Chapter 2.

24 1 0
                                    

Pagkagising ko sa umaga ng madaling araw, dali-dali akong tumayo, nagsuot ng sports bra, shorts at jacket bago lumabas ng bahay para tumakbo. Ginagawa ko ito every M-W-F just to have a clear mind na syang nagiging headstart ko sa buong araw.

Sa park ako tumatakbo tuwing madaling araw bago pumasok sa school o sa cafè, may mga tao ring kasing aga ko magpunta rito. Tahimik pa kapag ganitong oras kaya masarap magtatakbo.

Pagdating ko sa park, nagstretching muna ako bago simula ang pagtakbo. Hindi naman sa gusto ko ng magandang body figure or I am having a healthy life style, ginagawa ko lamang ito dahil isa ito sa mga nagpapaliwanag ng isip ko kahit papaano. At weird mang isipin, nakakapag-isip ako ng maayos kapag tumatakbo.

Habang tumatakbo, iniisip ko ang magiging bagong taon sa paaralan, marami akong iniisip dahil kapag nakita ko nanaman ang mga tao doon puro pagpapakitang tao nanaman ang ipapakita nila kapag nandyan ang kapatid ko. Buti na lamang ay mayroon akong dalawang kaibigan na handang pagaanin ang loob ko habang nasa school kami.

Ako ang isa sa mga pinaka-freak at weirdong tao na nakilala nila sa school, maraming may ayaw saming tatlong magkakaibigan dahil hindi nila kami katulad. Kailangan ba maging tulad ka nila para lang magustuhan ka ng mga tao? Isang kahibangan yon. Kaya hindi ako sumusunod o gumagaya sa kahit na sino sakanila dahil ito ako, kung ano ako at hindi ako magbabago para lang sa isang tao o sa kahit na sinuman.

Nagiging mabuti naman sila saming tatlo kapag nandyan ang kapatid ko; si Kuya Troye na napakasikat sa eskwelahan, isa rin syang social media personality at talagang kilala siya. He has a reputation. And he loves maintaining it no matter what. Civil lang kami sa isa't-isa.

Tumakbo ako ng mga forty-five minutes hanggang sa tumigil na ako para umuwi at mag-ayos na para pumasok, bumili muna ako ng buko juice sa mamang nagtitinda sa park ng palakad na ako'y bigla akong natabig.

Anak ng! Hindi naman ako ganon kanipis para mabunggo niya pa diba?

Pupulutin ko sana ang plastic bottle ng magsalita ang taong naka-bunggo sakin.

"Sorry, miss." He apologized, he has raspy voice which makes it sounds like he smokes bago siya magsalita.

Hindi ko makita ang mukha niya, he looks like in a rushed at naka-hoodie at bonet sya, may nakasalpak din na earbuds sa tenga nya kaya siguro hindi niya ako nakita.

"It's okay." Ngumiti ako kahit na ayaw ko.

Umalis na lang siya at bigla nalang ulit tumakbo.

Sino ba sya? Hindi ko pa sya nakita kahit kailan dito.

Pagkabalik ko sa bahay, nadatnan kong gising na si Dad.

"Good morning, Kirzten." Bati nya sakin sabay tapik ng balikat ko.

"Good morning din po." Matipid kong sagot.

"Kamusta ang pagtakbo mo? Umuulan kagabi ha? Hindi ba basa ang daan?"

"Hindi ko alam na naulan kagabi Dad, baka tulog na po ako."

Humigop sya ng kape at muling ibinalik ang atensyon sa pagbabasa ng dyaryo.

"Alam mo anak, minsan palawakin mo ang pakiramdam mo sa paligid."

Hindi nila ako naiintindihan, alam ko kung ano ang nasa paligid ko dahil hindi nila alam kung ano ba talaga ang pinag-daraanan ko.

Mabilas nalang akong umakyat sa kwarto ko, naligo at nagbihis para makaalis na ako.

Pagbaba ko, nakahanda na ang almusal sa lamesa, wala kaming katulong o anuman sa bahay dahil ayaw ng mga magulang ko non, tinuruan nila kaming sa mga gawain sa buhay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Damaged.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon