Chapter 14: Ria

2 2 0
                                    

Chris' POV

Dumaan ng ilang linggo pero di parin kami tapos ni Ria sa script na ginagawa namin para sa project.

"Sigurado ka bang ok na'to? Di naman siguro kulang ito?". Tanong ko sakanya habang sya ay busy sa pagchecheck ng script kung tama ba yung mga nasulat namin.

"Oo, sigurado ako. Tsaka di'ba sabi mo sakanila na tumulong narin kahit tapos na yung pag-bigay nila ng idea. And since na tapos na sila, mayroon silang gagawin na konting props. Dahil di narin natin makakaya yon. Di naman sa di natin kaya, ipapagawa muna natin sakanila yung ibang props para wala na tayong masyadong gagawin kundi practisin lang ang script". Mahabang pagpapaliwanag nya.

Tinanguan ko na lang sya at nakuntento naman sya sagot ko at bumalik ulit sa pagchecheck ng script namin.

Nandito nga pala kami sa canteen ng school namin at himala, walang masyadong tao nung mga nakaraang linggo at ngayon.

Kinuha ko yung bag ko at kumuha ng isang tsitserya sa bag ko. Binuksan ko ung tsitserya tsaka kumain. Napatigil naman si Ria sa pagtingin ng script at sumimangot sa harap ko.

"Gusto mo?" Tanong ko pero di sya umimik.

"Bili ka". Natatawa kong sabi saka nya ko hinampas ng ballpen nya sa ulo.

Tumawa lang ako ng tumawa hanggang sa di nya na'ko hinahampas ng ballpen.

"HAHAHAHAHA JOKE NGA LANG EH HAHAHAHAH ETO NA NGA, KAWAWA KA NAMAN". Sabay abot ng isa pang tsitserya sakanya. Buti na lang may dala pa akong isa:)

kinuha naman nya yon at nagthank-you sya sakin.

"Hahaha welcome^_^"

Ngumiti sya sakin at nginitian ko sya pabalik at tsaka bumalik sya sa pag-tingin ng script.

Lumipas ng isang oras at di parin sya tapos sa pagchecheck ng mga script namin.

"Uy, maya na yan. Pahinga ka muna oh. Kanina ka pa check ng check ng script, baka mamaya maging script ka na rin HAHAHAHAHA!" Natatawa kong sabi. Di naman sya tumawa pero nginitian nya lang ako at nagpahinga na sya.

"Hays, sige na nga maya na lang natin ito ituloy. Kain muna tayo, nagugutom na'ko eh". Sabi nya sabay tayo at naginat-inat ng katawan.

"Tignan mo oh, sa sobrang tagal mong magcheck ng script, nangalay ka na". Sabi ko sakanya habang inaayos gamit namin.

"Oo na Oo na. Ikaw naman magcheck ng script mamaya ah, matutulog muna ako after nating kumain". Sabi nya ng nakangiti pa.

"Oo promise,ako na yung magchecheck ng script natin:)". Nakangiti kong sabi sakanya.

"O nga pala, sila Phines at Gaile ba nasaan? Di'ko sila nakita ngayon ah. Nakita mo na ba sila?"

"Di pa nga eh. Simula kaninang umaga eh tayo na yung magkasama". Sagot ko sakanya. Uy teka..waowaowao, rhyming.

"HAHAHAAHAHA rhyme pa ah". Natatawa nyang sabi.

"HAHAHAHAHHAA I know"

Bumili na kami ng pagkain at waw, ang rami nyang binili. As in marami.

"Mauubos mo ba yang lahat?" Nagaalintangang kong tanong.

"Oo HAHAHAHAHA ganto talaga ako kumain pero di ako nataba"

"Sabi ko nga eh". Sabi ko at sabay kaming natawa.

Ria's POV

Hays, kaya gustong-gusto ko'tong kasama si Chris eh. Di'ka maboboring pagkasama sya:)

nakain kaming dalawa ni Chris sa canteen habang nagkwekwentuhan. Mamaya ay biglang may humarang sa tapat ng table namin at napatigil kami sa pagtatawanan ni Chris.

"Hey guys!". Mataray na sabi ni Sandara samin.

"Ano kailangan mo Sandara?". Naiinis na tanong ni Chris sakanya.

"Wala naman, tsaka masama bang bumati sa mga friends ko?" Painosente nyang tanong.

"Close tayo?" Tanong ko sakanya habang nakangiti ng peke.

"Oo naman, tsaka di ba close kayo ni Gaile? Edi pagclose na kayo ni Gaile it means na close na rin tayo". Nakangisi nyang sabi.

"Di wow". Rinig kong bulong ni Chris sakanya at mukha namang di ito narinig ni Sandara.

"HAHAHAHA SIGE MAYA NA LANG GUYS! BYE!" Medyo may pagkaasar na tono na sabi nya.

Hindi na lang namin pinansin yung sinabi ni Sandara samin at nagpatuloy lang sa pagkain namin.

Maya-maya ay natapos na kami sa pagkain at medyo gumaan-gaan na pakiramdam ko.

"Oh, promise mo diba na ikaw na magtutuloy? Gawin mo na!". Sabi ko sakanya ng may pagkaantok na tono.

"Tsk, ito na nga". Medyo naiinis nyang sabi.

"Kala ko nagbago isip mo"

"Aba loko ka ba? Magsasabi ka ng mga ganyan-ganyan tas di mo gagawin? Ano lokohan na naman ba'to?". Pagalit na sabi ko kay Chris.

Nanggagalaiti talaga ako sayo! Pucha ka./.

Biglang nagvibrate ang cp ko kaya chineck ko naman kung ano yon. Nakita kong nagmessage sakin si Gaile at sinabi nyang pupunta raw sila dito ni Phines ngayon.

"Uy Chris, pupunta daw ngayon sila Gaile dito". Paalala ko kay Chris habang nagchecheck sya nga script.

Tumango lang sya at pinagpatuloy ang pagchecheck sa script namin. Di'ko naman na sya pinansin after nun.

Project: "Love Disaster"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon