Away

16 3 0
                                    


Chan's Pov

"Huy.. Aegi-ya.. Gising na.."

Rinig kong boses ni Jeonghan mameh..

Ang sarap pa ng tulog ko ehh..

"Pag hindi ka bumangon jan..
Kikilitiin kita.. May pasok pa."

Saka ko sya narinig na lumabas ng Pinto.. Babalik pa sana ako sa pagtulog nung marinig ko sya..

"Hana..Dul..Se--

"Ahh.. hyung.. Ito na po!"

Saka sya lumakad ulit. Napailing nalang ako. Sigurista talaga sya..

Tumayo na ako at nakita ko yung mga gamit ko na nakahanda na..

Hyung talaga.. Makaligo na nga lang para mawala yung antok ko.

----

"Ohh. Aga mo naman atang aalis.. 9:00 pa sched mo ahh.."

Kumakain kami ng almusal nang nakita namin si Jeonghan mameh dala dala bag nya.

Kaya nag react si Seungcheol hyung.

"Ahh.. May pupuntahan lang..---

"Gan'to kaaga? 6:30 palang.. aga naman ata.. "

Sabi naman ni Jisoo..

"Bye naaa~~~

Saka sya umalis..

"Ang aga nya naman ata.."

Umiiling pang sabi ni Mingyu..

Tinuloy nalang namin yung pagkain.
Bakit naman kaya ang aga aga ni Jeonghan mameh?

"Chan? Wala ba syang nasabi sayo? Kung san sya pupunta?"

Tanong ni Hansol hyung sakin.

Umiling naman ako since ngumunguya pa naman ako.

Tinawagan ko si Jeonghan hyung pero may narinig kaming tumunog sa taas ng tv.

*Mansae*

Ringtone nung cp nya.
Tumayo agad ako.

"Naiwan nya ata.. Ihahabol ko lang.. "

Lakad takbo akong lumabas para maabutan si hyung pero nakita ko syang sumakay sa Isang kotse

Kaninong kotse yun? Saka Yung Cp nya..

Sabagay ano ba naman ang isang araw lang nya tong di magagamit.

Pero sino kaya yung sumundo sa kanya?

Humarurot agad yung kotse kaya di ko nalang hinabol. Useless din.

Bumalik nalang ako sa loob ng Bahay.

"Nabigay mo?"

Tanong agad ni Jun hyung na naghahanda na ng bag nya.

"Wala ehh. Nakaalis kaagad. May sumundo sa kanya hyung nakakotse."

Napakunot naman ang mga noo nila.
Sabagay kahit nga ako nagtataka kung sino naman kaya yun diba?

So ayun.. Ang siste. Naiwan sa akin yung phone ni Jeonghan hyung.

Baka daw kasi pagtripan pag nila Seungkwan hyung ang maghahawak.
Ehh maloloko yung mga yun ehh..

------

Nandito na kami ngayon sa cafeteria pero wala si Jeonghan mameh.

Dumating na si Minghao hyung
na pinasundo namin kay hyung pero ang sagot nya..

"Hindi daw pumasok si Jeonghan Hyung."

"Teka wait.. San pala sya pumunta? "

Tanong ni Jihoon Hyung.

Walang naka sagot. Wala naman kasing may alam.

Tahimik lang kaming kumakain nang may maalala ako.

"Sumakay sya kanina sa kotse diba?
Kanino po kaya yun? "

"Hindi mo ba nakita ang hitsura ng driver chan bebeh? "

Umiling nalang ako kay Kwannie hyung.

"San kaya sya..?"

Tanong naman si Dk hyung sa hangin.

Maya maya ay nagring ang phone sa bulsa ko.

*Mansae*

"Yeoboseyo?"

"Chan.. Ikaw ba yan? "

"Hyung.. Ako nga. Bakit di ka pumasok?--si hyung ba yan? --"

"Si Seungkwan yun noh? Haha.. Uhm.. Chan mga 2 days kamo akong di makakauwi jan. Paki sabi naman sa kanila----

"--iloudspeak mo Chan--Hyung bakit? "

"Basta.. Balik di ako agad. 2 days lang naman. Ikaw na muna gumamit nyang phone ko. Alam mo naman pass diba? --Jeonghan? Tara na daw.. --"

"Hyung sino yun? San ka ba? "

"Bye na.. Ingat kayo jan"

**Call ended**

When An Angel Smile (Fall hard) _ Tokhang SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon