Chapter 46:

17 2 0
                                    

Chapter 46:

Nathan’s P.O.V

“Oh Andrei anak, anong ginagawa mo dito?” Nagtatakang tanong ng mama habang pinag-bubuksan ako ng pinto.

“Nandyan ba yung walang kwenta kong tatay, Ma?” Tanong ko kay Mama habang naka-yukom ang mga kamao ko sa sobrang galit.

“Nandoon sa loob anak, bakit?” Nagtataka pa ring tanong ni Mama sa akin pero sa halip na sagutin siya ay agad akong pumasok sa loob para harapin ang tatay kong walang kwenta.

Nang-gigil naman ako kaagad nang makita ko si Lucio na prenteng nakaupo sa sofa habang nanonood ng t.v kaya naman agad ko siyang nilapitan.

“Ano bang problema mo sa amin ni Celestine!? Wala ka na talagang ibang magawa kung hindi ang guluhin ang buhay ko!?” Galit kong sigaw sa kanya.

“Anak lang kita kaya huwag mo ‘kong pagsalitaan ng ganyan!” Sabi niya sa akin na halatang nagpipigil lang ng galit habang sa t.v pa din siya naka-tingin.

Sa inis ko ay kinuha ko ang remote control at ibinato iyon sa t.v dahilan para mabasag ito.

“Aba’t p*nyeta ka talagang bata ka! Ano bang pinuputok ng butsi mo diyan!?” Sigaw niya sa akin tapos ay tuluyan niya na kong hinarap.

“Andrei, Lucio itigil niyo na ito.” Awat sa amin ni Mama.

“Kasalanan mo ang lahat ng ito! Maayos naman ang buhay ko noong wala ka, tapos bigla kang susulpot dito at guguluhin mo ang buhay ko!” Sigaw ko din sa kanya. Tumawa naman siya ng mapakla.

“Kung dahil ito doon sa walang kwentang babae mo, ginagawa ko lang kung ano ang alam kong tama at kung ano ang makabubuti sayo bilang tatay mo.” Seryosong sabi niya sa akin.

Nag-init naman lalo ang ulo ko dahil doon sa narinig ko kaya dali-dali ko siyang nilapitan at sinuntok ko siya sa mukha ng pagkalakas-lakas.

“Andrei! Tigilan mo iyan! Papa mo pa din iyang kausap mo!” Awat sa akin ni Mama pero hindi ko siya pinansin.

“Huwag na huwag mong sasabihan si Celestine na walang kwenta! At hindi ko siya basta babae lamang dahil girlfriend ko siya at mahal ko siya! Palibhasa kasi hindi ka marunong magmahal kaya hindi mo alam kung anong nararamdaman ko ngayon! Tsaka anong sinabi mo!? Ginagawa mo ang lahat ng iyon dahil iyon ang sa tingin mong tama at makabubuti sa akin bilang anak mo!?” Galit kong sabi sa kanya sabay ngisi.

“Wala kang karapatang umasta bilang tatay sa akin dahil simula ng pabayaan mo kami ni mama dahil mas pinili mo yang mga pera mo, kinalimutan ko ng may tatay ako!” Sigaw ko sa kanya.

Dahil doon ay akma na niya akong susuntukin pero natigilan siya dahil sa nagsalita ulit ako.

“Ano!? Susuntukin mo ako!? Wala ka na bang ibang kayang gawin kung hindi ang manakit ng tao!? Ayan ba ang sinasabi mong tama!? Tama bang ipagpalit mo ang pamilya mo para sa pera? Tama bang pakielaman mo ang buhay ng anak mo kahit na wala naman siyang ginagawang masama? Tama bang bugbugin mo ang anak mo? Tama bang ultimo babae ay saktan mo? Tama bang guluhin mo ang buhay ng mga taong nasa paligid mo? Sa tingin mo ba iyan ang tama!? Ha!? Sa tingin mo ba iyang ang makabubuti sa akin!?” Galit kong sigaw sa kanya tapos ay pinagbabasag ko lahat ng mga gamit na malapit sa akin.

“Andrei...” Tawag niya sa pangalan ko na tila hindi alam ang sasabihin at nagulat sa mga sinabi ko.

“Andrei, Lucio... Utang na loob tumigil na kayo.” Awat pa din sa amin ni mama na ngayon ay umiiyak na.

Hindi ko alam pero biglang nag-flash sa utak ko lahat ng pangyayari dati noong bata pa ako. Simula noong close pa kami ng tatay ko hanggang ngayon na halos magpatayan na kami.

A Twist In My Story (Completed) Where stories live. Discover now