Isang araw, kinailangan na namang umalis ni kuya. Babalik ulit siya sa America.
"Kuya, bakit aalis ka ulit?" sabi ko habang umiiyak, ngayon na kasi sila aalis.
"Kailangan eh, sorry talaga bunso ah. Promise -- babalik ako, dapat pagbalik ko wala ka pang boyfriend, okay?"
"Kuya naman eh! Pa'no kung di ka na bumalik?!"
"Babalik ako --- pangako. Babalik ako para sayo. Wag kang mag-alala, lalaban ako." niyakap ako ni kuya. Umiiyak na rin sya. Anong ibig niyang sabihin dun? --- Bigla syang humiwalay sa pagkakayakap sa akin.
"Tandaan mo, mahal na mahal kita. Ngiti naman diyan oh!" ngumiti naman ako sa kanya.
"Sige kailangan ko nang umalis, babye bunso." tapos hinalikan niya ako sa pisngi at ngumiti sya sa akin. Tapos ginulo niya ang buhok ko.
"Babalik ako." at naglakad na sya papasok sa kotse nila.
Simula nung araw na yun, hindi ko na nakita ulit si kuya. Hanggang sa nag-fourth year ako. Nakita kong may tao na sa bahay nina kuya, baka bumalik na sya! --- pumunta ako dun at nakita ko si tita, ang mommy ni kuya.
"Tita!" lumingon siya sa akin at ngumiti.
" Oh iha, kumusta ka na?"
"Maayos naman po, si --- kuya po?" biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni tita, naging --- malungkot.
"Iha, please follow me." sabi ni tita tapos pumasok kami sa bahay nila. Umupo lang ako sa sofa sa sala nila dahil may kinuha si tita sa kwarto nya. Maya-maya lang eh bumalik na sya. May inabot sya sa aking papel, --- parang sulat.
"Ano po ito tita?"
"Sulat yan para sayo ng anak ko, sabi nya ibigay ko raw sayo kung saka-sakali mang hindi na sya makabalik." sabi ni tita sa malungkot na tono.
"Hi-hindi na po sya babalik?!"
"Oo iha, hinding-hindi na." sabi ni tita tapos may nakita akong luha na tumulo sa mga mata niya.
"Ti-tita -- ano pong nangyari?"
"Basahin mo nalang ang sulat iha at malalaman mo kung ano ang nangyari. Sige umuwi ka na at gumagabi na." tapos umakyat na si tita papunta sa kwarto niya. Ako naman eh umalis na din at umuwi, pagdating ko eh agad kong binasa ang sulat ni kuya.
BINABASA MO ANG
My Childhood Friend (Mahal ni Kuya si Bunso)
Short StoryN a m i m i s s k o n a s y a . B a k i t p a k a s i s y a u m a l i s ? Babalik pa kaya sya?