SEUNGKWAN'S POV
"Bakit ba lagi nalang kayo dito sa kwarto ko hah?! "
Reklamo ko sa kanilang tatlo.
"BooSeokSoon Ft. Lee Chan... Ayaw mo nun? "
Tanong naman ni Hoshi hyung na nakahiga pa sa kama ko.
Suss.. Kala mo kanya ehh.
Si Seokmin naman Kinuha yung Laptop ko. "Oh! Anong gagawin mo jan?"
"Malamang gagamitin! Ano pa ba? Tss.. Para namang di mo alam gamit nito ehh"
Aba! Ang kapal ng mukha kung makasagot kala mo nagpaalam.
Ibinaling ko naman ang tingin ko sa Bunso namin.
Nakapangalumbaba sa may study desk ko. Buti pa to..
"Oi. Chan.. Ano problema?"
Tinanong ko pa eh alam ko narin naman. Si Jeonghan mameh
"Si Jeonghan mameh.."
Sabay buntong hininga nya pa.
Oh diba? Galing ko manghula.
Sabagay paraho lang naman kami na di sanay na wala ang Nanay ng Grupo.
Magkakaibigan ang mga magulang namin kaya lumaki kami na magkakasama.
Pag may Mga importanteng inaasikaso Ang mga magulang namin
Ang mga Hyung agad namin ang takbuhan nila para magbantay at mag alaga samin habang wala sila.
Kaya dun na nagsimula na tawagin naming mameh si Jeonghan Hyung.
Mukha naman kasi syang babae kahit maikli yung buhok nya.
Lalo na nung nagpahaba sya ng buhok.
Para namin syang nanay.
Kaya napagdesisyonan ng lahat na sama sama nalang kami sa iisang malaking bahay.Pabor sa mga magulang namin since Bihira lang namin sila makasama dahil sa kanya kanyang trabahaho.
"Oh.. Kwan natulala ka na.."
Nabalik naman ako sa realidad nung pinitik ni Hoshi hyung ng mahina yung ilong ko.
"Ang lakas ng ulan sa labas ohh..
Tignan nyo mga hyung"Pagkasabi ni chan tumingin naman kami sa labas ng bintana ng kwarto ko.
Oo nga.. Ang lakas ng ulan Gabi na pa naman.
"Oi dino ba't di ka pa natutulog? Gusto mo tabi tayo ngayon sa kwarto nyo ni mameh?"
Aya ni Hoshi hyung.
"Tabi? Eh dalawa naman kama dun ahh."
Sabi naman ni Seokmin.
"Oo nga dalawa. Edi dun ako sa kama ni Jeonghan mameh."
Sagot ni Hoshi hyung. Wala kasing kasama si Chan sa kwarto.
"Ginagawa nyo naman akong baby nyan ehh.. Kaya ko matulog mag isa dun noh!"
"Gusto ko magkape."
Nagtinginan kaming tatlo.
"Malalagot kami kay Mameh pag nalaman nyang pina inom ka namin ng kape. Gatas nalang Chan."
Sabi ko. Ang totoo nyan bawal na kasi si Jeonghan Mameh sa kape kaya pati si Chan damay.
Ehh yan naman kasi ang pinaka anak ni Jeonghan hyung dito.
Naalala ko pa nga nung Grade 7 si Chan tapos inaaway sya ng mga kaklase nya.. Si Jeonghan hyung agad yung sumusugod sa room.
"Wala naman si hyung ehh.. Pagbigyan nyo na ako."
Paki usap nya samin. Sabagay minsan lang naman kaya pinayagan na namin.
Lumabas kaming lahat ng kwarto papuntang kusina..
Habang nagtitimpla ai Chan ng kape umupo muna kaming tatlo sa Sofa.
"Kwannie.. Close ba kayo ng Gf ni Hansol?"
Bigla naman akong nag Cringe sa tanong.
"Di oi."
Sa pangit ng ugali ng babaeng yun malabo.
Di naman sa sinisiraan ko sya pero kilala ko kasi yung matagal na.
Bully yun.. Kababaeng tao.
Pero pag nandyan si Hansol ang bait bait. Plastikada pa.
Hindi ko nalang sinasabi kay Hansol ang mga pinaggagawa nya dahil matigas ang ulo nun. Di nakikinig kahit kanino.
"Kape nyo."
Nilapag Ni Chan yung bagong timpla na kape.
Excited ang tukmol na uminom. Nakangiti ehh..
" Ehh kailan kayo magpapansinan?"
Tanong ulit ni Seokmin sabay higop pa ng kape nya.
"Ewan.. " Basta naiinis ako sa kanya.
Bakit nga ba?
Simple. Kasi Priority nya na yung lintang yun kesa sa akin na Best friend nya.
HELOOOO!! KASAMA KO NA SYA SINCE KID!! nakakasama lang ng loob.
"Selosa--este seloso.. Kala mo naman di namin alam."
Sabi pa ni Seokmin. Halata namang nang aasar ang dalawa.
Si Chan naman walang paki alam sa usapan. Hanggang maya maya pa nagsalita sya..
"Nakita ko sila nagkiss nung monday. Sa lips."
Para bang may bumara sa lalamunan ko nung narinig ko yun kaya naubo ako. Shit! Ang init pa naman.
"Kwan!"
Lumapit agad silang tatlo para kunin yung mainit na kape sa kamay ko.
Kumuha agad ng mapupunas si Chan.
Si Seokmin naman.. Ayun nag ala electric fan ang bibig kakaihip sa akin.. Yung hita ko yung nabuhusan..
"Hala.. Sorry.." Sabi ni Chan habang pinupunasan ako.
"Ok lang.. Ba't ka ba nagsosorry? Naubo lang ako.."
Paliwanag ko. Pero ang totoo nabigla talaga ako. Ang bilis naman ata. Kiss agad? Edi ba nakaraan lang siya sinagot nun?
"Teka Chan.. Baka nagkamali ka lang at hindi naman si Hansol yung nakita mo.."
Si Hoshi hyung naman ang nagsalita.
"Hyung di ako bulag. Nakayakap pa nga sya sa babae ehh.."
Tahimik kami..
Hanggang sa may narealize ako..
"Lagot! Ang mga inosente mong mata!"
Napatingin naman sa akin si Chan.
"Halaaaa.. Oo ngaaaa.."
"Tamaaa.."
"Ahhh Hyung Di na ako bata.."
"Diba sabi ko Baby kita hanggang 30 yrs. Old ka na.. ikaw talaga.."
Lahat kami unti unting napatingin sa Pinto.. Saka nagtakbuhan papunta sa dumating..

BINABASA MO ANG
When An Angel Smile (Fall hard) _ Tokhang Squad
Fanfic"Pwede bang akin nalang yang ngiting yan?" "Madamot ako.. kung pwede nga lang na akin ka lang ehh" "Habulin ka talaga Hyung" Where SEVENTEEN is your TOKHANG SQUAD!! And Jeonghan is your Typical Cheonsa .. BxB (세븐틴) JiHan Jeongcheol Gyuhan Meanie Ju...