CHAPTER 5

9K 230 1
                                    

PAGKATAPOS kong kumanta, mabilis na bumaba ako at pumunta sa kinaroroonan ni Aaren.

"Uwi na tayo?"

"Oo, tara na. Hindi ka ba mapapagalitan sa parents mo?"

Ngumiti ito. "Hindi naman, idadahilan ko na lang na may ginawa ako sa unit ko."

Napailing na lang ako, naglakad kami papalabas ng Resto-Bar.

"Magsisinungaling ka pala para sa pagsama sa akin. Sorry ah?"

"It's okay." Sabi nito at ginulo pa yung buhok ko.

Napasimangot ako. "Don't do that."

Natawa ito sa sinabi ko. "Okay." Natatawang sabi niya.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan, sumakay ako sa passenger seat. Umikot ito papunta sa driver seat.

"Saan ka nakatira? Ihahatid na kita." Prisinta nito.

"Sa Ostrain Village. Phase 4, alam mo ba iyon? Halos lahat kasi doon ay mga murang apartment."

"Yes, I know that. We're in the same village, Rancey. Nasa Phase 1 lang ako nakatira."

Napakurap ako. "Seryoso? Ganon ka kayaman? Ang pagkakaalam ko lahat ng nasa Phase 1-3 mayayaman lahat ang nakatira."

Napangiti ito. "Hindi ako mayaman, Rancey. Parents ko ang mayaman."

Umiling ako. "Hindi kaya no, mayaman ka din."

"Hindi nga! Mayaman ang mga magulang ko, hindi ako."

"Heh!"

"Punta muna tayo sa NF Condominium, susunduin natin si Tatay Goryo para siya yung magmaneho." Sabi nito.

Tumango na lang ako bilang sagot. Tahimik lang kami sa biyahe hanggang makarating kami sa NF Condominium.

"Hintayin mo ako dito, pupuntahan ko lang si Tatay." Paalam nito.

"Mag-iingat ka."

Ngumiti ito, para akong napatulala dahil sa ngiti niya. "Ang gwapo niya talaga tuwing ngumiti."

Napakurap ako at napatampal sa pisngi ko. "Ano ba naman tong pinagsasabi ko." Naiiling na sabi ko.

Ilan minuto lang ay lumabas na si Aaren at kasama niya si Tay Goryo. Binuksan ni Aaren yung passenger seat, nagtataka na tumingin ako sa kaniya.

"Sa back seat tayo." Sabi nito.

Wala sa sariling lumabas ako at pumunta sa back seat, umupo naman ito sa tabi ko.

Pinaandar na ni Tay Goryo yung sasakyan, naramdaman ko na lang may humawak sa kamay ko at humilig pa ito sa balikat ko.

"Aaren.."

"Hm?"

"Yung kamay ko." Mahinang bulong ko.

"Let me hold your hands." Sabi nito. Pasimpleng tumingin ako sa front mirror. Nakangiti sa amin si Tay Goryo.

Bakit naman kasi ganito si Aaren? Baka mahulog ako sa kaniya dahil sa ginagawa niya, saka kakakilala ko palang sa kaniya. Classmate ko pa.

Nakarating kami sa Ostrain Village, Phase 4. Itinuro ko sa kaniya yung apartment ko.

Lumabas na ako ng sasakyan, nagtaka naman ako bakit lumabas din si Aaren at lumapit sa akin.

"Bakit lumabas ka pa nang sasakyan?" Nagtatakang tanong ko.

"Nothing." Bulong nito.

Napatulala na lang ako ng nilapit niya yung mukha niya, naramdaman ko na lang na may malambot na lumapat sa pisngi ko.

"Aaren.."

"It's just good bye kiss, Rancey." Nakangiting sabi niya. Bago pumasok ulit sa sasakyan.

"Ingat ka."

Pumasok na ako sa loob ng apartment ko. Pagkasarado ko bigla akong sumigaw.

"Aaren! Anong ginawa mo sa akin?! Bakit iba ang epekto sa akin?!" Sigaw na tanong ko kahit wala naman siya dito.

Nababaliw na yata ako. Geez!

She Was Pretty ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon