CHAPTER 4 MR.DEVIL and MS.TARAY

26 0 0
                                    

CHAPTER 4 MR.DEVIL and MS.TARAY

continuation:

Bumaling nalang si Kleint kay Xander ng mapansin niyang lalong lumalim ang kunot ng noo ni Lian.

"Xander ikaw na nga lang ang tumawag naiwan ko yung phone ko sa locker eh...."

Nagulat sila ng biglang ilapag ni Lian sa mesa ang cellphone nito at itulak palapit sa kanila.

"Oh gamitin nyo na'to...."sabay balik ulit sa pagkakasimangot at pag-iisip ng malalim.

Ngiting-ngiti naman na nagdial si Kleint habang kinakausap siya nung nagngangalang Xander.

"Ah by the way Miss sorry kanina siguro new student ka dito kaya di mo pa alam ang policy....."

Takang-taka naman na napatitig si Tori sa kausap.

"Ha,anung policy?May nilabag ba akong batas na bawal kumain dito sa canteen?"

"Ha...ha...patawa ka naman miss eh,syempre di bawal kumain dito sa canteen kaya nga canteen eh para may makakainan dito sa school...." patuloy pa rin itong tumatawa at nakahawak pa nga sa may bandang tiyan habang pinapalo-palo pa ang bandang hita.

"So anong policy ba yan....?"

Biglang itinuro nito ang gilid ng lamesa.

"Nababasa mo ba ito.....?"

Sinundan niya ng tingin ang tinuturo nito at ganito ang nabasa niya.

'THIS TABLE IS A PRIVATE PROPERTY.....

ANYONE WHO CAUGHT SITTING HERE WILL BE PUNISH....

LIST OF STUDENT CAN ONLY USE THIS TABLE'........

Zedric Kiel Mondragon

Cedrick Kleint Mondragon

Eiji Gian Tsukano

Anthony Lance Montealto

Lian Kenneth Huan

Mark Anthony del Valle

Bryan Xander de Guzman III

Klarence Vincent Mondragon

and

Michael My................

Hindi pa tpos basahin ni Tori ang pinakahuling pangalan ng biglang may sumulpot at umupo sa upuan sa kanyang tabi.

At speaking of the devil......

Inilapit nito ang mukha sa kanya at ngumisi....

"Hey,miss taray mukhang naliligaw ka ng table na inuupuan,ah?"

"Na-lili-gaw bakit ka-kayo na ba ang may -ari nitong table na ito kaya di na dapat upuan ng i-bang tao?"taas kilay na tanong niya kahit medyo nauutal.

Ngising-aso na tumitig ito sa kanya.

"Ms. Perez,mukhang nakalimutan mo na rin atang magbasa huh....hindi mo ba nabasa na private property namin ito...NAMIN!...so ibig sabihin walang maaaring umupo rito na hindi namin pinapayagan.."

"Ga-ganun ba?Okey sorry hindi ko kasi alam aalis nalang ako pasensya na.. " akmang tatayo na siya bitbit ang tray nang biglang hawakan nito ang kanyang magkabilang balikat.

"Dont be so fast......"

"Hoy,ano ba bitiwan mo nga ako!!"

Pilit siyang nagpupumiglas ngunit masyadong malakas ang lalaki.

Bumaling ito sa mga kaibigan na nakamata lang sa kanila.

"Guys di ba matagal nang nasa rule na makakatikim ng punishment ang sino mang magkakamaling umupo dito?"

Im Inlove with the Devil MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon