Dear Bunso,
Kung binabasa mo ang sulat na 'to ngayon, siguro eh, wala na ako. Sorry kung hindi ko sinabi sayo na --- may sakit ako. May sakit ako sa puso, nung unang alis ko eh para 'yun sa pagpapagamot ko, buti nga at naging maayos yung operasyon ko. Bumalik ako no'n dito para sayo. Gusto kong malaman mo na mahal kita dati pa. Nung una palang tayong magkakilala sa children's party ng kaibigan ko, na pinsan mo rin, eh talagang nagandahan na ako sayo. Natatandaan mo pa ba 'yun? Bagong lipat kayo no'n, buti nga at naging kaibigan kita eh at ang pinakamaganda pa eh naging close tayo kaya naman minahal kita ng sobra. Nung bumalik ako dito galing America, hindi na ako nagdalawang isip pa na ligawan ka, kahit alam ko na bata ka pa. Pero sa kasamaang palad, nung nagpacheck-up ulit kami sa doctor eh lumalala pala ang sakit ko. Napag-alaman din namin na may pancreatic cancer ako, na nadedetect lng kapag malala na --- kaya kinailangan ko na namang umalis at iwan ka. Pero mukhang hindi talaga tayo para sa isa't isa, kasi sa mga oras na binabasa mo 'tong sulat ko eh malamang wala na ako sa mundong toh. Sana mapatawad mo ako kung di na ako nakabalik para sayo. Siguro nga, hanggang magkaibigan lang tayo. Pero masaya ako dahil sa mga panahong nabubuhay pa ako, naging parte ka ng makulay kong mundo. MAHAL NA MAHAL KITA BUNSO, kahit magkaibigan lng tayo. Mahal na mahal kita. Paalam, sana maging masaya ka kahit wala na ako. Tandaan mo MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NI KUYA SI BUNSO.
-- kuya
Bakit kuya?! Bakit di mo sinabi sa akin na may sakit ka?! --- hindi ko man lang nasabi sayo na MAHAL NA MAHAL DIN KITA !! -- ang daya daya mo kuya!
Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko. Wala man lang akong nagawa para sa kanya. Iyak lang ako ng iyak sa kwarto habang hawak ang sulat ni kuya.
Ang hirap tanggapin na wala ka na kuya, na di mo na ako babalikan. Pero siguro nga tama ka --- hindi tayo para sa isa't isa. Hanggang magkaibigan lng tayo, masakit mang tanggapin pero kakayanin ko. Para sayo --- pangako ko sayo kuya na magiging masaya ako --- dahil yun ang sabi mo.
Mahal na mahal ka rin ni bunso.
BINABASA MO ANG
My Childhood Friend (Mahal ni Kuya si Bunso)
Historia CortaN a m i m i s s k o n a s y a . B a k i t p a k a s i s y a u m a l i s ? Babalik pa kaya sya?