Dumating ang araw ng pag-alis nila kuya. Iyak ako ng iyak no'n kasi hindi ko alam kung kailan ko ulit sya makikita. Nag-iba ang buhay ko ng umalis si kuya. Hindi na ako yung dating masiyahin at palakaibigan. Nung nag-2nd year high school ako --- nakita ko ulit sya. Pauwi na ako no'n ng may mapansin akong pamilyar na mukha.
"Kuya ?------- " lumingon sya.
"KUYA!" tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap sya.
"Bunso! ---- dalaga ka na ah! Ang ganda pa!"
"Syempre naman! --- buti kuya at bumalik ka na! Miss na miss na kita! Atsaka --- ang gwapo mo parin!" sabi ko habang humihiwalay sa pagkakayakap sa kanya.
"Miss na miss din naman kita! --- oh, may boyfriend ka na ba bunso?" sabay akbay sa akin.
"Wala noh!"
"Good! So --- manliligaw na ako , dalaga ka na eh!"
"Nge -- eh hindi mo naman ako mahal eh!"
"Mahal kaya kita! --- Mahal ni kuya si bunso!"
"Wehh?!"
"Oo nga!"
"Hmm --- sige! Pero ---friends pa din tayo ah?!"
"Syempre naman!"
At yun nga, niligawan ako ni kuya. Ang saya - saya ko nga eh kasi matagal ko na rin syang gusto, pero hindi ko pa sinasabi na gusto ko sya. Dapat ipakita niya muna sa akin kung mahal niya ba talaga ako, tutal bata pa naman kami. 14 yrs old ako at sya eh 17 yrs old. Palagi kaming pumupunta ni kuya sa park, sabi niya "date" daw yun. Ang sweet- sweet niya sa akin. Sinabi na rin niya sa mommy ko na nililigawan niya ako. Okay lang naman kay mommy kasi daw kilala naman niya si kuya. Nung nag-15 y/o ako eh, hindi ko pa rin sinasagot si kuya pero sabi niya ayos lang daw kahit ligawan niya pa ako forever. Ang sweet niya talaga.
BINABASA MO ANG
My Childhood Friend (Mahal ni Kuya si Bunso)
Short StoryN a m i m i s s k o n a s y a . B a k i t p a k a s i s y a u m a l i s ? Babalik pa kaya sya?