Chapter 1- Welcome

33 0 0
                                    

Vanz's POV

"My God Vanz! Hindi ko yata kayang mabuhay nang wala siya sa buhay ko. Alam mo yung it hurts talaga!! wahhh!!! huhu"

I just rolled my eyes. Bakit ko nga ba naging bestfriend ang isang 'to? Buong buhay niya, ginugugol niya lang sa mga lalaki and in the end, sasaktan lang din siya. (~_~メ)

"Vanz! Tulungan mo naman ako! Hindi ka ba nag-aalala sa maganda mong bestfriend? Huh?" at nag puppy eyes pa sakin. As if tatalab pa sakin yan.

"Pwede ba Theya. Tantanan mo ako sa tulong-tulong mo ha? Ilang beses ko na ba sinabi sa'yo to? Tigil-tigilan mo na ang paghahabol sa mga lalaki. Hindi ka naman nakikinig. Ikaw lang kaya ang makakatulong sa sarili mo." inis na pahayag ko sa kanya.

"Samantha Vanea Andromenda naman ehhh!!"

I glared at her. Yumuko naman siya. Don't you dare call me by my full name because you'll regret it.

"Ano bang magagawa ko? Eh may pagkatanga ka minsan... Wait, let me rephrase the statement, tanga ka talaga kahit kailan." panlalait ko sa kanya in monotone.

"Vanz naman! Ang mean mo! Makapanglait ka naman parang hindi tayo magkaibigan." nag-pout pa siya lalo at mukhang papaiyak na.

I sighed.

"And once again, eto lang naman ang masasabi ko at sana pumasok na sa kokote mo at ma-absorb na ng nuerons mo." nag-pout siya pero tinuloy ko lang ang sinasabi ko. "Thaeya Francine Lopez, Once again, I'm telling you to give yourself a break. Huwag ka munang papasok sa basta-bastang relasyon ok?"

Natahimik naman siya. Kung humindi pa siya sa advice ko, masasapok ko na ang isang 'to. Ilang beses ko na rin kasi nasabi 'to sa kanya at parang wala lang ito sa kanya. Go pa rin ng go.

"Vanz!!! Theya!!!" lumingon naman kami sa kung sino man ang sumigaw.

Nakita ko pa ang isa pa naming bestfriend na tumatakbo papalapit sa'min at.... umiiyak.

"Ymel!! Bakit ka umiiyak? May problema ka ba?" tanong ni Theya

(-.-) pinapairal na naman niya ang katangahan niya. Malamang may problema yan kaya umiiyak. Alangan namang tears of joy pa yan sa itsura ng mukha niya.

"Eh kasi.... k-kasi.." pinutol ko ang sinabi niya."Let me guess, iniwan ka rin ng boyfriend mo."

Pagkasabi ko nun bigla siyang humagulhol na parang baka. Ayy anubeyen!

"Kasi naman! *huk* Hindi man lang *huk* nagpaliwanag sa'kin yung lalaking yun kung *huk* bakit siya nakikipag-break ehhh... *huk*" humihingos na paliwanag niya sa'min.

"Ymel! I know what you're feeling today *sniff* kasi... iniwan na rin ako ng boyfriend ko! Wahhh!!!" hagulhol ni Theya at nagyakapan na sila.

Napa-face palm na lang ako. Bakit sabay pa talaga ang dalawang 'to mawalan ng lovelife? Nakakaloka lang.

I thought girls are the only complicated ones. Ganun na rin pala ang mga boys ngayon. Boys are the true heartbreakers.

Napatigil na lang ako sa pagmumuni-muni ko nang tumigil sila kakahagulhol. Tinignan ko sila at nakatitig sila sa'kin with their teary, puppy eyes. Umiwas ako ng tingin. My friends are one of my weaknesses at kahit hindi halata, I don't want to see them crying. Especially when the reason are boys.

"What now?" tanong ko sa kanila.

"Dahil broken hearted kami....

Libre mo kami!!" sabay na sabi nila.

-_-|| Nag-umpisa na akong maglakad at sumunod naman sila. Palagi naman silang ganyan. Ang hilig magpalibre pero mayayaman naman.

Pumunta kami sa isang branch ng McDo na medyo malapit kung nasan kami. Nagc-crave kasi ako sa fries. Sana wala masyadong maraming tao.

Papalapit na kami at natatanaw ko na walang tao. Yes!! Solong-solo namin ang McDo. Hinila ko na sila para mabilis kaming makapasok. Pagpasok namin....

"Good morning ma'am! Kayo po ang lucky 1st, 2nd and 3rd costumer namin. Kaya dahil dyan, libre ho namin kayo!!" sigaw ng isang crew pagpasok namin.

Nagkatinginan kaming tatlo at nagtatalon-talon kami dun. Yes!! Libreng pagkain namin! Dali-dali kaming pumunta sa counter at tumingin sa menu. Wait, something's wrong with the menu.

"Oh My God." ang tanging nasambit naming tatlo.

________________________________________________________________________

a/n: Wew, sabaw ng update ko. Sensya na 1st tym ko kasi. Pagbigyan niyo na!! hahaha

See you sa next update: )

McBoyfriend (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon