Imperfectly Perfect: Pagpapakilala.

0 0 0
                                    

Nakikita ko na ang lahat ng bagay napagdaanan ko na ang mga simpleng kahirapan at simpleng kasiyahan di parin ako nagigising sa katotohanan na ang buhay ay hindi tulad ng mga araw noon na madadaan mo ang panliligaw sa simpleng harana, simpleng pagsusulat o kaya'y simpleng panreregalo.

Sabi nila gusto nila akong mahalin. Pero bakit parang iba ata ang gusto. Gusto nila akong kaibigan. Pero nararamdaman kong kailangan lang nila ako pag may gusto silang makuha sa akin. Hindi na yata normal ang pinagdaanan ko. Pero matitiyak kong sa bawat pag patak ng luha at bawat galak ko'y mararamdaman niyong hindi kayo nagiisa nakikiramay din ako sa inyo.

Ako ay si Teo o kilala sa ngalan na Teo D. Archangel ang D sa aking ngalan ay tumatayong Deos. Marami naring nagsabi sa akin na ako'y may magarang pangalan pero hindi nito napagsasalin ang aking pagkatao at pamumuhay. Ako'y labing siyam na taong gulang. Meron akong bunsong kapatid na si Pat Deos Archangel na labing anim na taong gulang. Ang Deos ay nagmula sa aking ina na si Teoriya D. Archangel at ang Archangel ay galing sa ama kong si Patrick D. Archangel. Kinasal ang aking mga magulang ng ako'y apat taong gulang na duon nabuo ang aking kapatid bunsong kapatid.

Di kami kilala pero may mga kaibigan kami kahit na nabibilang lang ito ng iisang kamay. Kahit na ganito ang buhay ko ay masaya narin ako pero mukhang mararanasan ko pa ang katotohanan na ibabahagi sa akin ng mundo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IMPERFECTLY PERFECTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon