Chapter 39:

15 11 0
                                    

Chapter 39:

3rd Person's P.O.V

"Saan tayo mag-uumpisang maghanap?" Tanong ni Marco sa mga kaibigan niya.

"Wag mong sabihin na hahalughugin ulit natin lahat ng hospital dito?" Sabi naman ni Gelay.

"Kung yun ba ang kinakailangan eh." Sagot ni Drake.

"Pero siguradong hindi din natin siya makikita. Dahil malamang ay pina'banned na din tayo doon." Sabi ni Tristan.

"Posible nga yun." Pagsang-ayon ni Marco.

"So, anong gagawin natin?" Tanong ni Gelay sa mga kaibigan.

"Pwede namang hindi lang sa hospital tayo maghanap diba?" Biglang sabi ni Venice.

"Paanong kahit hindi sa hospital? Eh naka'confine nga siya kaya malamang na dun talaga natin siya dapat hanapin." Sabi ni Trina.

"Parang mas maganda kasi kung sa bahay niya na lang tayo pumunta." Sabi pa ni Venice.

"May point siya. Kahit hindi man natin makita dun si Celest, atleast maka-usap man lang natin yung parents niya." Sabi ni Tristan.

"And mag-sorry tayo para ok na." Sabi ni Trina.

"Exactly!" Sabay-sabay na sabi ng magkakaibigan.

"Oh edi tara na." Sabi ni Drake.

"Lumipat na ng bahay sila Celest diba?" Tanong bigla ni Trina.

"Alam ko naman kung saan. Sa may White Plains sila lumipat." Sagot ni Drake.

"Ah ganun ba? Osya, leggo!" Sabi ni Trina.

Kaya naman pumunta na kaagad sila sa village kung saan nakatira si Celest.

Mabuti na lang at pinapasok naman kaagad sila ng gwardya doon dahil kilala naman nito si Drake. At mabilis lang din naman nilang nahanap ang bahay nila Celest.

Naka-ilang doorbell pa sila pero walang sumasagot.

"Nandyan kaya sila?" Tanong ni Marco sa mga kaibigan.

"Siguro. May ilaw naman eh." Sabi ni Drake.

Tapos ay nagdoorbell pa ulit sila. Sakto naman na bumukas na yung gate.

Pero laking gulat naman nila ng ibang tao ang lumabas.

"Sino pong hinahanap niyo?" Tanong ng babae na lumabas mula sa bahay.

"Pre baka mali naman 'tong pinuntahan natin." Bulong ni Marco kay Drake.

"Imposible. Alam kong eto yun." Sagot ni Drake.

"Ah miss, eto po ba yung bahay ng mga Fuentabella?" Tanong ni Marco sa babae.

"Ay hindi po." Sagot naman ng mga babae.

"Sabi sayo mali tayo ng pinuntahan eh." Sabi ni Marco.

"Ay hindi po. Tama naman po kayo ng pinuntahan. Dito po sila nakatira dati pero wala na po sila dito ngayon." Sabi naman nung babae.

"Ano pong ibig sabihin niyo?" Sabay-sabay na tanong ng magkakaibigan.

"Umalis na kasi sila. Kanina lang. Sa pagkakaalam ko, nagpunta na po sila ng ibang bansa." Paliwanag ng babae.

"Ibang bansa!?" Gulat at sabay-sabay na tanong ng magkakaibigan.

"Opo." Sagot ng babae.

"Anong bansa po?" Tanong ni Drake.

"Hindi ko po alam eh." Sagot naman ng babae.

"Ganun po ba? Sige salamat na lang po." Sabay-sabay na sabi ng magkakaibigan.

A Twist In My Story (Completed) Where stories live. Discover now