Chapter 2 - What the Hell?

24 0 0
                                    

Vanz's POV

Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko. Nakatunganga lang kaming tatlo sa menu at kung menu pa talaga ang matatawag ko dito.

"Vanz, anong ibig sabihin ne'to?" bulong ni Theya pero nakatingin pa rin dun sa menu board.

Dun lang ako nakarecover at nagtanong ako sa babaeng nasa counter. "Excuse me pero bakit parang iba yata ang nasa menu board? Dapat mga pagkain ang nandyan diba?"

"Hindi po ma'am. Palagi pong ganyan ang menu board namin. McBoyfriend po eto. May pagkain naman ho kami pero kelangan niyo po muna ng boyfriend." sabi ng sales lady na nakangiti.

Kaming tatlo naman, naguguluhan. Kasi naman, hindi pagkain ang nasa menu board.....kundi mga boys! Hindi lang basta-basta boys.... sizzling hot, good-looking boys. Kelan pa sila nags-serve ng boys?

"Ehh... p-pero sa labas.... M-McDo naman ang nakalagay." sabi ni Ymel.

Sasagot pa sana ang sales lady nang biglang may nagsalita.

"Don't worry. I'll take care of the costumers."

Isang lalaki ang tumabi sa babae. He's damn hot in his polo and tie. Napatingin ako sa mga kaibigan ko...... (*O*) (*O*) .

( -_-||) Sinasabi ko na nga ba.

Dinala kami ng lalaki sa isang seat dun sa fastfood chain errr.... fastwhatever chain. It was kind of awkward dahil nakatingin lang siya sa'min at nakangiti.

No wonder hindi nagsasalita tong mga katabi ko.

"Won't you mind explaining what the hell is happening here?" ako na ang unang nagsalita since I'm already in my senses.

"This is McBoyfriend. Actually, there was a branch of McDo here before but lumipat na sila ng ibang place. McBoyfriend doesn't just sell foods but we also let you rent your boyfriends. It can be 1 day, 1 week, 3 months, 6 months or 1 year." explain ng hot guy.

(OoO) What the??? Kelan pa nagkaroon ng ganitong kumpanya. Kung makasabi siya ng rent akala mo nagpapaupa lang ng apartment.

"Is this even legal?" di-makapaniwalang tanong ko sa kanya. Malay mo baka illegal pala 'to.

"Of course! Mukha ba akong manloloko?" sabi niya may kasama pang ngiti.

Well, sabi nga nila don't judge the book by it's cover kaya kahit gwapo siya malay ko ba kung may tinatago din siyang baho kaya napataas ang kilay ko sa sagot niya pero napaigtad ako dahil pinagsisiko ako ng mga kasama ko. Buset! Ang hihilig kasi sa gwapo. Nakakalimutan nilang kaibigan nila ako at ginagawang punching bag. (-.+)

"So are you ready to make a deal with us?" tanong ni guy.

"No/Yes!"

Tinignan ko sila ng pagkatalim-talim. Ako lang kasi ang nag-no sa amin tapos sila yes agad. Parang kanina lang sagad sa luha at uhog kung humagulhol ang dalawang ito kanina.

"Vanz, sige na. Diba nga broken hearted kami?" pagdadahilan ni Theya

"So ano ngayon?" mataray na tanong ko sa kanila.

"Baka ito na ang sagot para makamove-on kami!! Wahhh!!" excited na saad ni Ymel.

*pak* *pak*

"Hindi sagot ang pagiging isang broken hearted sa lovelife ang pagkakaroon ng bagong lovelife." if you can call renting a boyfriend "love life". Pinagsasabi ng mga 'to. Nabatukan ko tuloy.

"Vanz naman. Payag ka na tsaka... huwag mo naman kaming ipahiya kay Mr. Pogi." pagmamakaawa ni Theya pero may halong pagpapa cute kay Mr. POGI daw.

Umiling lang ako at tumayo para lumabas. Bahala sila sa buhay nila. Bastos na kung bastos pero I don't like the entire idea. Lumabas na ako at tatawid na sana kaso.... may nakita akong hindi kaaya-aya. Pakiramdam ko bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko. Dali-dali akong pumasok sa loob. Tinulak ko ulit papasok ang dalawa na papalabas na sana.

"Vanz? May problema ba?" takang tanong ni Theya.

"Bakit namumutla ka?" may bahid ng pag-aalala sa tono ni Ymel.

Umiling lang ako. Wala silang dapat malaman. Ayoko silang mag-alala pa.

"May problema po ba mga ma'am?"

Napabaling ako sa lalaking kausap namin kanina. Napabuntung-hininga ako at tumango sa kanya. Ngumiti naman siya. Mukhang na gets naman niya ang gusto kong iparating.

"Good morning ladies, Welcome to McBoyfriend. What's your order?"

Bahala na.

________________________________________________________________________

a/n: Wahh!! Ang panget ng update ko at maikli pa. Nap-pressure ako sa school. Hirap naman ohh!! Anyway, see you sa next update.

Credits sa Mcdo XD

Comment, Share, Vote and Be A Fan.

McBoyfriend (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon