010

1.8K 74 18
                                    

Tahimik at mabilis kaming bumalik sa sasakyan nang mamataan ang iilang zombie na narito. Drake's uncle suggested a place where we could stay. Tumanggi si Drake ngunit pinigilan ko siya.

"Shut up or we could get killed," ani ko.

We drove towards the said destination dahil wala naman siyang magawa ngunit agad napamura noong tumigil ang sasakyan. Wala atang gasolina o mahina na ang makina. At kung sinuswerte naman, may mga zombie pa rin na malapit sa amin. Ilan ba kasi ang mga taong nakatira dito sa lugar namin?

The sun is already up kaya kitang-kita na kami. There's no doubt na aatakihin kami ng mga zombie kapag lalabas kami dito.

"Paano na 'to?" I whispered kahit hindi naman kami maririnig ng mga zombie. Some of them halted nang makita ang aming sasakyan but they continued to walk sluggishly around. Mga twenty or more ata ang dami nila. What a great timing.

"Labas tayo then takbo?" Suhestiyon ng uncle niya at nagmamadaling lumabas. The hell? Baliw talaga siya.

He didn't look back even though zombies were already chasing him. Unti-unti naman siya tumigil na para bang may napagtanto. He made a turn para makabalik dito at agad rin siyang pumasok sa sasakyan. Sumunod naman ang mga zombie sa kanya. One even tried to pull him pero hindi siya nagpahila at napunit ng bahagya ang shirt niya.

"N-Nakalimutan ko si Patrice!" pagdadahilan niya at kinuha ang nakakadiring ulo ni Patrice. Her mouth opened slightly and I saw some flies in there.

"You lured the zombies in here! Paano na tayo makakatakas?" Inis na tanong ni Drake at sinabunutan ang sariling buhok. "Do you want us to get killed?! Ayoko pang mamatay, hindi pa ba sapat 'yong ginawa mo kay mom para damayin mo kami?!"

I sighed frustratedly and grabbed the crowbar and pocket knife na nakita ko kanina. I handed the knife to Drake at nagtataka niya akong tinignan.

I looked around at meron ng mga zombie na sinubukang buksan ang pinto ng sasakyan. The window that broke on my side of the car was still wide open kaya maraming zombie ang lumapit dito at umambang i-infect ako ngunit binaril naman sila ng uncle ni Drake sa likod.

"There's no way out. Kailangan nating lumabas kung ayaw nating magiging katulad nila. Our only exit is blocked by them so kailangan natin silang itulak," I said while banging the head of another zombie near my window. I glanced at Drake's uncle who renewed the bullets of his gun.

"Paano kung hindi tayo magtagumpay?" kabang tanong ng uncle ni Drake. So now you're scared? Kanina nga kung makalabas ka dito akala mo kung sinong matapang. Suprisingly, Drake nodded and agreed to what his uncle said.

"Paano naman kung magtagumpay tayo? If you're gonna stay here, mamatay ka naman din. At nagawa mo naman kaninang lumabas, why can't you do it again now?" Pabalik kong tanong at ngumisi sa kanila kahit kabang-kaba na talaga ako. My chest is raising ten times its speed at nahihilo na ako ng konti.

"I don't think I'm up for that risk," si Drake.

"The biggest risk, Drake, is not taking any risk. So... tara?" I said while slowly opening the car's door and tightly gripping the crowbar in hand. A wave of zombies greeted me and covered my view of the once peaceful city I lived.

Soulless CorpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon