CHAPTER 7

8 0 0
                                    

Clark Naithan

Pagkatapos mag usap nina mom at dad ay umalis na din kami about sa business ang pinagusapan nila.Nagpaalam na din agad ako kina tito at tita.

" Tito/tita, bago po kami umalis,pwede po ba ako bumalik dito bukas para bisitahin si Zharaina ? " sabi ko

" Oo naman hijo anytime,makakabuti din yun kay Zharaina.. "sang'ayon na sabi ni tito

" Sige po salamat po, balik na lang po ako bukas, pwede po ba masilip sa kwarto si Zharaina?" sabi ko


" Sige hijo,dun sa may kanan yung kwarto niya." sabi naman ni tita


Agad ako umakyat sa hagdan at pinuntahan siya.

tok tok tok

"Zharaina? pwede ba ako pumasok?" sigaw ko ngunit walang nasagot, kaya pumasok na lang ako at nakita ko siya mahimbing na natutulog. Napakapayapa ng mukha nito, ngunit kita kita ko sa mga kanyang mga mata ang mabigat na problema dala dala niya.

" I miss you so much Zharaina, hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ng muli kita makita, sana hindi pa huli ang lahat, hayaan mo babalik ako bukas para bawiin ang puso mo nakalaan para sa iba" hinalikan ko siya sa noo at nilisan ang kanyang kwarto.




Sa kabilang banda, si Rence ay nagmamaneho ng sasakyan patungo kay Mr.Chan na kanila private investigator.

Ding dong
Ding dong

Binuksan naman agad ng isang maid na medyo bata pa.

"Sir, sino po kailangan nyo? " sabi nung maid

" Nandyan po si Mr. Chan? "magalang na sabi ko.

" Hijo, napadaan ka" sabi ni manang Arcing kilala niya ako dahil palagi ako pumupunta noon dito.

" Yna, papasukin mo siya, nandoon siya sa living area"  sabi ni manang sa batang katulong.

" Sige po" mahina sagot ng batang katulong.

Mukhang pamilyar ang mukha niya sa akin ngunit hindi ko na lang inintindi ito at agad ako dumiresto sa living area.


" Mr. Chan... " tawag ko sa kanya



" Hijo, napadaan ka? diba sabi ko tito na lang masyado ka pormal" mahina tawa niya


"Oo nga po pala tito, may ipapahanap lang po sana ako ito " agad kong ibinigay ang larawan ni athena.


" Eh, bakit mo siya ipinapahanap hijo?"mausisa niyang tanong.

"Important matters tito, hanapin niyo lang kung saan siya nakatira sa New York at kung sino yang kasama niya sa picture" at ibinigay ko ang isang picture na ipinadala kay zack, na may kasama si Zharaina.

" Sige hijo, hindi pala masyado mahirap ang pinapagawa mo,tatawagan na lang kita kapag may update na ako." sabi nito

" Sige po" sabi ko at nagkwentuhan lang kami tungkol sa buhay niya, mag mimigrate na pala siya sa canada nextweek
dun na daw siya magtatrabaho , buti't nakaabot pa ako.tssk

Nagpaalam na ako at bumalik nasa bahay. Haysss maaga pa ang pasok bukas, malapit na din ang sembreak. San kaya maganda pumunta? Matanong na lang si Zack at Ley bukas.

THE ONE THAT GOT AWAYWhere stories live. Discover now