Prologue

40 1 0
                                    


Prologue

"Ano ba Mios! Sabi ko tapos na tayo, ayoko na!" mariin kong sabi sa kanya sabay hawi sa mga brasong nakapulopot sa beywang ko.

"Please stay with me Mier" ramdam na ramdam ko ang mga patak ng kanyang luha sa balikat ko ngayon.

Ang hirap naman kasi nito eh bakit pa kasi umabot sa gantong sitwasyon? Maayos naman ang relasyon namin ah. Bakit parati nalang akong nasasaktan?

"Ayoko na sabi!" boung lakas kong kinalas ang kanyang braso at hinarap ko siya. "Ayoko na." mariin at inis kong sabi.

Tinitignan ko ang maamo niyang mata ngayon na para bang kinakausap ako na huwag siyang iwan.

"I'm begging you please just stay with me my love" tumawa ako nang napakalakas para maitago ang sakit na nararamdaman ko ngunit ang traydor kong luha ay lumalabas mula sa aking mga mata na para bang nag uunahan.

"Love?" sabi ko tsaka tumawa na naman sabay patak ng mga luha ko.

"Love? Sabihin mo nga sakin Mios! Minahal mo ba talaga ako?" sigaw sa ko sa kanya.

"Yes, of course I do love you Mier! Damn it"  matigas niyang sabi habang ginugulo ang kanyang buhok.

"Bakit?" pumiyok ako sa sinabi ko tsaka bumuhos ang nga traydor kong luha, "Bakit nagawa mo sakin to?"

"I'm sorry" marahan niyang sabi at niyakap ng mahigpit "let me explain please hear my explanations, Love" sabi niya habang hinahampas ko ang kanyang dibdib nga marahan.

"I don't need your fucking explanations Mios! Hindi ako bingi para hindi marinig ang sinabi ng babaeng yun at lalo ng hindi rin ako bulag para hindi makita ang lahat ng nakita ko!" tinulak ko siya ng boung lakas ngunit mahigpit parin ang kanyang pagkakayakap sa akin.

"Please Mier don't do this, wag mo akong saktan" marahan niyang sabi.

"Huwag kang saktan? Nagpapatawa ka ba?" ngayon ay boung lakas ko na siyang tinulak at kumalas naman siya.

"Bakit? Ako ba Mios hindi ba ako dapat ang masaktan sa ating dalawa? Alam mo ba kung gaano kasakit dito?" hinampas ko ang sarili kong dibdib "Ang sakit sakit na Mios hindi ko na ito kaya. Kung gusto mong manakit ng tao! sa iba nalang huwag ako kasi durog na durog na itong mahinang puso ko Mios! Ang sakit sakit na" humagolhol ako at napaupo ako sa kalsada dahil sa panghihina.

"Ang sakit na Mios" ngayon ay umupo narin siya sa harap ko "Ayoko na ang sakit sakit na, hindi ko na kaya, bumalik ka na don mas kailagan ka nila ngayon don at mas lalo ng mas kailangan ka ng babaeng yun" pinunasan ko na ang mga luha aa pisngi ko.

I need to push him away from me even if it hurts a lot.

--

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hurts (Dela Rama Series #1) RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon