"Kuya, dito po yata pumapasok ang may-ari ng ID na ito. Napulot ko po iyan doon sa may kanto."
"Salamat, iho. Dito nga pumapasok ang babaeng nasa larawan. Sa totoo lang, kani-kanina ay nandito siya at nagpupumilit pumasok pero dahil wala siyang ID ay hindi rin siya nakapasok. Umuwi na yata."
"Naku! Ito po ba ang totoong address niya? Dadalhin ko na lang po kaya doon para makapasok na siya."
"Alam mo ba kung saan 'yan?"
"Opo."
"Sige, iho. Salamat."
"Chantdelle Loreen Salas...mukhang panahon pa ni Magellan ang nasa larawan ah. Saan nga ba ang Calle Rosas?"
"Blk. 2, Blk. 3...ayun! ang Blk. 4."
"Manang, pwede pong magtanong?"
"Nagtatanong ka na, iho. Ano ba 'yon?"
"Kilala n'yo po ang nasa larawan?" Pinakita ng lalaki sa matandang babaeng nakasalubong niya ang ID na kanyang napulot.
"Si Loreen iyan e! Teka, bakit nasayo iyan? May nangyari ba sa kanya? Nasaan siya? Sumagot kang bata ka! Saan mo siya dinala?"
"Chill po, Manang. Wala pong masamang nangyari sa kanya. Napulot ko lang po itong ID niya at gusto ko lang pong isauli kasi hindi po siya makakapasok kapag walang ID."
"Ah gano'n ba? Nakikita mo ba ang bahay na iyon?"
Manang, ang dami pong bahay!
"Alin po, Manang?"
"Yung bahay na berde ang pintura ang bubong at yellow green ang gate...nakikita mo ba?"
"Ah iyon po. Doon po siya nakatira? Sige—
"Hindi iyon. Nakikita mo ba ang katabi niyon? Yung puro violet ang pintura?"
"Opo. Yun na po ba ang bahay?"
"Hindi pa. Iyong katabing bahay na medyo pink ang pintura, nakikita mo?"
Hays, Manang!
"Manang, hindi pa iyon?"
"Iyon na, iho. Tumawag ka lang at walang doorbell ang mga yun. Sige na at ako'y naaabala."
"Sige po. Pasensiya na po sa abala at salamat po."
Pagkarating ng lalaki sa gate ng bahay na itinuro ni Manang, tumawag siya ng tatlong beses. Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto, dali-dali niyang isinabit ang ID sa gate saka tumago sa isang sulok. Doon niya natanaw ang may-ari ng ID—isang babaeng akala niya ay si Maria Clara. Isang babeng nakapusod ang buhok, naka-bestida, at may inosenteng mukha.
BINABASA MO ANG
Faceless Romance
Short Story"Kapag nagkita ba tayo, walang magbabago? Isang estrangherong jejemon ang gumulo sa tahimik na Messenger inbox ni Chantdelle isang araw. Sa mahabang panahong ginugol niya sa pakikipag-chat dito, may naging puwang na ito sa kanyang puso. Sa pagkikita...