawanan nila nang may isa pang nakitawa. Baka isa ring agent.
"Great job, guys. I thought you'd not notice. Malinis ang gawa ko, pero mali ang akala ko. Mga pakielamero." Gigil na saad ng isang babae na may nilalarong patalim sa kamay nito.
"Fuck! It's Gracie!" Bulalas ni Ryder. Nakita kong may kinausap sa isang device si Harvey at agad dumating sina Shone.
"Well, masisiguro kong hindi lalabas ang footage na 'yan kahit saan. It will be our little secret." Nakangising wika ni Gracie. Nagulat ako nang may nabuong usok sa pagitan nila, dahilan kung bakit ilang beses naubo si Gracie.
Ramdam kong lumapit sa akin si Ryder. "Baby, get out of here. Aalalayan ka ni Shone palabas ng warehouse na ito. Keep safe. I love you." He quickly told me and took a peck on my lips. Agad bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niya.
"I love you too, Ryder. Come back alive." I replied with hopeful eyes.
He looked shocked with my response, siguro'y akala nito, hindi ko na siya mahal. Ngunit nang nakabalik ito sa ulirat ay nginitian niya ako.
"I will, baby. Wait for me."
-------
heartalicien
YOU ARE READING
Ephemeral|✓
Romance[𝗘𝗱𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴] Azaleah Shin Galvez is a college student, living life alone, struggling to finish her studies. Everything that happened to her life was normal, not until she was accidentally kidnapped during an important event. After that incident...