Prologue

2.8K 185 8
                                    

PROLOGUE

Warning: SPG/R18+
Read at your own risk.


Naglalakad ako sa pasilyo habang nagbibigay ng liwanag ang pulang ilaw sa 'king daraanan. Nababalot din sa pulang pintura ang pader.

Kumunot ang noo ko. Where am I? I've never been here.

Mabigat ang aking paghinga habang tinatahak ang mahabang pasilyo. Natanaw ko sa dulo ang isang pinto na kulay pula.

Palapit ako nang palapit ay kumakabog ang dibdib ko. Sobrang lakas, tila gustong kumawala.

Nang marating ko ang tapat ng pinto, pipihitin ko na sana ang busol nang biglang nag-iba ang aking paligid.

Ang kulay pulang pader ay nawala, napagtanto kong nabalutan ako ng kadiliman at mag-isang nakatayo sa kawalan.

Ilang sandali pa ay may naririnig akong tambol, palakas nang palakas habang unti-unting nagbabago ang paligid ko.

Nanlaki ang aking mga mata nang biglang nasa loob ako ng isang kwarto. Kulay itim ang bedsheets ng kama, sa ibabaw naman nito ay nakasabit ang itim na pendulum at ang pader ay nabalot din sa pulang pintura.

"Bonum vesperam, amica mea."/"Good evening, my love."/

Dahan-dahan akong lumingon kung saan nanggaling ang boses na 'yon. Napatakip ako ng bibig nang makita ang lalaking may maitim na sungay at buntot, may itim din siyang pakpak. Kusang umatras ang mga paa ko habang nanginginig ang aking baba at mga kamay.

I know him! A demon. Nakahubo't hubad siyang nakatayo sa harapan ko.

Marahan kong inangat ang aking kamay at tinuro siya. "Are you one of those apostles of God, a-aren't you? A traitor? An angel that had been cast away?" Bumibigat ang aking paghinga.

Unti-unting nawala ang kanyang sungay at buntot, naging tao ang kaniyang itsura.

He got an alluring features of his face, well-toned muscles, matangkad din siya at maganda ang tikas ng pangangatawan, nakakapangakit... tila isa siyang prinsipe na walang korona.

Isang prinsipe na kailanman ay hindi makakaupo sa trono.

"Naniniwala ka ba sa Angelus apud Infernum?" he asked while staring at me.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Bago pa ako makapagsalita ay sa isang iglap lang nakatali na ang mga paa't kamay ko sa kama. Nanlaki ang mga mata ko at pilit na kumawala.

"Tulong! Tulongan niyo ako!"

But my voice was too low; parang nakabaon ang boses ko sa ilalim ng lupa.

No one will hear me.

Nagsimulang mag-unahan ang mga luha ko sa pisngi. Nanlalabo ang mga mata ko na tumingin sa kaniya.

"Pakiusap..." halos pabulong kong sabi.

Umupo siya sa gilid ng kama nang makalapit sa akin. Inabot niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha. "Shh. Huwag ka mag-alala, hindi kita sasaktan," aniya, namamaos ang malalim niyang boses.

Halos mapigil ko ang paghinga nang pumaibabaw siya sa 'kin. Hindi ako gumalaw sa pwesto at tanging naririnig ko lang ay ang mabigat kong paghinga.

I could feel something that's raging inside me; it seems like I couldn't defend myself from him.

Tumitig siya sa 'kin, napatitig din ako sa kaniya. Marahan niyang tinusok ang aking dibdib, kumakabog pa rin ang puso ko, pero pakiramdam ko ay unti-unti itong kumakalma.

CAMBION (R-18 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon