Chapter 11

1.2K 16 0
                                    

Dedicated to Shana20 ^^

ENJOY READING. GOS BLESS. ^______^

----------------------------------------------------- 

[Xander’s POV]

Dumating na si Kevin sa shop nila Ken…

Bakit ganon ang itsura ng kapatid ko?... bakit mukhang malungkot ata siya?...

May gumugulo kaya sa isip neto?...

“Tara na…” sabi ni Kevin.

Himala… bakit parang wala ata siyang interest na makipag asaran kay Chloe?... nagaway kaya silang dalawa?...

Mga bata nga naman oh…

Umalis na kami ng shop ni Kevin… nag-lakad lang kami papunta sa resort…

“Hi… ang pogi mo naman… puwede ko bang malaman ang name mo?...” sabi nung isang babaeng lumapit kay Kevin.

As usual… parang walang tao sa paligid ni Kevin… wala siyang pinapansin na babae… well… may isa… si Chloe…

Naiisip ko tuloy na may gusto siya kay Chloe… mukha ngang interesado siya sa utol ni ken pero hindi ko alam kung bakit ganyan siya ngayon kay Chloe… ang cold niya… parang kagaya lang ng turing niya sa mga girls na to ngayon…

Hay nako… ang hirap talagang magkaroon ng kapatid na mas gwapo sayo… tsk!

Nakarating na kami ng resort… GRABE… ang dami nanamang babaeng pinasama ng loob netong si Kevin…

Dumiretsyo kami sa mansion sa likod ng resort… yung bahay namin…

“Sigurado ka bang wala si Papa sa loob?” tanong ni Kevin.

“Kaya nga tinawagan kita at hiningi ang tulong mo diba?... tara na sa loob… para namang hindi ka nakatira dito oh…” sabi ko.

Pumasok na kami sa loob… yung head butler ang sumalubong sa amin…

“Master Xander… nasa resort na po yung mga bisita galing Japan… welcome back po… Master Kevin…” bati nung butler sa amin.

“Long time no see… Head Butler Lee…” sabi ni Kevin.

“Sige Butler Lee… pakidala yung mga bisita sa pavillon…” sabi ko.

“Opo Master…” sabi ni Head Butler Lee tapos umalis na siya.

Dinala ko si Kevin sa kwarto niya… sa dati niyang kuwarto…

“Wala pa ring ipinag bago…” sabi ni Kevin.

Pumasok siya sa loob… pumunta siya sa divider na puno ng laruang robot…

“Bakit hindi pa ipinatapon ni papa ang mga gamit ko?...” sabi niya.

STUPID KEVIN JUNG… hanggang ngayon galit parin siya kay Papa… Sabagay… si papa din naman… galit parin siya kay Kevin…

“Gusto ngang ipa-tapon ni papa noon pa yang mga gamit mo… kaso Ayoko… ayan… hindi namin ginalaw…” sabi ko.

Hindi na siya nagsalita… Patuloy parin siya sa pagtingin sa kuwarto niya…

Iniwan ko muna siya… nag punta ako ng kuwarto ko para mag-bihis…

My Summer Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon