CHAPTER 8

6.7K 168 3
                                    

Tumagal din ang panliligaw ni Aaren sa akin, isang beses nga tinanong niya ako kung pwede na niya ba akong maging girlfriend.

Ang sinagot ko lang sa kaniya ay isang ngiti. 'Not now' iyon ang bulong ng utak ko.

Papunta ako sa field ng may yumakap sa akin mula sa likod. Hindi ko na kailangan tignan dahil kilala ko na siya.

"Aaren."

"Hm?"

"Nakayakap ka na naman."

"Sanay ka naman na niyayakap kita 'di ba?"

Tumango ako. "Oo." Iyon ang tangin sagot ko.

Umupo ako at ito naman ay umupo sa likuran ko saka yumakap ulit sa akin habang ang baba nito ay nasa balikat ko.

"Ganyan ka ba talaga kalambing?" Biglang tanong ko.

"Yes. Even my Mama and Ate Hannah, I'm being sweet to them."

"Pero sa akin sweet ka kahit nanliligaw ka palang."

"Sanayin mo na ang sarili mo. I'm being like this, Rancey just for you. Not for other girls."

"Matanong nga kita, Aaren. Bakit sa lahat ng gusto mong ligawan, bakit ako?"

"Why? Because you're pretty and kind. Nakikita ko kasi sayo si Mama. I promise to myself that I will find a woman like my Mama, and I already found that woman." Makahulugan na wika nito.

"Aaren.."

Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin, humarap ako sa kaniya. "Aaren, hindi mo pa alam ang pinagsasabi mo. Bata pa tayo, hindi mo pa talaga nahahanap ang babae na para sayo."

"No! I already found her." Giit nito.

Umiling ako. "After graduating in senior high school next will be college. Madaming babae sa papasukan mong school kung sakali, baka doon mo mahanap ang taong karapat-dapat sayo."

Nag-aalinlangan ako sa mga pinagsasabi ko, kahit ang totoo ay may puwang na si Aaren sa puso ko.

Tumayo ito. "I already found her! You will not change my mind, and you're that woman!" Galit na sabi nito bago tumalikod.

Tumingin ako sa kaniya. Sumakto naman na umulan. Bumugtong hininga ako bago tumakbo sa may puno para hindi ako masyadong mabasa.

Tumingin ako kay Aaren na basang-basa sa ulan, tila ba walang pakialam kahit umuulan.

"Aaren.." iyon na lang ang nabulong ko ng hindi ko na siya makita.

**
KINABUKASAN pagpasok ko sa classroom, nagtataka ako kung bakit wala siya. Nasaan siya?

Lumipas ang ilan oras ay recess time na. Nilapitan ko si Ronnie, isa sa mga kaibigan ni Aaren.

"Ronnie, alam mo ba kung bakit hindi pumasok si Aaren?"

"Rancey, ikaw pala. Nilalagnat siya, hindi niya sinabi sayo?"

Umiling ako, "Nilalagnat?" Gulat na tanong ko.

Tumango ito. "Oo, baliw ba naman naligo sa ulan kahapon."

Para akong nakaramdam ng konsensiya. "Alam mo ba kung nasaan siya nakastay ngayon?"

"Hindi naman siya ngayon nakastay sa unit niya. So, nasa Ostrain Village siya nyan. Alam mo naman siguro yung Ostrain Village 'di ba? Sa Phase 1 ka pumunta, then makikita mo yung white-green na bahay doon. Hindi ka naman maliligaw dahil iyon lang ang bahay na ganon ang kulay." Paliwanag nito.

Ngumiti ako. "Thank you, Ronnie."

"You're welcome."

Mamaya ko na siya pupuntahan sa kanila.

She Was Pretty ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon