"babe, hindi nanaman ako dinatnan at lumalaki ang puson ko baka buntis ako." bungad nya sa kanyang nobyo ng dumating ito galing sa trabaho. nag li live in na kasi silang dalawa kahit papano sakto lang naman ang kinikita nilang dalawa para ma sustentohan ang kanilang araw araw na panga ngailangan.
"mahirap kang buntisin noh, hahahah ilang beses mu na ba yang sinasabi pero dinadatnan ka naman pag kalipas ng ilang buwan baka nalayagan ka nanaman."
"well, siguro nga pero masakit ang puson ko at maging ang boobies ko babe"
"symptoms lang yan na malapit ka ng datnan, teka ano bang ulam? nagugutom na ako"
"nag luto ako ng ulam tipid kasi tayo ngayon wala na tayong pera. may noodles with egg dyan tapos na ako kumain hindi na kita inantay kasi gutom na ako daming trabaho sa office kanina my god, tapos bigla bigla pa ang pagsakit ng puson ko."
"sa office din namin tan ina si sir parang wala ng bukas sa daming trabahong ibinigay sa amin." tugun ng kanyang nobyo habang nag sasandok ng pagkain.
"nga pala babe, kumusta ang asawa mo?" oo tama, kabit lang sya at hindi sya ang prioridad ng kanyang nobyo kundi ang pamilya nito, nasa maynila sila at nasa probinsya ang pamilya nito kaya malaya silang dalawa na magkasama pero na ko kunsinsya din sya minsan sa pinagagagawa nila kaya para maibasan ang guilt nya tumutulong din sya sa pagpapadala ng pera sa asawa nito.
"natanggap na nila ang pinadala nating pera, makaka pag enrol na ang mga bata at makakabili na rin ng gamit skwela salamat nga pala sa tulong mo babe." sabay halik sa kanyang pisngi. masaya na sya na may kasama sa bahay nya at may kausap na tao dahil kapag mag isa lang sya halos mabaliw sya sa depression.
"mabuti naman kung ganun, magpahinga na muna ako babe maaga pa pasok ko bukas"
"wait lang, wala ba tayong cuddle cuddle kahit saglit lang. nood muna tayo ng tv."
"masakit nga puson ko babe, hindi pwede ngayon"
"wala naman akong sinabi na mag se sex tayo ah" exaheradong sabi ng kanyang nobyo
"doon din naman papunta yon. tsk. bahala ka na nga dyan manghugas ka nang pinag kainan mo kundi i hahampas ko yang plato sa mukha mo"
"clean freak" natatawa nalang ito habang papasok sya sa kwarto pero lihim sa kaalaman ng kanyang nobyo ay sumakit nanaman ang puson nya ilang beses na syang naka inum ng gamot pero pabalik balik parin ang sakit. inihiga nya sa kama ang kanyang lupay pay na katawan at pinilit na makatulog para hindi na sya makaramdam ng sakit.
Tila hindi magkandatutu ang kamay ng kanyang nobyo habang panay ang lakad pabalik balik sa kanilang kwarto, nakaidlip lang sya ng ilang minuto pero pag ka gising nya ay parang nakaramdam sya ng bigat sa paligid.
"anong nangyari?"
"si ana ang anak ko, na bangga daw ng sasakyan habang naglalaro nasa critical na kondisyon sya ngayon, walang hiya talaga yung asawa ko gabi na pero pinapabayaan parin sa labas maglaro ang mga bata. kailangan kong umuwi agad." tila bumigat bigla ang pakiramdam nya at pakiramdam nya ay maiiyak sya, ramdam nya ang pag aalala ng kanyang nobyo kaya dali dali nya itong nilapitan at niyakap.
"pano na yan babe?" tanong nya habang hinagod hagod ang likod nito
"hindi ko alam, mababaliw ako kapag namatay si ana, mababaliw ako babe mahal ko ang anak ko." mangiyak iyak na sabi ng kanyan nobyo
"tahan na, gusto mo umuwi tayo ngayon sa probinsya nyo puntahan natin ang ospital kung saan sya naka confine"
"wag na ako nalang ang uuwi baka magka gulo pa lalo kapag nakita ka nila. makakatipid din tayo sa pamasahe kapag ako lang mag isa."
"iiwan mo ako?"
"alangan naman dalhin kita? baka mapatay ka ng asawa ko" nagkuha ng maleta ng kanyang nobyo at unti unting nag impake.
"wag mo akong iwan babe, baka mamatay ako, ako lang mag isa marami akong nakikita kapag ako lang mag isa babe."
"ang anak ko ang nasa bingit ng kamatayan yang sa iyo kaartehan lang yan hindi ka mamamatay okay! ang anak ko critical ang condisyon! wake up! wag kang OA hindi kana bata"
"pero babe,"
==updated jan 22, 2019==
Hindi nya alam kung saan sya kukuha ng lakas ng loob para bumangon at mag trabaho, ilang buwan na simula ng umuwi ang kanyang nobyo sa probinsya wala man lang tawag o text syang natanggap mula dito. Paminsan minsan nakakaranas sya ng pananakit ng puson at isang buwan ng syang hindi nadadatnan. Hindi pwedeng mabuntis sya dahil alam nya sa kailaliman ng kanyang isip na hindi na babalik ang kanyang nobyo.
Napilitan syang bumangon at maghain ng agahan wala pang ilang minuto may nakita sya sa gilid ng kanyang mga mata, isang lalaki.
Lalaki na walang mukha pero pakiramdam nya ay kilala nya ito hindi nya lang mawari kung sino. Ito ang kanyang kasama sa tuwing mag isa lang sya sa bahay, may visual hallucinations kasi sya simula pa nung bata sya napag kakamalan syang baliw, ibat iba ang kanyang nakikita noon pero ngayon iisa nalang ang palaging nakikita nya ito ang lalaking walang mukha, kahit sa kanyang panaginip nagpapakita ito pero dahil nga sanay na sya at alam naman nyang hindi ito totoo kaya binabaliwala nlang nya. Pero sa pagkakataong ito lalo na at suicidal pa sya naiisip nyang kausapin ang lalaking walang mukha para maibsan ang nararamdaman nyang lungkot.
"Alam ko palagi kang nandyan, tabihan mo ako sa pagkain para hindi na ako malungkot."
Nasabi nya sa lalaking walang mukha.
"Hahaha baliw! baliw ka na talaga jenny, Hays." sabi nya sa sarili sabay iling iling. Na isip nya tuluy na totoo yung sinasabi ng mga kapitbahay nila na baliw nga sya.
"Makapag ligo na nga," bulung nya sa sarili matapos kumain.
Kararating palang nya sa office pero parang ramdam na nya ang bigat ng paligid.
"Hoy late ka na naman jenny! mag e.evaluation pa naman ngayon! matatanggal ka talaga sa trabaho mo kapag pinagpatuluy mo pa yan!"
"Sorry madam, traffic kasi eh, tapos masakit kasi ang puson ko kaya hindi ako makabangon kaagad."
"Ilang araw na yan ah, ipa check up mo kaya yan baka cancer na yan jenny."
"Naku madam, wag naman sana, kaya nga ayaw ko mag pa check up eh baka maging bad news pa baka depression tuloy ang maging sanhi ng pagkamatay ko."
"Na ikaw bahala, o ito pi na pa edit ni boss dami daw mali. " pinatong nito ang mga files sa desk nya atsaka walang sabi sabing umalis.
YOU ARE READING
10 days before end
Romansaa story about a women who suffer from a cancer and have 10 days left to live. A miracle can happen even for a last minute.