3

47 0 0
                                    

Sa sasakyan ni Ken ako sumakay kasama si Chassy na nasa shot gun seat ako naman sa likod. Habang nasa biyahe kami ay tumawag sa akin si Mark, kinumusta naman niya ako at sinabing busy lang daw ito sa seminar kaya kahit text ay hindi nito magawa. At dahil understanding akong girflfriend ay inintindi ko na lang siya. Nabangggit ko din sa kanya na pupunta kami ng bar at sinabihan niya akong isang bote lang ang inumin ko.

Nang nakarating kami sa Booze Bar ay madami ng tao. Siksikan na sa loob pagpasok pa lang. Nakakuha naman kami agad ng pwesto dahil kay Ken, nakita kasi nito ang kaibigan niyang DJ. Umupo na kaming lahat nasa tabi ako ni Chassy na nasa gitna namin ni Ken, sa harapan naman namin sina Ren at Shane. At nag order na ang mga boys ng drinks namin at mabilis lang itong dumating.

"Bro!" Tawag ng isang lalaki. Tumayo naman si Ren para makipag fist bump dito.

"Oy Ray nandito na pala kayo." Sabi ni Ren

Bago pa kami pumunta ng Booze Bar ay sinabi na sa amin na may makakasama pa kaming mga nakatrabaho ni Ren sa dating company na pinagtrabauhan niya dito sa BGC. Umupo naman silang tatlo malapit sa couch kung saan nakaupo kami ni Chassy.

"Nga pala, si Ken boyfriend ni Chassy and si Lyah." Pakilala sa amin ni Ren. "Si Carlo nga pala at girlfriend niya si Mariz tsaka si Ray." Pakilala nito sa mga kasama niya. "By the way baka pamilyar na sila sa inyo dahil same university lang naman tayo." Dagdag pa ni Ren.

"Ay oo naman. Lyah they are familiar right?" Tanong ni Shane na may nakakalokong ngiti. Naptingin naman sa akin si Ray. Malapit lang ang pwesto niya sakin dahil magkadikit ang couch namin.

"Uhh—"shit bakit ako na stutter. "Hm. Yes. Maybe?" Sagot ko na hindi ito binalingan ng tingin.

Yes familiar sila dahil block-mate sila ni Kevin yung cousin ni Shane.

"You look familiar nga Lyah!" Sabi naman ni Carlo sabay lagay pa ng kamay niya sa ilalim ng baba. "Ikaw yung Ms. CEA nung 2012. Diba Ray! Tanda mo?" Tanong pa nito kay Ray.

"Siya nga Bro!" Sagot naman ni Ray at binalingan ako ng tingin.

Naramdaman ko naman na parang nag init ang mukha ko. Feeling ko tuloy ang pula na ng mukha mo. Di ako sanay ng na hot seat ah.

"Uy kilala kana pala ng cr—-" Di na natuloy ni Chassy ang sasabihin niya ng sinubuan ko siya ng nachos.

"Pero hindi ka grumaduate ng CEA diba?" Nagulat naman ako sa tanong ni Ray.

Ren is an Architect, si Ray at Carlo naman ay Civil Engineer nagkasama sila sa isang project kaya naman naging close daw sila.

"Yeah! Nag shift ako ng entreprenuer." Tipid kong sagot at ininom ang isang shot ng vodka.

Shit bakit ganito yung nararamdaman ko. Parang ewan.

"So where do you work here?" Tanong naman ni Mariz

"I have a cafe here at BGC you can visit if may time kayo." I answer at nginitian si Mariz

"Really? Omg! Ussually kasi sa cafe kami nagdedate ni Carlo, diba hon." Malambing na sabi ni Mariz. Tumango naman si Carlo at nginitian nito ang gf niya.

"Saan ba ang location ng cafe mo?" Tanong ni Ray

Malokong tinignan naman ako ni Chassy at Shane. Inirapan mo naman silang pareho.

"Sa 8th ave. Ray! Lyah's Cafe ang name." Si Shane na ang sumagot.

"So see you then." Sabay ngisi ni Ray

Love is so unfairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon