CHAPTER 2 EUNICE HIDDEN AGENDA

24 0 0
                                    

CHAPTER 2 EUNICE HIDDEN AGENDA

(Michaella Eunice POV)

"Waah,lintik ka kuya san ka na naman kaya nagsusuot.....nagugutom na'ko eh..."

Di-nial niya ulit ang cellphone number ng kapatid ngunit ring lang iyon ng ring.

"Makikita mo kuya,gagawa ako ng paraan para mainlove ka kay Tori...at kapag nangyari yon i will sure to it na mahihirapan ka,bwahaha!"

Tawang demonyo siya sa isip dahil alam niya at sigurado siyang may gusto ang kuya niya kay Tori.

At hindi rin coincidence ang pagkikita nila kaninang umaga sa corridor dahil talagang hinintay niya ito doon.

Alam niya kasing di pa saulo ni Tori ang pasikot-sikot sa buong campus.Di katulad niya na kahit pareho lang silang freshmen ay makailang beses nang nalibot ang buong campus dahil nga presidente ng school ang kanyang ama.

Sinubukan niya ulit tawagan ang kapatid ngunit di talaga nito sinasagot ang tawag niya.

"Grrrr,buwisit ka kuya,....buwisit...!"

Naalala niya tuloy ang dahilan kung bakit siya naging interesado sa bagong kaibigan.

*****

FLASHBACK.....

"Kuya,nakapag-enroll na'ko..samahan no naman akong mamili ng gamit,oh!Wala kasi akong kasama tagabitbit" sabi niya habang palapit dito at may hinahalungkat sa bag.

Kasalukuyan silang nasa opisina ng ama na nasa ikatlong palapag sa taas ng registrar ng eskuwelahan.

"Hoy,kuya nakikinig ka ba...?" hinampas niya ito sa likod ngunit hindi man lang nito ininda.

"Wag ka ngang magulo,Mik-mik..." pasupladong saway nito.

Di man lang siya nilingon ng kapatid na kasalukuyan paring nakatutok ang paningin sa harapan.

Kaya sinundan din niya ng tanaw ang tinitignan nito.

"So kuya,what so special with that girl at ganyan nalang kung titigan mo siya?Look at her she's so plain and simple at napakainosente ng mukha....Yes she's beautiful but di siya kagaya ng mga naging girlfriend mo na laging may pintura sa mukha...."

Kulit niya rito habang nakatingin din sa babaeng nakaluhod at nagtatali ng sintas ng suot na rubbershoes.

Bigla nitong iniwas ang tingin sa babae at bumaling sa kanya.

"Anong what so special ang tinutukoy mo diyan,syempre wala...hindi ba pwedeng curious lang ako pa'no siya nakapasok dito coz she look poor.....nakita mo lang na tinignan ko yung babae special na agad....come on sister you know my taste when it comes to girl kaya bakit pa pinag-aaksayahan ng bird brain na tulad mo ang isipin ang mga ganung bagay,tsk..." nakasmirk na tanong nito.

Napatulala siya sa haba ng sinabi nito.Knowing her brother hindi ito madaldal.Isang tanong,isang sagot nga ang tawag niya rito tapos ngayon ang haba-haba na ng sinabi.

I smell something fishy.....

Di pa rin siya nagpatalo sa kapatid.

"Yun na nga my dear brother i know you,so i know din ang kalibre mo sa girl kaya nasabi ko yun...type mo yun mga babaeng fighter yet so simple like that girl...look...your so defensive kuya hehe...wag ganyan masyado kang nahahalata de vah!!!"

"Oh shut up little brat......"

"Well kuya,wants to know her personal info,huh?"she wink.

"Will you stop that nonsense...wag mo na akong idamay diyan sa kalokohan mo......Mik-mik!" sabay sarado ng sliding glass window.

Im Inlove with the Devil MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon