Chapter 15: Materials

0 1 0
                                    

Pasukan na ni ate nyoooo!! Bukas na ang start ng klase ko kaya goodluck sakin and HUHUHU di ko kaklase yung mga dati kong classmates:(

Anyways, short chap. Ahead:)

Nandito sila ngayon sa isang convinience store para magkita-kita. Hindi ito isang gala or paparty, nagkita-kita sila para sa project nila.

Nauna namang dumating si Phines sa convinience store at nagtaka naman sya kung bakit wala pa yung iba. Tinignan naman nya yung oras at napansin nyang masyado syang napaaga sa pagkikita nilang apat.

Pero di narin naman siguro masama ang sobrang aga diba?

Tinignan nya uli ang cellphone nya icheck kung ano oras na at nakita naman nyang mago-one palang. Dahil ang usapan rin nila ay mga 1 sila magkikita-kita sa convinience store malapit kila Phines.

May 20 minutes pa namang extra si Phines at dahil sa sobrang boring na sya sa convinience store ay tumayo sa kinauupuan nya at kumuha ng makakain.

Nang makakuha na sya ng kakainin nya ay nilapag na nya ito sa counter at kumuha ng pambayad sa mga bibilhin nya. Tinignan naman sya ng pagkaweirdo na tingin ang nasa harap ng counter.

Nailang naman si Phines at patuloy parin ang pagtingin sakanya ng nasa harap ng counter at sa sobrang pagkailang nya ay pagkalagay na pagkalagay agad ng nasa counter ay kinuha nya agad yun at umalis na sa harap ng counter.

Ok..that's weird Sabi ni Phines sa isip nya.

Di namalayan ni Phines na nandito na pala si Ria kasama si Gaile.

Hinanap naman ng dalawa kung may dumating nabang iba bukod sakanila at Nakita naman nilang nandoon na si Phines kaya dumirediretso na sila sa loob ng convinience.

Nang makarating na sila kung nasaan si Phines ay nahalata nilang di sila napansin ng kaibigan kaya may biglang naisip si Gaile.

Pumunta naman sya sa likod ni Phines at naghanda na para sa panggugulat nya. Lumapit naman sya sa tenga nito at biglang sumigaw ng malakas.

"WTF! Wag ka ngang manggulat ng ganon Gaile!! Grabe..ansakit ng puso ko, feeling ko aatakihin ako sa ginawa mo eh..". Sabi ni Phines habang pinapakalma ang puso nya sa sobrang bilis ng pagtibok.

Sa kabila naman, tawa ng tawa si Ria at Gaile sa mga pinaggagagawa nila. Habang nagtatawanan ang dalawa ay di napansin naman ni Phines na kakarating palang ni Chris dahil rin sa itsura nya.

Yung buhok ni Chris ay magulo na para bang kakagising lang nito at pawis na pawis pa ang itsura kahit nakasumbrero na ito.

Natawa naman ng mahina si Phines at binati ang kaibigan.

"Tayo na nga, tutal kumpleto na tayo, pumunta na tayo sa bahay ni Phines para magawa na natin yung mga props na gagamitin natin para dun sa performance natin and para matapos narin ito dahil pagod na'ko". Paliwanag naman ni Chris sakanila.

Pinigilan naman sila ni Gaile at sinabi nyang may bibilhin lang sya dito tutal nandito narin naman sila di na silang nagdalawang isip na bumili narin. Dahil kanina pa nakabili si Phines ay hinintay na lang nya ang mga kaibigan nya sa table.

Inabot sila ng mga 30 mins. bago makapunta sa bahay ni Phines. Kumain pa kasi sila doon sa convinience store at para iwas bitbitin narin sa mga dadalhin nila mamaya.

Nakarating naman sila sa bahay ni Phines ng busog na busog. As in yung busog talaga na full na full na ganon. Sinulit na kasi ng magkakaibigan ang pagbili at pagkain doon para pagpunta sa bahay ay gagawa na lang sila.

Project: "Love Disaster"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon