Chapter 3: The Forbidden Prophecy

1.7K 168 6
                                    

Chapter 3: The Forbidden Prophecy

Warning: SPG/R18+
Read at your own risk.


Pumara ako ng taxi nang makalabas sa building. Ilang sandali pa ay huminto ito sa harapan ko. Lumingon ako sa kanya para magpaalam. "Mag-ingat ka, Sette," panimula ko.

"Pasensya ka na, bebs. Kung hindi ako makasama sayo sa death anniversary ng papa mo," tugon niya bago bumuntong hininga.

Ngumiti ako sa kanya. "Ayos lang, Sette. Namimiss ka ni mama panigurado 'yon."

"Sira. Sabihin mo kay tita, pasalubong kahit dal'wang suman lang eh."

Napailing ako bago tumalikod sa kanya at binuksan ang back seat. She's been in love with the taste of the suman. Isa 'yon sa paborito niyang niluluto ni mama. Pumasok ako sa backseat at tuluyan na sinarado ang pinto. Tumingin ako sa labas ng bintana at kumaway sa kanya.

"Airport lang po. Station 1."

"Yes po, madam."

Sumulyap ako sa relong pambisig, alas sais pa lang ng umaga, 7 a.m. ang flight ko. Makakarating ako sa Martinique Airport ng 8:30 am.

Muli akong bumaling sa bintana. Hindi matraffic ngayon, hindi pa kasi rush hour. Kung ganito ako kaaga papasok sa office at sa restaurant para makaiwas sa traffic, ay panigurado na babawi naman ang katawan ko sa pagtulog. Baka sa susunod ay makatulog na ako ng habang buhay dahil sa sobrang pagod.

Ilang sandali pa ay nakarating kami sa airport. Medyo malayo kasi ang airport kahit walang traffic. Inabot ko ang bayad sa driver bago bumaba. Inayos ko ang malaking bag pack, papasok na sana ako sa airport nang mahagip ng mga mata ko ang uwak na nakaupo sa isang puno malapit sa parking area.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa pwesto ng uwak habang kumakabog ang dibdib ko. Siguro wala ng sumusunod sa 'kin pag lumapag na ang eroplano sa Martinique Airport. Hindi ko na alam ang gagawin ko lapag may makita man akong uwak o ano man sa ibang lugar.

Huminga ako ng malalim at winaksi iyon sa isipan. I was supposed to be here 4 hours earlier before the flight. Pumasok na lang ako at agad na nagtungo sa departure area.

***

"Amica mea."

Lumingon ako nang marinig ang kalmado niyang boses. Naningkit ang mga mata ko sa liwanag na bumabalot sa kanya. Gamit ang kanang kamay, bahagya kong hinarang ang liwanag na tumatama sa 'king mukha, para makita siya nang maayos ngunit nabigo ako. Tanging pigura niya lang ang nakikita ko at malaking pakpak sa kanyang likod.

Napatingin ako sa kulay itim na malapit sa kanyang gilid, unti-unti itong bumabalot sa liwanag. Mabilis akong tumakbo patungo sa kanya. Naaaninag ko kung saan siya nakatayo. Malapit lang siya sa 'kin ngunit habang tumatakbo ako ay lumalayo naman siya. Unti-unti siyang nilalamon ng kadiliman hanggang tuluyan na nawala sa harapan ko.

"Hindi!"

***

"Ma'am!"

Napabalingkawas ako sa upuan. Wala sa huwisyong napatingin ako sa flight attendant na nakahawak sa 'king balikat. Mabigat ang paghinga ko at pinagpapawisan din ang aking noo kahit malamig naman sa eroplano.

"Nananaginip po kayo, ma'am. Andito na ho tayo sa Airport," malumanay niyang sabi. "Kindly unlock your seatbelt, madame."

Napahilamos ako ng mukha bago tinanggal 'yon. Wala sa huwisyong tumayo ako at kinuha ang maliit na bag pack sa baggage bago nagtungo sa pinto.

CAMBION (R-18 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon