Chapter 60

956 12 0
                                    

Anne's Note: Hello readers! Sorry ngayon lang ulit ako nakapag UD ah. busy kasi eh. walang free time to UD. This is the last chapy I'll publish for this story. wait na lang for special Chapters/Bonuses ^____^

THAKYOU SO MUCH TO ALL OF READERS WHO APPRECIATED THIS STORY!!! Kahit na mukhang ewan lang. :))

enjoy reading this last chapter!

God bless. ^____^

-----------------

[Mark’s POV]

AMP naman oh! Engagement party pala ni Kevin at Anya tong party na toh!  Hindi ko alam! Akala ko kung anong party lang. pano na lang kaya si Chloe? AMP! Teka nga! Ano naman kay Chloe kung dumalo kami ng engagement party nila Kevin? wala nanaman siyang nararamdaman para kay Kevin diba? It’s been years na din naman ang nakakalipas. I did my best as a boyfriend to her. Hindi naman ako nagkulang para mahalin niya ko diba? Kasi si Chloe… mahal na mahal ko siya and I want her to be happy…

Umakyat na sa stage si Anya at Kevin.

“Tita, excuse me for I while.. I need to go to the comfort room…” biglang nagsalita si Chloe.

“Are you ok dear? Bakit namumutla ka?” tanong ni papa.

“Ok lang po ako.” Ngumiti si Chloe.

Nag bow siya sa parents ko at naglakad papuntang comfort room.

Alam ko yung ganong ngiti ni Chloe… halatang ayaw na niyang panuorin na yayain ni Kevin si Anya na magpakasal… ang sakit sa part ko… pero hindi ko siya puwedeng hayaan…

Hinabol ko si Chloe at hinila…

 “Ok ka lang ba?” tanong ko.

Alam ko naman na hindi na siya ok. Halatang-halata na… namumutla na din siya…

“Anya Toudou…” biglang nagsalita si Kevin sa stage. “Will you be my wife?”

Unti-unting nawalan na ng malay si Chloe… Sinalo ng braso ko si Chloe… napa-upo kami sa sahig.

“Chloe… Chloe… Chloe…” paulit-ulit kong tawag kay Chloe na walang malay.

“Anong nangyari?”

“Bigla na lang siyang nawalan ng malay…”

Napalingon ako sa nagtanong. Si Kevin pala yon. Halatang aalalang-alala siya kay Chloe. Biruin mo. Hindi na niya hinintay ang sagot ni Anya at tumakbo pababa ng stage para tanungin kung anong nangyari kay Chloe. AMP! Nakakapanselos wala!

Binuhat ko si Chloe.

“Ako nang bahala sa kanya…” Nagmadali akong tumakbo papuntang sasakyan at Dinala si Chloe sa malapit na ospital.

--------------------

*AFTER AN HOUR*

AMP! Sleeping beauty? Ang tagal matulog huh? Ganon ba siya ka-depress?

Pinapanuod ko si Chloe habang natutulog. Halata pa lang sa expression ng mukha niya na malungkot siya.

Unti-unti akong natigilan nang mapansin kong may luhang tumulo mula sa mga mata ni Chloe. Mga luhang alam ko kung para kanino…

Unti-unting bumukas ang mga mata ni Chloe.

“Chloe are you ok? Bakit ka ba biglang nawalan ng malay?” tanong ko.

Tumulo lang ang luha ni Chloe. “I’m sorry… did I ruin everything?”

Hinawakan ko yung ulo niya at tapik ng dahan-dahan at ngumiti.

My Summer Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon