CHAPTER 17

8.4K 177 1
                                    

PAGBUKAS ko ng pintuan, bumungad kaagad sa harapan ko si Aaren.

"Babe, get change. Pupunta tayo sa bahay." Saad nito.

Napakunot-noo ako. "Anong gagawin natin doon?" Tanong ko.

"Basta, magbihis ka na." Sabi nito.

Niluwagan ko yung pagkakabukas ng pintuan, pumasok naman kaagad ito kahit wala pa akong sinasabi.

Napailing na lang ako. Isinarado ko na yung pintuan. Nadatnan ko si Aaren na prenteng nakaupo.

"Hintayin mo na lang ako, maliligo pa ako." Sabi ko bago siya iniwan sa living room.

Pumasok kaagad ako sa kwarto ko dahil nakakonekta naman sa banyo, dumeretso kaagad ako doon. 20 minutes ng matapos akong maligo.

Nagbihis na ako, simpleng blue daster lang at flatshoes na kulay white lang ang isinuot ko.

Lumabas na ako ng kwarto at pinuntahan si Aaren. Napatingin ito sa akin na tila naiinip.

"Ang tagal mo, akala ko nilamon ka na sa kwarto mo e." Sabi nito.

"Che! Ewan ko sayo." Masungit na sabi ko at nauna sakanya.

Palabas na sana ako ng maramdaman ko na may yumakap sa akin mula sa likuran.

"Biro lang iyon, Babe." Sabi nito at hinalikan ako sa pisngi.

Kumalas ako sa yakap niya at humarap sakanya. "Tara na, baka malate pa tayo." Anyaya ko.

Tumango ito, isinarado ko na yung pintuan ng apartment ko bago sumunod kay Aaren.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan mula sa back seat. Umikot naman ito at umupo sa tabi ko.

Hanggang ngayon kasi bawal pa siyang gumamit ng kotse kahit marunong naman siyang magmaneho dahil pinagbabawalan siya ni Tita Aria.

After 15 minutes, nakarating kami sa mismong bahay nila. Bumaba na ako at lumapit naman sa akin si Aaren. Sinuklay niya yung buhok ko kahit hindi naman masyadong magulo.

Hanggang sa ngayon pa din ay hindi nagbago si Aaren, mula nung maging magkaibigan kami hanggang sa naging kami sweet at maalaga pa din siya.

"Ayan okay na. Let's go."

Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng bahay nila. Nandoon lahat sila kahit mga mapangkin niya nandito.

"Tito Aaren." Masayang tawag ni Yoona Teriss na kapatid ni Jaden.

Kahit si Harry at Harrison nandito, katabi sila ni Ate Hannah.

"Babe, lalapitan ko lang sina Harry." Sabi ko.

"Sige, lalapitan kita mamaya." Sabi nito.

Tumango na lang ako at lumapit sa kinaroroonan ng kambal.

"Tita Rancey." Sabay na tawag nila sa pangalan ko ng makalapit ako.

Lumuhod ako para mapantayan sila. "Hello kids, kamusta?"

"Okay naman kami, di ba, Kuya?" Sabi ni Harrison.

"Yes, Harrison." Sabi nito.

Pansin ko na parang babae kung magsalita si Harry. Ako lang ba ang nakakapansin? O si Ate Hannah din?

Hindi naman siguro mali ang iniisip ko, alam ko na madaming paiiyakin to.

"Babe, tara doon tayo sa garden. Susunod naman sila Mommy." Anyaya ni Aaren ng makalapit siya sa kinaroroonan namin.

Inalalayan niya ako hanggang makatayo ako, lumabas na kami hanggang makapunta kami sa Garden.

"A–ang ganda." Mangha na sabi ko, may sobrang haba na mesa kasi sa may gilid ng garden at may spot light pa sa Gitna ng garden.

She Was Pretty ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon