Chapter 40:

18 10 1
                                    

Chapter 40:

Celestine's P.O.V

Sobrang saya ko ngayon.

Una, dahil nakauwi na ulit ako dito sa Pilipinas.

Pangalawa, dahil nagka-ayos na ulit kami ng barkada.

At pangatlo, graduating na kami! Finally! Makakalaya na ko sa school. Haha.

Ang poproblemahin ko na lang ay kung paano ko pagbabatiin sila Ally, Renz, Kurt, Nathan, at ang barkada.

Kinagabihan ay hindi ako sa bahay ng barkada tumuloy, dahil ayaw nila Nathan.

Pero kinabukasan naman ay todo pa din kami sa pag-bonding sa school.

"San ka pupunta?" Tanong sa akin nila Nathan, Ally, Renz, at Kurt.

"Sa barkada." Sagot ko naman sa kanila.

"Wow Celest. Hindi ka pa ba nadadala?" Sarcastic na tanong sa akin ni Ally.

"Celest naniniwala ka ba talaga sa mga yun?" Tanong naman ni Renz.

"Kung ako sayo, wag mo na silang puntahan." Seryosong sabi ni Nathan.

"Gosh guys. It's been 4 months since that day. Can't we just move on?" Sabi ko naman sa kanila habang naka-cross arms.

"Nakalimutan mo na ba yung nagawa nila sayo?" Sabi sa akin ni Kurt.

"Guys ano ba naman kayo. Diba nagagalit nga kayo sa kanila dati, dahil hindi sila marunong magpatawad? Bakit ngayon, kayo naman 'tong hindi sila mapatawad?" Tanong ko sa kanila.

Bigla naman silang nagkatinginan.

"Iba kasi yung ginawa nila sayo." Sabi naman ni Nathan sa akin.

"Guys, kalimutan na natin yun." Sabi ko sa kanila.

Bumuntong hininga lang naman sila.

"Please guys. Kalimutan na natin yung nangyari nun. Tapos na yun eh. Magpatawaran na lang tayo para mabuo na ulit yung barkada natin." Pakiusap ko sa kanila.

Hindi naman sila nagsasalita kaya nilapitan ko na sila.

"Please?" Pakiusap ko pa sa kanila.

Bumuntong hininga naman muna sila bago nagsalita.

"Oo na. Sige na nga." Sabay-sabay na sagot nila.

Dahil sa tuwa ay agad ko naman silang niyakap.

"Thank you." Masaya kong sabi sa kanila.

"Ikaw pa ba?" Nakangiting sabi nila.

"Osya, let's go?" Tanong ko sa kanila.

Tumango naman sila.

Kaya naman nagpunta na nga kami sa may garden ng school. Lunch break pa lang naman kasi.

"Guys!" Tawag ko sa kanila with matching wave pa.

Kumaway din naman sila pabalik at sumenyas pa na umupo kami doon sa bakanteng upuan na ni'reserve nila para sa amin.

"Guys may sasabihin sila." Sabi ko sa barkada tapos ay tinuro ko sila Nathan, Renz, Kurt, at Ally.

Halata namang nagtaka yung barkada pero tumingin na lang sila kila Nathan, Renz, Kurt, at Ally.

"Ano yun?" Tanong nila Drake.

"Pinapatawad na namin kayo." Sabay-sabay na sabi nila Nathan, Renz, Kurt, at Ally sa barkada.

"Talaga!? Seryoso ba ‘to!?" Hindi makapaniwala pero masayang tanong ng barkada.

A Twist In My Story (Completed) Where stories live. Discover now