Di mo lang alam kung gaano kita minahal at minamahal hanggang ngayon.
Di mo lang alam na kahit sya na ang pinili mo ikaw parin ang mahal ko.Di mo lang alam kung gaano ako nagsisi kasi di naging tayo kasi masakit pero tanggap ko na masaya kayo kaya di nako nanggulo.
Di mo lang alam kung gaano ko gustong maging tayo kasi ikaw ang minahal ko ng higit sa isang kaibigan kasi ayoko ko lang naman yung nakikita kitang nasasaktan.Di mo lang alam kung gaano ako nagparaya pra sa ikasasaya mo kasi kaibigan mo lang naman ako at hanggang doon lang naman ang nakikita mo.
Pero di mo lang alam kung gaano ako kahandang saluhin ka kung masasaktan ka lang uli kasi di mo lang alam kung gaano kita kamahal at di kita susukuan kasi di mo lang alam mahal na kita kaibigan.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry(Tagalog)
PoetryRandom S.Poetry mapa-iniwan Broken Mema lng o Inspirational